***XALENE's POV*** Isang araw pa lang ako dito sa mansyon, ngunit pakiramdam ko ay mai-spoil na ko sa karangyaan ng tinitirhan ko at gumamit ng mga mamahaling bagay. Umahon na ako sa bathtub at nag-shower. Grabe, pwedeng mamili ng mainit at malamig. Hindi katulad sa apartment ko, may shower nga bigla ka namang mapapasigaw kapag ang lalabas ay napakalamig na tubig. Lol! Isa pang high-tech dito sa bathroom ko ay ang ilaw. Hindi uso ang switch. ‘Pag lalabas ako ay kusang namamatay ang ilaw, kapag papasok naman ako ay kusa ring bubukas. Ang lakas makasosyal. This is life. Ang sarap maging mayamang yaya ng mga aso. Kakanta-kanta akong lumabas na ng banyo matapos kong maligo at nag-hair dryer. Oh, ‘di ba, bongga? Samantalang noon ay tumutulo pa ang basing buhok ko na lalabas ng bahay at s