C5-Pagkikita‼️

1720 Words
Habang nasa biyahe kami ni Tatay ay panay ang dasal ko na sana mabait ang kapatid niya. 'Wag naman sana na danasin ko ulit ang mga nararanasan ko sa kamay ng pamilya ko. Sampung oras na kaming bumibiyahe at sa sampung oras na iyon ay alisto ako palagi. Nananatiling nakadilat ang mga mata ko habang yakap-yakap ko ang mga gamit ko. Hindi kami magkatabi ni Tatay dahil sa unahan siya umupo. Wala akong ideya kung ilang oras pa ang gugugulin namin bago kami makarating sa sinasabi niyang kapatid niya. Makalipas ang ilang oras ay tinawag na ako ni Tatay kasabay ng paghinto ng bus. “Kaycee, halika na!” tawag niya sa akin kaya dali-dali akong tumayo habang mahigpit na yakap ang sako kung saan nakalagay ang mga gamit ko. “Kaycee, ano ba?” “Nandiyan na po, Tatay!” tugon ko. Hindi kasi agad ako makalabas dahil may mga nakaupo sa gitna ng bus kaya nahirapan akong makadaan. “Ang tagal mo talagang kumilos kahit kailan!” aniya. “Kaya ka nasasaktan dahil ang kupad-kupad mo, eh!” “S-sorry po.” Madilim pa sa paligid kaya nakaramdam ako ng takot. Nang mag-umpisang maglakad si Tatay ay agad akong sumunod. May ilaw naman sa paligid pero hindi iyon sapat para makita ko ang dinadaanan naming dalawa. “Tatay, ano'ng oras na po ba?” “Alas-dos.” “Malayo pa po ba ang lalakarin natin?” tanong ko dahil kanina pa kami naglalakad. Wala na ring ilaw sa nilalakaran namin kaya flashlight sa cellphone niya ang nagsisilbi naming ilaw sa mga oras na ‘to. Palingon-lingon ako sa paligid dahil puro matataas na dayami ang dinadaanan namin ng ama ko kaya iniisip ko ngayon na baka hindi naman talaga kami pupunta sa kapatid niya kun'di isinama niya ako rito para mawala na sa mundo. “Ayusin mo ang sarili mo dahil malapit na tayo sa bahay ng kapatid ko,” wika ni Tatay sa akin ng hindi ako nililingon. “Ayusin mo ang trabaho mo para hindi ka palayasin ng kapatid ko. Sundin mo lahat ng ipinapagawa niya sa iyo hanggang sa makapagtapos ang mga kapatid mo. Madali lang ang gagawin mo kaya ayusin mo ang pakikisama mo para hindi ka niya pauwiin.” Hindi ako sumagot kaya nilingon niya ako at inilawan mismo ang mukha ko. “Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi ko, Kaycee?” “Opo.” “Sa oras na palayasin ka ng kapatid ko at umuwi ka sa bahay ko, katakot-takot na parusa ang ibibigay ko sa iyo, maliwanag? Gugulpihin kita araw-araw kaya kung ayaw mong mangyari ‘yon sa iyo ay kinakailangan mong ayusin ang trabaho mo. Lahat ng pakikisama ay gawin mo dahil kapag umuwi ka sa atin ay baka mapatay lang kita.” “O-opo.” “Mabuti naman at naiintindihan mo ang mga sinasabi ko. Halika na.” Naglakad na ulit kami ni Tatay pupunta sa taong pakay namin. Nang huminto si Tatay ay huminto na rin ako. Nang igala ko ang paningin ko sa paligid ay namangha ako bigla dahil parang palasyo ang pinuntahan namin. Napakaliwanag din ng paligid ng bahay dahil punong-puno iyon ng ilaw sa paligid taliwas sa dinaanan namin ni Tatay na sobrang dilim. “'Yan ang bahay ng kapatid ko, Kaycee,” wika ni Tatay. “Sa sobrang laki ay para ka na ring nakatira sa isang palasyo. Tiyak na hindi ka magugutom sa bahay na ‘yan kaya samantalahin mo.” “Opo.” “Halika na.” Nasa tapat na ng pinto si Tatay pero ako ay nananatili pa rin sa kinatatayuan ko. Maganda ang bahay pero hindi ko alam kung maganda rin ba ang ugali ng mga nakatira. “Kaycee, dalian mo! Ano pa ba ang hinihintay mo?” “Nandiyan na po, Tatay.” Naglakad na rin ako papunta sa direction ng pinto. Habang kumakatok si Tatay ay pumuwesto ako sa gilid habang nakayuko. “Kuya!” tawag ni tatay sa kapatid niya habang malakas na kinakatok ang pinto kaya bigla akong nahiya sa ginagawa niya. Animo'y gusto kong magtago dahil sa uri ng pagkatok niya. Kung ako lang ang masusunod ay hihintayin ko na lang sana na dumating ang bukang liwayway bago kami kumatok. Unang-una, madilim pa kaya sigurado ako na tulog pa ang nasa loob. Pangalawa, nakakahiya dahil hindi alam ng kapatid niya na darating kami ngayon. “Kuya, nandiyan ka ba sa loob? Tao po!” “Tatay, anong oras na po ba?” tanong ko. “Alas-tres y media na.” “Maaga pa po kaya ‘wag po muna kayong sumigaw nang sumigaw.” Walang bahay sa paligid maliban sa bahay ng tiyuhin ko kaya kahit mag-ingay sana siya ay walang magiging problema. Kaya lang, iniisip ko na baka tulog pa ang nasa loob kaya hindi pa kami pinagbubuksan ng pinto. At dahil kilala ko ang ama ko ay hindi talaga siya tumigil kaya wala akong ibang magawa kun'di ang panoorin siya sa ginagawa niya. “Kuya, buksan mo ang pinto! Ano ba'ng ginagawa mo diyan?” “Tatay, hintayin na lang po natin na mag-umaga,’’ ani ko sabay hatak sa damit na suot niya. “Nakakahiya po ang ginagawa ninyo.” “'Wag mo akong aawatin dahil baka masampal kita,” pagbabanta niya kaya naman binitiwan ko agad siya at mabilis na lumayo dahil baka sa akin niya ibaling ang inis niya. “Putangina! Ano ba'ng ginagawa ni Hadley? Hindi naman natutulog ang lintik na iyon kaya malabong tulog siya ngayon.” Hinayaan ko lang siya na magsalita nang magsalita. Sa halip ay iginala ko sa paligid ang paningin ko. Unti-unti nang lumiliwanag sa paligid. Sa tantiya ko ay alas-singko na ng umaga dahil kanina pa kami nandito. Hanggang sa sumikat ang araw ay nandito pa rin kami sa labas ng bahay ng kapatid ni Tatay kaya labis-labis na ang pagkainis ng lalaking kasama ko. Lahat na yata ng mura ay nasabi na niya sa kapatid niya kaya wala akong magawa kun'di ang mapailing na lang. Pagsapit ng alas-diyes ay may nakita akong bulto na paparating. Seryoso ang mukha niya habang palipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Tatay. Salubong ang mga kilay ng lalaki kaya mahahalata mo na suplado siya. Nang makarating siya sa harapan namin ay napatitig ako sa mukha niya. “Siya ba ang kapatid ni Tatay?” tanong ko sa isip. “Ba't parang hindi sila magkamukha?” Why? Because he is good looking compared to my father. Matangkad kasi ang kapatid ni tatay, matangos ang ilong, perfect ang jawline, kayumanggi, malaki ang pangangatawan, makakapal ang mga kilay, kulay kayumanggi ang kulay ng mga mata niya at medyo makapal ang labi pero maganda ang pagkakapal niyon. Mas matanda ang lalaki kumpara sa ama ko pero kung titingnan mo ang dalawa ay walang binatbat ang ama ko sa lalaki. Hindi mo iisipin na magkapatid sila dahil magkaibang-magkaiba ang hitsura nilang dalawa. “What are you two doing in front of my f*****g house?” tanong ng lalaki sa nakakatakot na boses. “K-kuya…” Napatingin ako sa ama ko dahil ang kaninang mabagsik niyang hitsura ay napalitan ng takot. “May kailangan kami sa iyo kaya nandito kami.” "What?" Bahagya akong napaatras nang pasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko habang salubong ang mga kilay niya kaya napayuko ako bigla para makaiwas sa mapanuri niyang tingin. “Ano'ng kailangan niyo?” “I-ipapasok ko sana ‘tong anak ko para magtrabaho sa iyo.” “Who told you that I need a f*****g maid?” “Nagbakasakali lang ako, Kuya,” sagot ni Tatay sa kapatid niya kaya napatingin ako sa kaniya bigla. “Kapos kasi kami kaya naisipan kong ipasok siya sa inyo para naman magkaroon siya ng pakinabang sa amin.” Ang sabi niya kasi sa akin ay nangangailangan daw ang kapatid niya ng kasambahay at malaki ang suweldo kaya dinala niya ako rito. Hindi ko akalain na hindi naman pala nangangailangan ang kapatid niya. “'Wag kayong mag-alala dahil masipag siya, Kuya.” “How can you say that she's useless when she's drudgingly? Are you kidding me?” Napalunok ang ama ko. Marahil ay hindi niya naintindihan ang sinabi ng kapatid niya. “Hindi kayo lugi sa kaniya dahil masipag siya at magaling magluto. Lahat ng trabaho ay kaya niyang gawin–” Pinutol niya ang pagsasalita ni Tatay. “Go home.” “Ano? Pinapauwi mo kami?” “Ano pa ba ang kailangan mo?” suplado na tanong ng kapatid ni Tatay sa kaniya. “Hindi ko kailangan ng katulong at wala akong sinasabi sa iyo na kailangan ko ng isa kaya hindi ko maintindihan kung bakit dinala mo rito ang anak mo.” Hindi ko alam kung sasama ako sa Tatay ko pauwi o makikiusap ako sa lalaki na tanggapin niya na lang ako kahit hindi siya nangangailangan. “Hindi mo man lang ba kami pakakainin?” “Why would I do that? Who are you? Are you even important to me?” Bigla akong nakaramdam ng hiya. Halatang hindi maganda ang ugali niya base sa pakikipag-usap niya sa kapatid niya na ama ko. “Tatay, halika na. Umuwi na po tayo,” alok ko sa ama ko at hinawakan na rin ang braso niya pero itinulak niya ako dahilan para ma-out balance ako. Mabuti na lang at maagap ang kapatid niya dahil nahawakan niya ako bago pa man ako bumagsak sa lupa. “S-salamat po,” wika ko sa lalaki bago tumayo ng maayos at inayos ang sarili. “Wala na akong pera kaya wala na akong ibabayad sa bus para sa pamasahe mo. Kung gusto mo, maglakad ka pauwi,” wika ng ama ko bago siya tumakbo papalayo sa amin. Imbes na sundan siya ay nanatili lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa mawala siya sa paningin ko. “Go after him,” wika sa akin ng lalaki kaya napatitig ako sa kaniya. “I don't need you here.” Lahat na lang ng tao ay inaayawan ako kaya naman hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mga luha ko. "Stop crying, will you?" "Puwede po bang tanggapin niyo na lang ako kahit hindi kayo nangangailangan?" pakiusap ko sa kaniya. "Pagod na po kasi ako sa paglalakad. Kapag bumalik ako sa Maynila ay tiyak na hindi maganda ang mangyayari sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD