Chapter 18

1015 Words
"Maghiwa-hiwalay tayo. Hanapin n'yo ang daan palabas habang kami naman ay hahanapin ang matandang aswang upang mapigil na buhayin niya ang mga patay sa ritwal niya!" sigaw ni Edison sa lahat. Biglang lumapit sa kanila si Ella at nag-transform bilang taong hubo't hubad at duguan. "s**t naman, Ella! Nalilibugan na ako sa 'yo! Huwag naman sa ganitong oras!" pabirong ngisi ni Jerick sabay tinakpan ang mata. "Eto, Ella, sa 'yo na lang. Totoo bang lumakas ka dahil ininom mo ang dugo ng kuya mo?" ani Jena sabay inabot ang isang kumot. "Oo. Kabilin-bilinan ni kuya na tulungan ko kayong mapalabas nang buhay sa clinic na 'to," wika ng dalaga. Nang marinig na nila ang ungol ng mga nakakatakot na nilalang na susugod sa kanila ay bigla silang kumilos para gawin ang sinabi ni Edison kanina. "Ako, si Leni, at Ella ang maghahanap sa matandang aswang para patayin ito. Sina Lemuel, Jena, ang batang si Ryan, at matandang si Sarah, kasama na ikaw Jerick dahil wala silang kasamang malakas, ang magsasama para hanapin ang daan palabas!" ani Edison at tuluyan na silang naghiwa-hiwalay. "Sasama ako sa inyo," pahabol na sabi ng matanda na ikinagulat nilang lahat. "Hindi pwede, lola. Mapanganib!" inis na sabi ni Edison. "Please, payagan n'yo na ako. Kaya ko ang sarili ko." Walang nagawa sina Edison kundi isama ang matanda. Nagulat sila nang sinugod ng mga aswang ang isang double door. Napakarami nila kaya't kanya-kanya ring armas sila na kinuha sa bag ni Jerick. ~~~ Sa grupo nina Ella, nagugulat at natatakot sina Edison at Leni sa bilis ng galaw nito na wari'y sumasabay ito sa hangin. Napansin din ni Leni na tila ang talas ng tingin ng matandang si Sarah kay Ella hanggang sa nagsenyas na ang dalaga dahil naaamoy niya ang kinaroroonan ni Kasyo. "Dito siya sa x-ray room pumasok!" hudyat na sabi ni Ella. Pagpasok nila roon ay nagulat na lang sila nang atakihin ni Kasyo si Ella at nagrambulan sila sa loob. "Akala mo, malakas ka na niyan?" sabi nito sabay sakal ni Kasyo kay Ella ngunit hindi bumitaw ang dalaga. Inuntog niya ang ulo kay Kasyo kaya nabitawan niya ito saka hinila ang braso nito at binali. Sa tindi ng galit niya sa matandang aswang ay wala siyang tigil sa pagbali nito hanggang sa maputol na ang braso ni Kasyo. Kaya naman nanlaki ang mata ng matandang aswang. "Nagkakamali ka, lolo!" sigaw na sabi nito sabay labas ng matatalas na pangil ni Ella at kinagat ang dibdib ni Kasyo hanggang sa magdugo ito at mahiwalay sa katawan ng matanda. Nagtatago naman sina Edison at Leni habang pinanonood sila. "Nasaan si Sarah?" ani Leni. Nakita nila si Sarah na tulalang nakatayo habang lumuluha. "Ano ba 'yang matandang 'yan! Magpapakamatay ba siya? Paalisin mo nga siya riyan!" bulong ni Edison kay Leni kaya sinunod ito ng dalaga at sinenyasan ang matanda. Dahan-dahan namang humarap si Sarah sa kanila hanggang sa iangat nito sa kabilang kamay niya ang isang granada kaya napasigaw si Leni. "Ella! May granada!" Napatingin si Ella sabay takbo nina Edison at Leni palabas ng x-ray room at sumabog ito. Makailang minuto ay bumukas ang mata ng matandang aswang habang duguan at wala nang braso. Sunog ang balat nito dahil sa epekto ng pagsabog ng granada. Pagbangon niya upang tumakas ay napatigil siya nang may marinig itong boses. "Huwag mo nang planuhin pang tumakas, Lolo Kasyo! Tulungan mo ang mga kaibigan ko kung paano matigil ang lahat ng patay dito sa clinic na binuhay mo sa pamamagitan ng ritwal!" ani Ella. Sumimangot ang mukha ni Kasyo at humarap kay Ella. "Ella! Hindi ka ba naliliwanagan sa ginawa ng matandang babaeng 'yon. Pinasabog niya ang granada para mamatay tayo dahil galit siya sa mga aswang. Ganyan din ang mangyayari sa mga kaibigan mo!" pangungumbinsi ni Kasyo sa apo. "Hindi totoo 'yan!" sigaw ni Ella. Bigla niyang sinipa si Kasyo nang sobrang lakas at inihagis. Nagpagulong-gulong ito na tila wala nang lakas. Nang puntahan pa ito ni Ella ay kanyang hinila at pinatihaya ito para dukutin ang puso. "Ella! Sa huli't huli ay tayo pa rin ang magkakampi. Huwag mo akong patayin. Hindi naman ako ang pumatay sa kapatid mo, di ba? Mga tao? Pati ang lola mo!" ngisi ni Kasyo habang duguan ang bibig na nakangiti at nagmamakaawa sa apo. Nanghina bigla si Ella nang maalala ang kapatid at napaluha. Biglang sumigaw sina Edison at Leni pagkatapos lumitaw, ilang hakbang sa dalawang aswang kaya napatingin sa kanila si Ella. "Huwag kang maniwala, Ella. Sinabi mo mismo sa amin na ang huling habilin sa 'yo ni Doc. Romulo ay ang tulungan kami. At ikaw na rin mismo nagsabing 'yang aswang na 'yan ang pumatay sa ama at ina mo!" Dahil nawala ang attensyon ni Ella sa matandang aswang at sa kanila natuon, hindi pinalagpas ni Kasyo ang pagkakataon at tuluyang ibinuka ang pakpak na sanhi ng pagkawala ng kamay ni Ella. Kaya naman napalayo siya sa matanda para isalba ang sarili. May sumugod na mga patay sa kuwarto kaya't agad isinara nina Edison at Leni ang mga pinto sa loob. "Akala n'yo naman ay mapipigilan n'yo ang dami ng mga 'yan? Mga tanga!" ngising sabi ni Kasyo. "Hindi ka magtatagumpay!" sigaw na sabi ni Edison nang buksan niya ang kanyang bag at ipinakita ang ulo ng pusa sa loob ng garapon. Medyo nahilo at napuwing si Kasyo ngunit pinilit maging malakas bago magsalita. "Akala mo ay maapektuhan ako sa ganyan? Hindi mo ba alam na mas matanda ako kina Rizal dahil noong dumalo ang mga dayo sa Pilipinas ay ang angkan namin ang binentahan ng kapangyarihan? Binili namin at pinili ang pagiging aswang na akala'y masaya dahil lumilipad- lipad ka ngunit naging masama lang ang tingin sa amin dahil kumakain kami ng hilaw na karne!" Lalapitan na sana ni Kasyo si Edison para atakihin ngunit biglang napasuka siya ng dugo. Pagtumba niya ay si Leni ang nasa likod niya at ipinansaksak ang agimat ni Edison sa matandang aswang sabay sabing, "Kailanma'y hindi magtatagumpay ang masasama sa mundo." Agad silang tumayong dalawa at tinulungan si Ella dahil tila naging tao ito pagkatapos makita ang garapon na dala ni Edison. Ngunit wala na itong kamay sanhi ng ginawa ng lolo nito. Maya-maya ay may marinig silang sumabog sa labas at nang sinilip nila kung sino ito ay nakita nilang si Jerick ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD