Agad silang umalis sa x-ray room at tinulungan ni Leni si Ella buhatin at pasandalin ang baywang nito sa kanya.
Kada takbo nila ay may mga bangkay na buhay na gusto umatake sa kanila kaya baril din nang baril sina Edison at Jerick.
"Nasaan ibang mga kasamahan natin?" galit na tanong ni Edison habang bumabaril gamit ang piston.
"Nasa ER. Alam ko kung saan ang papunta sa secret room. Nasa 2nd floor basement at doon ko nakuha ang lahat ng armas. Ay puta! Ubos na ang bala ko!"
Sabay kuha ni Jerick ng shotgun nang nagulat silang sumigaw si Leni.
Pagkatingin nila ay nakagat ito ng isa sa mga bangkay na patay kaya't tumakbo si Edison at hinampas ng baril sa ulo ang zombie na kumagat ditto kaya tuluyan niyang naisalba si Leni at sabay silang tumakbo papunta sa ng PolyClinic.
Pagkapasok nila doon ay nasa safe zone na sila kaya isinara nila ng mahigpit ang pinto.
"Tang-ina! Masyadong madami na sila. Bakit kasi pinatay niyo agad ‘yong matandang aswang. Dapat tinorture niyo muna para pigilan ang ritual niya sa mga buhay na bangkay,” galit na sabi ni Jerick kina Edison.
"Sabi ng matandang aswang na ‘yon ay may 100 na bangkay na buhay sa loob ng clinic na ‘to. Sa tingin niyo ba ay makakaligtas tayo lalo na't di natin alam ang daan palabas? Iyang mga armas ninyo ay mauubusan din ng bala! My God!" paliwanag ni Jena habang umiiyak.
"May itak pa tayo Jena. Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa," sabi ni Jerick sabay pinakita ang mga natitirang ibat ibang klase ng itak sa loob ng bag niya pati mga kakaibang puntilyo.
Nagulat na lang sila ng biglang kinagat ni Leni si Ella sa leeg at dahan-dahang sinipsip ang dugo nito hangga’t namuti ang mata nito saka nagkaroon ng maraming ugat ang mukha.
Sa sobrang inis ni Jerick ay biglaan niyang tinutok ang shotgun sabay binaril niya si Leni sa ulo kaya't sumabog at napugotan ito ng ulo.
Biglang napaiyak si Edison at sinugod ng suntok si Jerick. "Bakit ginawa mo ‘yon kay Leni? Bakit p’re?"
"Hindi na si Leni ‘yon Edison! Isa na siya sa bangkay na buhay. Naging isa na siya sa kanila! Parang zombie apocalypse itong nangyayari sa atin dahil pinaglalaruan tayo sa ilusyon ng matandang aswang. Sigurado ako na nandito pa rin ang kaluluwa niya at pinapaniwala na totoong may mga bangkay na buhay ang mga nakikita natin dahil sa illusion na ritual" malungkot na sigaw ni Jerick pagkatapos niyang gantihan ng suntok si Edison at maitulak saka maisandal niya ito sa may pinto.
Napasigaw si Borj ng siya naman ang sumunod na makagat ni Ella na naging isa sa mga bangkay na patay at biglaang may lumabas na mga kamay sa harap ng pinto kung saan nakasandal si Edison ng hindi nila inaasahan at nahablot saka nahawakan siya sabay nasakal pa ng mga kamay ng bangkay na patay na tila hinablot nila ito papalabas. Kaunting kalmot din ang tinamo ni Jerick ukol doon kaya't lumayo siya ng kaunti at binaril ang mga kamay na lumabas sa pintong sinasandalan ni Edison.
Sabay kumilos naman si Lemuel at binaril ng ilang beses si Ella.
"Barilin mo na din si Borj, Lemuel! Dahil magiging isa rin siya sa kanila," sigaw na utos ni Jerick.
Agad naawa at nalilito si Lemuel dahil sa nakita niyang umiiyak ng sobra si Ryan dahil sa kapatid sabay nagmamakaawa na huwag barilin ang kuya niya ngunit huli na dahil nakagat na ito sa braso.
Pinigilan at niyakap ni Jena si Ryan. "Barilin mo na Lemuel, ‘yan lang ang tanging paraan upang makaligtas tayo! Dahil tama si Jerick. Magiging isa siya sa kanila at hindi na ‘yan ang Borj na kilala natin."
"Huwag po! Ako na lang ang babaril sa kanya!" sabay inangat ni Ryan ang magnum niya at itinutok sa ulo ng kapatid. Nginitian naman siya ni Borj sabay sumenyas na puwede na siyang pumutok.
Walang paligoy-ligoy na binaril ng ilang beses ni Lemuel ng armalite si Ella at si Ryan naman ay nakuhang barilin ng kapatid para lang sa ikabubuti nilang lahat.
Kinabahan na sila ng sobra dahil paparami na nang paparami ang sumusugod sa kanila na bangkay na buhay.
Agad kinuha ni Jerick ang itak at initak ang ulo nina Ella at Borj para hindi na ito magising pa bilang isa sa mga buhay na bangkay.
Dumaan sila sa may bintana nang mabilisan. Lima lang silang natitira. Si Lemuel, Jena, ang batang si Ryan at si Jerick kasama si Edison.
"Sigurado ka bang dito ‘yong daan papunta sa secret room na sabi ni Romulo?" tanong ni Edison.
"Oo!" sabay pasok ni Jerick sa loob ng pangalawang morgue ng basement at pinapasok ang mga kasama saka isinara ito nang maigi.
"Tang-ina ang baho rito! Agnas na mga bangkay puros nandito," reklamo ni Edison.
"Sssshhh... Dahan-dahan kayo. Huwag na huwag niyong aapakan ‘yang mga ‘yan. Baka isa rin ‘yan sa mga buhay na bangkay ni Kasyo," utos ni Jerick nang hinanap niya ‘yong compartment kung saan papasok para makarating sa secret room nang biglang naaksidenteng nahulog sa bag ni Edison ang garapon na may ulo ng pusa.
Dahan-dahang narinig ng buong bangkay na buhay sa loob ng building ang ingay kayat hinanap nila kung saan ito nanggaling.
Natakot sina Jerick nang marinig nila ang iba't ibang nakakakilabot na boses sa labas.
Napaatras si Edison sa takot habang yakap-yakap ang bag sa kapabayaang i-zipper ito nang isang putol na bangkay na patay na kasama sa mga na agnas ang humablot sa mga paa niya sabay kinagat ito at narinig nilang lima ang boses ni Kasyo.
"Akala niyo makakatakas kayo? Lahat ng mga naagnas na bangkay sa kinatatayuan ninyo ngayon ay magiging isa sa mga bangkay na buhay."
Nainis si Jerick at nagmadaling buksan isa-isa ang mga compartment para hanapin ang daan ng may narinig silang nagpaputok at pagkalingon nila ay si Edison ito na binaril ang sariling ulo.
Alam niya kasing magiging isa siya sa mga buhay na patay dahil sa kagat niya sa paa. Ipinagpatuloy pa rin ni Jerick ang paghahanap at nakita niya rin sa wakas ang hinahanap na compartment.
"Pasok na kayo rito. Nakalimutan ko na may arrow palang nakasulat kung paano makarating doon," ani Jerick.
Isa-isa silang pumasok sa compartment hanggang sa mag-slide sila at dalhin silang lahat sa secret room ng basement 2.
Pagkamulat nila ng kanilang mga mata ay nandoon na sila.
"Safe na tayo Jerick!" tuwang sabi ni Lemuel. Nang magulat siyang naging isa si Jerick sa mga bangkay na buhay.
Binaril ng binaril ni Lemuel si Jerick ng pagalit dahil sa hindi man niya nakagat si Lemuel ay nakalmot din niya ito.
Takot na takot na si Jena at naiyak sa kalagayan ng kasintahan dahil maaari siyang maging isa sa kanila. Ang buhay na bangkay.
Agad kinuha ni Lemuel ang bag ni Jerick at inabot ang itak saka pinugot sa ulo si Jerick kaya't tinakpan ni Jena ang mga mata ni Ryan at pinilit pumikit.
Naghubad ng pang itaas si Lemuel at nilagyan ng alcohol ang kalmot kayat napasigaw siya sabay pinag-aralan ang buong loob ng secret room basement 2 dahil tanging siya lamang sa magkakabarkada ang may degree dahil sa masteral na siya sa pagdo-doctor na kurso sa America.
"Kuya, parang matatagalan pa bago ka mag-turn over bilang isang zombie gaya ni Kuya Jerick," ani Ryan.
"Sssshhh..." tanging nasabi ni Lemuel.
Agad niyang kinuha ang oxygen tank at oxygen mask na nakalagay roon. Binuksan niya ang pabilog na tila isang man hole saka pinababa niya rito sina Ryan at Jena.
Iyak naman nang iyak si Jena dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman.
"Babalik ka?"
"Hindi ko alam pero kailangan ay makaligtas kayo ni baby. Huwag mo na akong isipin babe."
"Babe, ayoko! Gusto ko kasama kita rito."
"Huwag, mas kailangan ng batang ‘yan na si Ryan ang mabuhay at higit sa lahat. May kalmot na ako. Ito ang tadhana natin babe. Thats why we have to accept it. Lahat na ng kasamahan natin ay patay na. Alam ko na kaya tayo naligaw dito sa Probinsya Luisita ay dahil sa pagtatanan ko sa ‘yo. I realize that I am wrong for not choosing to fight for our marriage and take the responsibilities. I take advantage of you that you and your parents relationship got affected. Come on babe! Please say sorry to your parents, for me. Hindi tayo hahantong lahat sa ganito kung hindi ako naging selfish."
Umiyak ng sobra si Jena nang hinalikan siya sa ulo ni Lemuel.
Nilagyan niya ng oxygen tank at oxygen mask sina Jena at Ryan sa ibabaw ng man hole dahil napapansin niyang nauubosan na sila ng oxygen dahil nasa pangalawang palapag na sila ng basement.
Sinara na ito ni Lemuel saka kumaway sa kasintahan. Kinalkal niya ang bag ni Jerick at tiningnan ang mga laman nito at mga natitirang armas. Nakita niya ang land bomb at pinag-aralan niya hanggang sa malaman kung paano ito gamitin.
Nahanap din niya ang ladder sabay umakyat siya sa taas nito at nakarating siya roon sa basement one. Nagwala nang nagwala si Lemuel na parang nasisiraan na ng ulo. Pinagbabaril niya ang mga zombie na makita niya habang tumatakbo. Halos ginamit niya ang lahat ng armas pati mga natitirang granada.
Naiisip niya isa-isa ang mga kaibigan niya kung paano ito namatay dahil sa bangkay na buhay at lalo na kung paano siya mahihiwalay sa girlfriend niyang buntis.
Hanggang sa makarating siya sa first floor na puro duguan ang katawan dahil sa talsik ng dugo ng kada napapatay niyang bangkay na buhay. Ngunit ubos na ang armas niya kaya't ginamit muli niya ang itak.
Nakaabot na siya sa lugar kung saan ang huli nilang pagkikita ng mga kaibigan. Ito ay sa ER.
Dumadami na din ang umaatake na sa kanya at pakiramdam niya ay nagiging isa na siya sa kanila kaya't nagmadali na siyang kinuha ang nakatapon na baril habang hawak-hawak ang katawan ni Borj na wala ng ulo. Sabay binuksan niya ang bag ni Jerick at kinuha ang may kabigatang land bomb at inilagay sa gitna ng sira-sirang emergency room ng clinic.
Nang maramdaman niyang nag-iiba na siya at namumuti na ang paningin niya habang ang dami nang paparating na bangkay na buhay upang atakihin at kainin siya ay bigla siyang dumistansya ng kaunti sabay binaril sa malayuan ang land bomb at sumabog ito nang matindi na sakop ang buong clinic.
Hindi lang clinic ang sa pagsabog kung di buong Probinsya Luisita. Nagulat sina Jena at Ryan nang maramdaman nila ang pagsabog kasabay din ito ng pagtulo ng luha niya habang binabanggit ang pangalan ni Lemuel.