Epilogue

718 Words
Dahan-dahang namulat ang mata ni Jena at Ryan nang makita nila ang liwanag na tila nakakapuwing sa kanilang mata habang nakalagay ang oxygen mask sa kanilang bibig. "May tao! May tao! Isang bata at isang buntis. May survivor sa sumabog na land bomb! Dali!" Agad silang isinakay sa ambulansya hanggang sa mawalan na nang malay si Jena at nagdilim ang paningin. Pagkagising niya ay nakahiga na siya sa isang hospital bed at naiyak dahil naalala ang mga barkada at ang buong pangyayari. Nang biglang bumukas ang pinto at ito'y ang kanyang mga magulang. "Jena anak. Patawarin mo kami sa aming nasabi sa ‘yo noon. Ang tagal ka naming hinanap. Sa awa ng Diyos! Nandito ka na sa tabi namin,"sabi ng ina na walang tigil ang pagbuhos ng luha. Nang may kumatok at binuksan nila. Ito'y isang nurse na lalaki na naka-surgical mask sabay may ipinasok ang isang bagay na ikinasorpresa ni Jena. Ang baby niya. Binuhat ito ng ama ni Jena na hindi mawari'y ang tuwa sa mukha sabay ibinigay kay Jena. "Ang guwapo ng apo namin. Huwag ka mag-alala anak. Hindi ka namin pababayaan." Galak na galak na nakita ni Jena ang sanggol at sinimulan niya itong pangalanan. "I will name you Lemuel Jr." Nagulat siya nang mapanuod nila ang balita sa telebisyon. “Buong Probinsya Luisita ang natupok matapos sumabog ang isang land bomb na galing pa sa panahon ng hapon. Ang bomba raw na ito ay nahulog kaya't napabayaan at pinagsawalang bahala lalo na't ito ay nabaon na sa lupa at nalimot. Tinitingnan din ng mga awtoridad kung dito rin sa lugar nakabaon ang Yamashita Treasure. Ayon sa ulat ng death toll. May dalawang nabuhay sa Probinsya Luisita. Isang buntis na nagngangalang Jena Oropesa at isang bata na si Ryan Juanico na dinala na sa Maynila. Kung kilala niyo mga ‘to ay maaaring tawagan ang mga nakasulat na numero o dumiretso sa Saint Luke’s Hospital dahil doon sila ngayon nagpapagaling.” Naiyak muli si Jena at naalala ang mga kaibigan kaya kinalma siya ng mga magulang. Tumagal siya ng ilang linggo sa ospital dahil cesarian siya. Hanggang sa medyo humilom na ang sugat niya sa tiyan at lagi niyang dinadalaw ang anak sa nursery room. Nagkita rin sila ni Ryan at ipinakilala ang pinsan na si Berna. Isang police na babae na nag-iimbestiga sa nangyari. "Hello Miss Jena, Puwede ko bang mahingi ang buong kwento ng mga pangyayari sa iyong buhay?" "Oo naman," ngiting sabi ni Jena. "May pinagtataka lang ako. Sabi ng pinsan ko. Marami raw namatay sa clinic na ‘yon. Ngunit noong hinalughog ng buong team namin ay wala man lang bahid ng isang bangkay ang naroon sa clinic. Sabi din ng kapatid ko ay mahigit isang daan na bangkay na buhay ang nandoon.” "No comment na lang ako riyan sorry," sagot ni Jena kaya pinabayaan na lang siya ni Berna upang makapagpahinga. ~~~ Hanggang sa isang gabi ay nagising si Jena pagkatapos niyang mapanaginipan ang mga barkada niyang sina Leni, Edison, Jerick at lalo na ang kasintahang si Lemuel. "s**t! Anong nangyari!" sabay bumangon siya sa kama na pawis na pawis. Hanggang napalunok siya dahan-dahan at bumilis na naman ang pagtibok ng kanyang puso. Pagkatapos niyang dahan-dahan iikot ang ulo niya sa may pinto. Nakabukas ito tapos parang napupundu ang ilaw sa labas ng hallway. "Ma, Pa! Nandiyan ba kayo?" Naiiyak sa takot na sabi ni Jena habang naka-surgical gown pa. Paglabas niya ay may nakita siyang footprints ng dugo kaya mas lalo siyang nanginig, kinabahan at sinasampal ang sarili dahil baka ito ay isa lamang masamang bangungot. Ngunit hindi, dahil pagpikit at dilat ng kanyang mata ay nandoon pa rin siya nakatayo. Mas lalo siyang naiyak nang sinundan niya ang footprints ng dugo na papunta ito sa nursery room. Agad siyang pumasok roon dahil naalala niya ang kanyang anak ngunit huli na nang makita niya na pinapapak ang kanyang anak ng isang aswang. Mas lalo siyang nakaramdam ng galit ng makita niyang ito yung nurse na naka-surgical mask na naghatid pa ng kanyang baby. Tumingin siya sa paligid nang makita niyang ang lahat ng mga sanggol na nakalagay roon ay wala nang mga ulo at laman loob sa tiyan. Sa sobra takot niya ay bigla siyang dinugo kaya napasigaw siya sa sakit. Dahil doon ay napatingin sa kanya ang aswang sabay tinanggal nito ang nakatakip na surgical mask. Walang iba kung di si Kasyo na akala nila'y patay na pero hindi pa pala dahil isa siyang IMMORTAL!

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD