Chapter 26

1214 Words

MAAGANG nagtungo si Piper sa kaniyang lugar na pinagpipintahan malapit sa minahan. Dala-dala niya ang kaniyang mga gamit sa pagpinta. May naisip kasi siyang iguhit na hindi niya maalis sa kaniyang isip simula kahapon pa. Pabagsak siyang naupo sa damuhan at iniayos ang kaniyang mga gamit sa sahig. Ang kaniyang gamit sa pagpipinta ang hindi niya pinanghihinayangang bilhin sa sarili niya. Madalas kasi na kapag patungkol na sa kaniyang mga gamit ang bibilihin ay pinaghihinayangan niya ang perang gagamitin. Halos hindi nga siya nakabibili ng kaniyang mga bagong damit. Ang lahat ay halos luma na at bigay pa ng ilan sa kaniyang mga kakilala. Subalit kapag gamit sa kaniyang pagpipinta ay talagang pinag-iipunan niya. Ganito niya kamahal ang pagpipinta, kahit na bihira niya lamang itong gawin. Ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD