Chapter 12

1766 Words
  Pagkatapos ikuwento ni Romulo ang lahat patungkol sa kung paano sila nagkaganoon ng kapatid niyang si Ella ay nahimasmasan din si Jerick habang nakaupong nakasandal sa may pader. Agad nilapitan ito ni Ella at dahan-dahang nilagyan ng hot and cold compress ang binata dahil sa tinamo nitong suntok. Nakatingin lang si Jerick sa magandang mukha ni Ella. "Hindi ako makapaniwala na may aswang palang sing ganda mo. Handa akong magpakagat basta lang ikaw ang aswang ko."  Ngumiti at namula naman si Ella sa sinabi ni Jerick at binatukan sa ulo nang mahina.  Nang biglang may narinig silang tila kagimbal-gimbal na sigaw ng demonyo sa labas. Paulit-ulit ito na ikinatakot ni Jerick. "Ngayon na ang bagong buwan. Kaya nagpupulong na ang mga aswang,” natatakot na sabi ni Romulo. "Ano ibig niyong sabihin?" takang tanong ni Jerick. "Si Lolo Kasyo ‘yan. Kapag ganyan ang naririnig mo. Ibig sabihin tinatawag niya ang buong aswang sa Probinsya Luisita para magkaisa," sagot ni Ella. "Hala! Paano ‘yong mga taong naninirahan dito?" nag-aalalang sabi ni Jerick nang agad nilang narinig ang malakas na pagsara ng main entrance door ng clinic. "Tang -ina! Iyong mga kaibigan ko.” Nang aalis na sana siya ay hinarang siya ni Doc. Romulo. "Hindi puwede Jerick. Masyadong mapanganib. Naaamoy ko na pinapasok ni Lolo ang lahat ng aswang dito sa clinic para tugisin kayo. Mahilig kasi sila sa buntis at gagawin nila itong alay." Nagalit lalo si Jerick sa sinabi ni Romulp. "Ayon pala! Bakit ayaw niyo akong paalisin! Hindi ko hahayaan ang mga kaibigan ko na saktan o patayin ng lolo niyo." Biglang lumapit muli si Ella at hinawakan siya sa baywang. "Ako na lang ang pupunta sa kanila. Dito ka na lang. Ayoko na mapahamak ka. Hindi basta-basta ang mga aswang sa bayan namin dahil malalakas sila. Mas safe kung ako kasi katulad nila ako," sabi niya at naging usok na siya. Ngumiti naman si Jerick at nakalma. Nanatili na lang siya sa laboratory kasama si Doc. Romulo habang minamadali nito ang paggawa ng formula ng biglang dumilim ang buong paligid. "Ginalaw na naman nila ang main circuit," ani Romulo. ~~~ Habang sa kuwarto naman nina Jena, Lemuel, Edison at Leni ay may bigla na lang silang narinig na malakas na pagsara ng pinto sa labas at may sumigaw na tila isang boses diyablo na malakas. "s**t! Ano ‘yon?" nahihintakutang sabi ni Jena. "Akin na ang bawang. Ikalat niyo pa siya sa paligid." “Na naman?" nagtatakang sabi ni Leni. "Noong bata kasi ako. Nakarinig kami ng ganyan noong nasa gubat kami. Sabi ng Lolo ko kapag ganyan ang sigaw. Isa ‘yang aswang na tumatawag ng kakampi," ani Edison. "What!? Dude naman. Hanggang ngayon ba naman ay naniniwala ka sa aswang?" "Sige na! Dalian na natin," pilit na sabi ni Edison. Agad nilang nilagyan ng mga bawang ang kada bintana at isinara ito. Pati pasukan ng pinto. Kahit ‘yong mga butas-butas sa dingding ay nilagyan nila dala na rin ng katandaan ng clinic kaya talagang pinursiging takpan ni Edison ang mga iyon. "Bakit pati ‘yan Edison?" tanong ni Lemuel. "Kasi sabi ulit ng lolo ko. Ang aswang daw ay kaya nilang mag-transform bilang hayop o kahit insekto. Kaya kahit ganyan kaliit na butas ay kaya nilang pasukin." Nagulat na lang sila nang narinig na naman nila ang nagsisigawan at nakakagimbal na boses na tila may sapi sa labas ng kuwarto nila na nagdala pa lalo ng tensyon at takot sa kanila. Hindi na matiis ni Leni kaya napatayo siya bigla. "Pupuntahan ko si Jerick. Hindi natin siya pwede pabayaan ng basta-basta lang sa labas ng pinto na ‘yan! Para ko na rin siyang kapatid kaya pupuntahan ko siya! Kaya sana maintindihan niyo," matapang na sabi nito. Pinigilan siya ni Jena pero ayaw magpapigil ni Leni kaya tuluyan na itong lumabas ng kuwarto. "Jena, calm down alang-alang sa ating baby. Hayaan mo siya. Kung gusto niya magpakamatay. Mag-isa siya," inis na sabi ni Lemuel sa kasintahan. Si Edison naman ay sinundan niya si Leni palabas ng pinto. Pero biglang tumalikod si Leni at pinigilan siya saka itinulak. "Bakit mo ako sinusundan?" ani Leni. "Kasi ayaw kitang pabayaan." "And so?" Agad tumungo si Edison sabay tinanggal ang salamin niyang de grado at namula. "Dahil mahal kita Leni. Noon pa. Ayaw ko na may mangyari sa ‘yong masama." Nagulat si Leni hanggang sa may marinig ulit silang ingay ng bukas-sarado ng pinto kaya nang tiningnan nila ay may nag-lock sa entrance main door ng hospital. "Edison, balik ka na sa kuwarto natin. Mas kailangan nila ng lalaki dahil buntis si Jena at may kaunting pilay si Lemuel. Huwag kang mag-alala. Mag-iingat ako," naiiyak na sabi ni Leni. Biglang ngumiti si Edison. "Iyan ang nagustuhan ko sa ‘yo Leni. Ang katapangan mo kahit babae ka," sabi nito sabay inalis niya ang suot-suot niyang kuwintas na agimat at isinuot sa babae. "Sabi ng lolo ko. Kapag suot mo raw ang agimat na ‘to. Walang sino mang mabangis na hayop o aswang ang makakalapit at makakapanakit sa ‘yo,” dagdag pa niya saka hinalikan niya si Leni sa noo at ngumiti. Nginitian din siya ni Leni at tumakbo na ‘to papuntang lobby palayo nang palayo sa mata ng binata. "Alam ko na kaya mo ‘yan." Hanggang sa may maamoy si Edison na kakaiba kaya tumakbo na siya nang mabilis at pagkapasok niya sa kuwarto kasama sina Jena at Lemuel ay agad siyang tinanong ng mga kaibigan. "Hinanap na niya si Jerick. Pumunta siya sa lobby ng clinic ng mag-isa. Huwag kayong mag-alala dahil ibinigay ko sa kanya ang agimat ng lolo ko." "Sigurado ka ba talaga na aswang ang kalaban natin?" nagtatakang sabi ni Lemuel nang bigla na naman nilang naamoy ang napakasangsang na hangin galing sa labas. Tumakbo si Edison at sinara agad ang pinto nang malakas. "Sila ‘yon. Sabi ng lolo ko. Kapag may naamoy kayo na mapanghi o mabaho na amoy kanal ng biglaan. Basta masangsang. Ito'y isang masamang elemento. ‘yon ang mga aswang. Mahilig silang tumambay sa madudumi gaya ng basurahan, ‘yong mga kanal ay sinisipsip nila lalo na sa mga probinsyang gaya nito." "Baka naaamoy mo lang sarili mong putok! Baliw ka na dude. Itulog mo na lang ‘yan. Alas-dose na oh!" sabi nito sabay tinakpan ni Lemuel ng unan ang ulo niya. Wala na rin magawa si Edison kaya sumunod na lang sa kaibigan. ~~~ Nakatulog sila at nang mga eksaktong ala-una na ng gabi ay biglang nagising si Jena dahil tila may tumatawag sa pangalan niya sa panaginip. Agad niyang hinawakan ang sinapupunan niya at medyo kinilabutan kaya napatayo siya sa kinahihigaan sabay tiningnan sa kabilang kama ang kasintahang si Lemuel at sa sofa naman ay si Edison na tulog. Narinig na naman ulit niya ang tila boses ng isang babae na tinatawag ang pangalan niya at ito ay tila naroon lang sa labas ng pinto. Dahan-dahan siyang lumapit at naapakan pa ang maraming nakalagay na mga bawang sa sahig ng kuwarto. Nang makalapit na siya sa harap ng pinto ay hindi siya nagkakamali. Doon nanggagaling ang boses. Dahil sa curious siya. Dahan-dahan niyang idinikit ang palad sa busol ng pinto at binuksan ito ng dahan-dahan para hindi marinig ng kanyang mga kasama. Sa maliit na bukana ng pinto ay isiningit niya kanyang mga mata para silipin ito. May nakita siyang isang napakalaking pinscher na nakaabang sa labas ng pinto. Sing laki ito ng tao kaya nagulat siya lalo na't hindi lang isa kung di may isa pa itong kasama na nagpakita bigla. "Ano kaya ginagawa ng mga police dog na ‘to?" nagtatakang sabi niya. Biglang umubo si Lemuel kaya tumalikod siya para sulyapan lang ‘to. Hanggang sa tumigil ang kasintahan niya sa kakaubo at tuluyan muling umidlip. Nakahinga nang malalim si Jena sa kinatatayuan niya. Nang ibinalik niya ang mata sa pagsilip sa maliit na bukas ng pinto ay nagulat siyang magkasalubong mismo ang mukha nila ng aswang na naglalaway na may matatalim na ipin at namumula-mula pa ang mata. Agad siyang napaatras at napasigaw pagkatapos nitong pilit hablutin siya ngunit hindi makapasok-pasok sa loob ng kuwarto dala ng mga bawang sa paligid. Nagising bigla sina Lemuel at Edison dahil sa malakas na sigaw ni Jena kaya hinimatay ito kaya agad na napatakbo si Edison at binuhat ito papunta sa kama. Isinara na nila ang pinto pero mas nagambala sila nang mamatay ang buong ilaw sa clinic. ~~~ Habang si Leni nama'y naglalakad. Hindi niya inaakala na mamamatay ang ilaw. Tanging liwanag lang ng buwan sa labas na tumatagos sa bintana ang nakikita niya kaya mas lalong lumalim at bumilis ang paghinga niya. Dahan-dahan pa rin siyang naglalakad sa madilim na hallway na tila naliligo na ng pawis dahil sa takot. "Diyos ko, tulungan niyo po ko." Nang nakita niya si Jerick na nakatalikod. Dahan-dahan siyang lumapit dito. "Jerick! Ikaw ba ‘yan?" Sabay patak ng kada pawis galing sa noo niya at paglunok ng laway sa kanyang lalamunan. Nang sobra na siyang malapit ay hinawakan niya ito sa baywang. Napasigaw na lang siya ng pagkaharap ng inaakala niyang si Jerick ay bigla itong nagpalit ng anyo bilang aswang sabay sinakal siya nang mahigpit. Pilit kumakawala si Leni sa pagkakasakal. Tila mauubusan ns siya ng hininga nang naalala niya ang agimat kaya't pilit niya itong hinablot sa loob ng damit niya at biglang idinikit sa mukha ng aswang. Nabitawan at naitapon siya nito sa marmol na sahig ng clinic. Dahil nagalit ang aswang sa ginawa niya ay mas natakot pa si Leni nang biglang nahati ang katawan nito at tinubuan pa ng pakpak at tuluyang naging manananggal. Walang paligoy- ligoy na tumakbo nang mabilis si Leni. Dahil malaki ang clinic at mataas ang kisame ay malayang lumipad at hinabol siya ng manananggal. Hindi na alam ni Leni kung saang direksyon siya pupunta basta lang takbo lang siya nang takbo at ayaw niyang abutan pa siya nito. Nang agad siyang lumiko. Narinig na naman niya ang aswang na sinusundan pa rin siya kaya lahat ng mga pinto sa kada kuwarto ng clinic ay binubuksan niya kaso lahat ay naka-lock. Hanggang sa wakas ay nabuksan niya itong nagiisang pinto at pumasok siya agad na hinihingal at hinahabol ang kanyang hininga at agad ni-lock ang pinto. Gulat siyang may ilaw sa kinatatayuan niya. "Wait! Akala ko brownout? Bakit may ilaw dito?" tanong niya sa sarili. Nakatakas nga siya sa manananggal na ‘yon ngunit may napasukan naman siyang kakaiba at nakita niyang may hagdan ito pababa papunta sa basement ng clinic. Kaya dahan-dahan siyang bumaba roon.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD