Chapter 13

1936 Words
Basement nung pagkababa          Red Room kung saan kinukulong ang mga tao BASEMENT NA NAGIBA NG ANYO          Nakita niyang parang brand new pa ang basement. Walang kadumi-dumi at kumikintab pa ang ibabang sementong gawa sa marble. Bigla siyang nagambala nang may marinig siyang parang tumakbo sa likod niya. Hindi niya rin maintindihan kung bakit nanindig bigla ang mga balahibo niya sa batok at agad nanlamig. Mas lalo siyang nagulat nang tumakbo na naman ulit iyon sa likod niya ngunit sa kabilang direksyon naman. Mabilis ito na tila nakikipaglaro. Isa sa mga pinto ng mga kuwarto ang nabuksan niya sa tahimik na hallway. "Tara, dito ka," sabi ng isang boses bata. Napalunok na lang si Leni sa takot, ngunit dahil bata ay pinilit niya ang sariling puntahan ito. Baka puwede pa niya itong isalba sa mga aswang. Napakatahimik talaga ng lugar. Tanging huni ng rubbershoes na pinang-aapak niya ang naririnig niya. Nang nandoon na siya sa pinto ay dahan-dahan niyang tiningnan ito. Nakita niyang ito ay isang simpleng kuwarto lamang na tila secret file room ng clinic. Magulo at nakatapon ang mga libo-libong papel kung saan-saan. Pumasok na lang si Leni roon nang di nag-iingay nang biglang nagulat muli siya at napasigaw dahil nabuksan ang isang drawer doon ngunit wala namang ibang nagbukas. "Diyos ko! Wala ngang aswang dito pero parang minumulto ako. Sana bigyan n'yo po ako ng lakas ng loob." Agad siyang lumapit at muli ay napapikit na siya sa takot dahil sa isip niya na baka makakita siya ng kung ano sa loob ng drawer. Ngunit pagmulat niya, isang susi lang ang laman. Kaya nakahinga siya nang maluwag at agad na kinuha saka ibinulsa. "Para saan kaya itong susi?" tanong niya sa sarili. Pagtalikod niya ay nagulat na naman siya nang may nakatayong bata sa harap niya. "Sino ka? Paano ka napunta rito?" tanong pa nito sabay nilapitan niya ang bata at nag-squat para lang pumantay sa kanya. "Ako si Marlon," pakilala ng bata. Tila isa itong normal na tao na naka-polo ng puti at itim na slacks. "Saan ang magulang mo? Paano ka napunta rito? Ikaw ba 'yong nakikipaglaro sa akin kanina?" "Opo. Wala na ang magulang ko pero may lola ako." Nalungkot si Leni kaya niyakap niya ito. "Tara, sumama ka sa akin. Hanapin natin ang lola mo. Delikado rito." "Ayoko!" sigaw nito sabay tungo. Nagtaka naman si Leni nang biglang marinig nilang parehas ang malakas na dabog sa taas ng clinic. Agad siyang nagmadali. Nang hilain niya ang kamay ng bata para sumama sa kanya ay ayaw nito kaya dinukot niya sa kanyang bulsa ang susing nahanap. "Bata, alam mo ba kung para saan itong susi?" Tinuro ng bata ang isang pinto sa likod ni Leni kaya walang paligoy-ligoy pang pumunta siya roon. Sinulyapan pa rin niya ang bata ngunit nakangiti na lang ito na tila nagka-emosyon habang pinagmamasdan niya na lalo niyang ipinagtataka. Pagkatapos niyang gamitin ang susi ay nagbukas ang pinto kaya agad-agad siyang pumasok doon. Pagkapasok niya sa loob ay nagulat siya sa kanyang nakita at napasigaw. Red light galing sa parang glow in the dark na ilaw at punong-puno ng dugo ang pader ang bumungad sa kanya. Hindi lang iyon. Akala niya ay mag-isa lang siya. Dahan-dahan niyang pinagmasdan ang mga drawer ng mga lamesa at nagulat siya na may mga taong nagtatago roon. Pati mga cabinet, ref, at kung saan-saang parte ng gamit sa loob na puwedeng pagtaguan. Sobrang baho pa ng kuwarto na umaalingasaw, sobrang sakit na sa ilong kaya't nasuka si Leni. Ngunit tinibayan niya ang loob niya. "Ako si Leni. Napadpad ako rito sa basement. Ano'ng nangyari dito?" maluha-luhang tanong ni Leni. "Kilala ko siya. Sila ng mga kaibigan niya ang humuli sa akin kaya't ako'y nandito. Mga kakampi ng aswang! Mga kakampi 'yan ni Doc. Romulo." Biglang nagpakita kay Leni si Commander Raquel at sinabayan ng mga taong nagtatago. "Ano'ng ginagawa mo rito. Papatayin mo rin ba kami at ipapakain sa mga aswang?" sigaw ng isang matanda na halos nakatayo, matigas na ang buhok, at punong-puno ng dugo ang damit. "Sige patayin n'yo na 'yan! Traydor 'yan!" sigaw nito habang ngumingiting sabi ni Commander Raquel. "Hu-huwag! Hinihintay ako ng mga kasamahan ko kasi nakulong kami rito sa clinic at hinahanap namin ang daan palabas!" pasigaw na sabi ni Leni habang takot sa maaaring gawin ng mga ito. May narinig silang malakas na ingay sa labas kaya natakot at nagtago silang lahat. Biglang bumukas nang napakalakas ang pinto ngunit ang ipinagtataka ni Leni ay bakit walang kailaw-ilaw sa labas kung saan siya nanggaling. May asong sinlaki ng tao ang pumasok sa loob na tila nagmamasid-masid sa paligid ng kuwarto. At sa madilim na kuwartong iyon ay katabi lang na nagtatago sa loob ng mesa ni Leni yung matandang nagtanong. "Sino ho kayo? Paano kayo napunta rito? Bakit ang daming dugo? Parang napapanis na mga putol na kamay ng mga tao ang nandito sa kuwarto? Gusto ko ring ipaalala na kaya lang naman namin hinuli 'yang si Commander Raquel ay dahil isa siyang rebelde. Hinuli niya kami! At may balak siyang pagsamantalahan ako," nagpapaliwanag na sabi ni Leni. "Ako si Sarah. Totoo ba ang sinasabi mo? Ang mga rebelde sa probinsyang ito ay nanghuhuli lang para i-hostage at hindi sila nanggagahasa o pumapatay." "Maniwala ho kayo, Manang Sarah! Totoo po ang sinasabi ko," pangungumbinsing sabi ng dalaga. Nagulat si Sarah nang sipain ni Commander Raquel si Leni kaya naitulak ito't nadapa sa gitna. Sa gigil ng aswang ay nag-anyo itong matandang mukhang paniki na may matatalas na ngipin at mapulang mata. Bigla nitong sinugod si Leni at walang pakundangan ang pagsakal nito bago nagsalita. "Akala mo, matatakasan mo ako?" Agad sumugod si Sarah at iba pa niyang kasama para atakihin ang aswang ngunit tila hindi ito tinatablan ng kung ano-anong bagay na pinapalo o hinahagis sa kanya. Habang nagkakagulo sa loob ay hindi nila napansing tumakas si Commander Raquel. Kinuha ng isang lalaking kasama nila ang upuan at hinampas sa aswang ngunit tila hindi nito alintana dahil masyado itong malakas. Kaya naman wala nang iba pang naisip muli si Leni kundi ipasak sa bibig ng aswang ang agimat na bigay ni Edison. Nagulat ang lahat nang sumigaw ito nang mala-halimaw na napaso sa init ng krus at agad nabitiwan sa pagkakasakal si Leni na halos naghahabol na ng hininga. Habang nakahiga ang aswang ay nagpalit ito ng anyo bilang tao na tila nagmamakaawa na huwag siyang patayin. Ngunit hindi nagpadala si Leni at isinaksak na niya ang matulis na parte ng agimat sa mata nito kaya't napasigaw ito hanggang sa mawalan na ito ng buhay habang bumubula ang bibig at umuusok. Natuwa ang sampung taong naroon sa loob na kasama niya. Nagpasalamat sila nang sobra at niyakap si Leni. "Saan mo nakuha ang kuwintas na 'yan?" tanong ng isang binata na kaedad lang nila. "Sa kaibigan ko. Bigay sa kanyang ng lolo niya. Agimat sa lahat ng mga halimaw." "Talaga? May isa ka pa niyan? Anyway, ako pala si Borj at siya ang kapatid kong si Ryan. Yung mga babae naman ay sina Mariel at Donna. Yung limang lalaki ay puro mga rebelde na naging kasama ni Commander Raquel." Halos kaedad lang niya ang ipinakilala ni Borj sa kanya. "Nasaan si commander?" "Hayaan mo na siya. Siya ang dahilan kung bakit muntikan na tayong mapahamak dahil sinipa niya si Leni at tumakas," inis na sabi ng matandang si Sarah. "Sorry, isa lang itong agimat. Hayaan n'yo na 'yong si commander. Totoo, sinabi kong wala siyang puso dahil muntikan niya na akong gahasain pati ng kaibigan ko na buntis!" Agad naman itong itinanggi ng lima pang kalalakihan na kasama nila dahil sa mga rebelde rin ito gaya ng commander nila. "Matanong ko lang, sino'ng nagkulong sa inyo rito at paano kayo napunta rito?" "Sina Doc. Romulo at Ella ang dumudukot sa mga rebelde. Kami naman ay naligaw sa probinsyang ito kaya't hinuli kami ng pinakamatandang aswang at pinakamalakas sa kanila. Siya si Kasyo. Ang lolo ng dalawa," ani Borj. Nagulat si Leni. "Ano? Akala ko pa naman, mabait yung magkapatid?" "Mabait sina Romulo at Ella. Ngunit sa amin lang na hindi mga rebelde. Yung kapatid niyang si Ella ay aswang din. Tuwing gutom ay pumupunta rito upang kunin ang isa sa mga rebelde at kinakain. Sabi ni Doc. Romulo na kapatid niya ay kailangan daw dahil masasama ang loob ng mga rebelde na nahuhuli nila kaya pinapakain na lang niya sa kapatid niyang aswang na babae. Ngunit sa pangungumbinsi naman ng mga kasamahan naming rebelde na narito at hinuli nila ay nagsisinungaling daw si Doc. Romulo at hindi siya dapat pagkatiwalaan. Iisa lang naman daw ang hangarin ng mga rebelde: Ang mabigyang-pansin ng gobyerno itong Probinsya Luisita.". "Bahala kayo kung sino ang paniniwalaan n'yo. Kaming mga bagong dayo rin dito o ang mga rebeldeng 'yan!" ani Leni saka matalim niyang tinitigan ang limang rebelde na kasama nila. "Isa pa, si Doc. Romulo ay tao, hindi aswang. Kaya nagtataka kami kung bakit ganoon." Sabay sumingit ang batang kapatid ni Borj. "Iyong si Ella, tuwing kakainin niya ang isa sa amin ay nagtatago siya sa banyo riyan sa loob ng pinto. Ngunit ang pinakanakakatakot ay ang Lolo Kasyo niya dahil kapag papatayin at kakainin niya ang isa sa amin ay dito niya mismo kinakatay. Kaya't makikita mo na parang binagyo ng dugo ang buong kuwarto, pati mga damit at itsura namin." Naawa si Leni dahil sa murang edad ni Ryan ay nakakakita na siya ng mga ganoong pangyayari. "Isang taon na kaming nakakulong dito. Tinuro din sa amin ni Doc. Romulo kung saan magtatago at priority niya kaming mga hindi rebelde dahil baka raw pagtripan kami ng lolo niya. Si Ella naman ang naghahatid sa amin ng pagkain," ani Mariel at ni Donna kaya ramdam nila ang inis ng mga rebeldeng kasama nila. "Sana buhay pa ang apo ko," sabi ni Sarah sabay hagulgol kaya niyakap siya nina Mariel at Donna. "Bakit? Di ba, sabi n'yo, ang kinakain lang nila ay mga naliligaw sa Probinsya Luisita?" nagtatakang sabi ni Leni. "Hindi kasi nakapagpigil ang matandang aswang na si Kasyo at gustong-gusto niya yung mas bata kaya kinain niya sa harapan namin ang apo ni Sarah na pitong taon. Mahirap pero wala kaming nagawa," ani Borj habang pinakalma nila ang matanda. Wala silang magawa kundi tanggapin ang ganoong kapalaran at nagpapasalamat silang natagpuan sila ni Leni. Pagkalabas nilang lahat sa kuwarto ay nagulat na lang si Leni nang naging ganito ang itsura ng basement. "Ano'ng nangyari? Bakit nagkaganito? Noong pagbaba ko sa hagdan ay ang liwanag at makintab pa na tila brand new ang semento pero bakit walang ilaw ngayon at ganito na 'to kadumi agad?" "Talaga? Parang nakapagtataka yata," ani Borj. "Oo, tapos may nagpakita pa sa aking isang bata. Pagkatapos kong makita ang susi sa drawer, siya rin ang nagturo sa akin ng kuwarto kung saan kayo nakakulong,"dagdag pa ni Leni. "Ha? Ang gulo. Paanong nangyari 'yon? Baka naman aswang 'yon o kaya ay namamalik-mata ka lang. Kasi nawalang bigla ang ilaw rito sa clinic kaya nga red glow in the dark ang tanging ilaw naming dito sa loob," wika rin ni Mariel. "Nagpakilala nga siya sa akin. Sabi niya, ang pangalan niya ay si Marlon." Biglang naiyak naman si Sarah nang masabi niya ang tungkol doon. "Ito ba 'yong parang edad pitong taon na sinabi mo tapos naka-polo ng puti at nakapantalon ng slacks?" "Oo! Siya nga! Gusto ko sana siyang isama sa loob pero hindi ko napilit noong papasok na ako. Nakangiti pa siya habang iwinawagayway ang kamay sa 'kin," ani Leni na tila naaawa sa matanda. "Malamang, tinulungan tayo ng multo ng apo mo, Manang Sarah. Panahon na para palayain mo na siya sa isipan mo. Panahon na rin para tanggapin mo sa sarili mong wala na talaga siya," iyak na sabi ni Donna at niyakap nang mahigpit ang matanda. Habang nagmamadali silang umakyat sa hagdan ay tila nasulyapan nina Sarah at Leni ang apo niyang nakangiti na tila nagpapaalam at pumasok sa puting silaw ng gabi—hudyat na mananahimik na ang kaluluwa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD