C6-Instruction‼️

1507 Words
Nakatayo ako ngayon sa harapan ng kapatid ng ama ko. Nakaupo siya sa sofa habang nakakrus ang mga braso niya. Kanina pa siya nakatitig sa akin na para bang kinakabisado niya ang hitsura ko. “What happened to your dress, to your skin and to your face?" Tanong niya sa akin. "Are they mistreating you? Is that the reason why you wanted to stay here in my house?” dagdag niya pang tanong. Ang dami ko kasing sugat sa mukha dahil tadtad iyon ng kurot nina Ate Andrea, Ate Annika at pati na rin ni Nanay. Ang balat ko naman ay may mga pasa at kalmot na animo'y nakipag-away ako. Itong damit na suot ko naman ay sobrang luma na at may butas din sa ibang parte kaya mapagkakamalan talagang nakipag-away ako. “Plano niyo ba ito para maawa ako?” Umiling-iling ako. “W-wala po talaga akong maayos na d-damit,” kandautal kong sagot. “Itong suot ko po ngayon ay halos ito na po ang pinakamatino dahil lahat po na nakalagay sa sako ay lumang-luma na talaga." “Bakit? Ganoon ba kayo kahirap para kahit damit wala ka?” Hindi ako sumagot. Ang mga kapatid ko ay maayos ang mga damit dahil karamihan ay mamahalin samantalang ako ay hindi pa nakatikim ang katawan ko ng bagong kasuotan dahil ultimo saplot ko sa panloob ay pinaglumaan nila. Sobrang hirap talaga. Kapag bumibili naman ako sa ukay-ukay ay laging kinukuha sa akin ng dalawa kong kapatid kaya hindi na lang ako bumili. “Mahilig ka bang makipag-away?” “Po?” “I understand why you have so many cuts and bruises,” aniya habang titig na titig sa akin. “I think you love to fight.” “Sa buong buhay ko, wala pa po akong nagiging kaaway,” mahina kong sagot sa kaniya. “Kaya nga ako maraming sugat at pasa dahil hindi ko sila nilalabanan, eh.” “Then, who did that to you?” “Po?” “Are you f*****g deaf?” “Hindi po.” “Ba't parang hindi mo naririnig ang mga sinasabi ko?” “Naririnig ko po.” “I will ask you again. Who the f**k did that to you? Ang sabi mo, hindi ka mahilig sa away, right?” Tumango ako. “So, sino ang gumawa niyan sa iyo?” Napalunok ako. “Umuwi ka na kung hindi ka magsasabi ng totoo dahil ayaw ko sa mga taong sinungaling–” Pinutol ko siya. “Ang pamilya ko po ang may gawa ng mga pasa at galos ko. Isa po iyon sa dahilan kaya ayaw kong sumunod kay tatay pauwi sa bahay namin.” “Bakit?” “Ano po?” “Bakit nila ginawa sa iyo iyan?” “Hindi ko po alam. Hindi ko rin po maintindihan kung bakit laging mainit ang ulo nila sa akin kahit ginagawa ko naman po ang lahat. Ang alam ko lang po ay alipin at malas ang tawag nila sa akin. Sa tuwing nakikita nila ako ay lagi nila akong sinasaktan kahit wala naman akong ginagawang masama. Iniisip ko nga minsan na baka ampon lang ako kaya ganoon sila sa akin. Kagaya na lang ngayon, inihatid ako rito ng ama ko dahil sabi niya naghahanap daw po kayo ng kasambahay pero hindi naman pala. Ang sabi niya, magtrabaho raw ako para may maipadala ako sa kanila dahil nag-aaral pa ang dalawa kong kapatid. Simula pagkabata ay lagi akong nagpaparaya at nagpapakumbaba pero nagagawa pa rin akong saktan ng pamilya ko. 'Yon po ang dahilan kaya hindi ako sumunod sa kaniya pauwi sa bahay namin kanina dahil tiyak na gugulpihin lang nila ako pag-uwi sa bahay,” mahaba kong sabi sa lalaking kaharap ko na mariing nakatitig sa akin. “Kahit po ‘wag niyo na akong sahuran basta dito na lang po ako sa poder niyo. Ipagluluto ko po kayo, ipaglalaba ko rin po kayo at araw-araw ko pong lilinisin ‘tong bahay niyo kahit gaano pa ‘to kalaki ay ayos lang po sa akin.” Kulang na lang ay lumuhod ako sa harapan niya. Hindi kasi siya sumasagot kaya hindi ko alam kung payag ba siya na manatili ako rito o hindi. “Maawa na po kayo sa akin,” pagmamakaawa ko. “Hindi ko po kayo bibigyan ng sakit ng ulo. Wala po kayong magiging problema sa akin, Uncle Hadley.” Nakita kong nagsalubong ang mga kilay niya. “Don't call me, Uncle. Just call me by my first name,” sabi niya kalaunan. “Po? Bakit po?” “Just do what I said.” “Sige po.” “Follow me,” aniya at tumayo na mula sa pagkakaupo. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin basta nakasunod lang ako sa kaniya. Huminto kami sa tapat ng isang pinto. “This will be your room,” aniya at binuksan ang sinasabi niyang magiging kuwarto ko. Namangha ako dahil napakalaki niyon. Kasinglaki na ng bahay namin ang magiging kuwarto ko ngayon. “Sigurado po ba kayo na ito ang magiging kuwarto ko?” hindi makapaniwala kong tanong. “Bakit? Ayaw mo?” “G-gusto po! Salamat po sa pagtanggap sa akin!” masaya kong wika dahilan para yakapin ko si Hadley ng mahigpit. “Maraming salamat po! Lagi ko pong lilinisin ang kuwartong ‘to para po hindi kayo magalit sa akin. Salamat po talaga!” Nang tumikhim si Uncle Hadley ay mabilis akong bumitiw mula sa kaniya. “Sorry po. Masyado lang po akong natuwa.” Hindi siya sumagot. “Follow me. I will show you the kitchen.” Masaya akong sumunod kay Uncle Hadley patungo sa kusina niya. Kahit suplado siya ay hindi ako natatakot sa kaniya. Kahit ngayon lang kami nagkakilala ay magaan ang loob ko sa kaniya. Huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. Nang lingunin niya ako ay masama niya akong tiningnan. “Why are you smiling?” kunot-noo niyang tanong sa akin. “What's funny?” Tipid kong nginitian si Uncle Hadley. “Masaya lang po ako dahil may bago na akong tahanan tapos sobrang laki pa ng kuwarto ko. Natutuwa po ako dahil simula ngayon ay hindi na ako matutulog sa stockroom na puno ng lamok at ipis.” “Sa stockroom ka lang ba natutulog?” Tumango ako. “How about your two sisters? Did they sleep the same as you?” “Hindi po. May kaniya-kaniya po silang kuwarto maliban sa akin.” “What?” “Bunso po kasi ako kaya doon daw po ang kuwarto ko. Ayos lang naman po. Masaya naman. Malamig din naman po roon kasi malapit ako sa bintana.” Inismiran niya lang ako at pagkatapos ay tinalikuran na niya ako at naglakad na ulit. Pagdating namin sa kusina ay namangha ulit ako dahil sobrang laki at sobrang linis. Nanlaki ang mga mata ko nang buksan niya ang animo'y malaking cabinet pero refrigerator pala. “You can cook whatever you want,” wika niya sa akin. “Just don't waste food.” “Makakaasa po kayo,” sabi ko. “Sabihan mo lang ako kapag wala ng stocks para makapag-grocery ako.” “Opo,” magalang kong sagot habang nakangiti. “Madalas akong wala rito kaya inaasahan ko na kahit wala ako ay aalagaan mo ‘tong bahay ko,” sabi niya sa seryosong tinig. “'Wag na ‘wag kang magpapapasok dito sa bahay ko. Kapag may pinapunta akong tao rito ay tatawag ako sa telepono para ipalam sa iyo na bisita ko nga ang dumating.” “Opo.” “Ayos lang ba kung mag-isa ka lang dito palagi?” Tumango-tango ako. “Sanay po akong mag-isa dahil madalas po akong naiiwanan sa bahay namin. Ahm, wala po bang ibang tao rito ngayon bukod sa ating dalawa, Uncle?” “Drop the word uncle.” “Sorry po.” “Kagaya nga ng sinabi ko ay ikaw lang ang maiiwan dito kapag umalis ako. Pagdating naman sa paglilinis at paglalaba, hindi mo kailangan gawin iyon dahil mayroon akong binabayaran para pumunta rito linggo-linggo. Ang gagawin mo lang ay magluto kapag nandito ako at kapag wala ako ay sarili mo lang ang lulutuan mo.” “T-talaga po?” “Are you crying again?” “H-hindi po.” Ang gaan lang kasi ng gagawin ko kaya naiiyak ako sa tuwa. Kapag nandoon kasi ako sa bahay ay gawain ko lahat kaya halos wala akong pahinga. “Salamat po talaga.” Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang higpit. Iyon ang paraan ko ng pagpapasalamat sa kaniya. Nangangako ako na hindi ko sisirain ang tiwala niya. "Hindi ko po kayo bibiguin. Lahat po ng gusto niyo ay gagawin ko ng maayos para hindi po kayo magsisi na tinanggap niyo ako. Hindi niyo na po ako kailangan sahuran dahil sapat na po sa akin na tinanggap niyo ako." Mayamaya ay bumitiw ako sa kaniya. "Bigyan niyo na lang po kahit kaunti para may pambili ako ng napkin at saka damit dahil wala po talaga akong isusuot kapag naligo ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD