❣︎ ASUNCION ❣︎ (1900) Wala na nga akong nagawa kung hindi ang sumunod sa nais ni Salvador. Lulan ng kalesa, nilalakbay na namin ang daan patungo sa tabing-dagat. Palihim kong kinausap si Anda kanina na sundan kami. Pakiwari ko ay may hindi magandang mangyayari. Hindi ko na mawari kung ano ang gagawin. Hindi ko rin batid kung anong nais na gawin ni Salvador. Ilang sandali pa at nasa tabing-dagat na kami. Kaagad na naging malikot ang aking mga mata nang makababa kami ng kalesa. Nagbabaka sakaling mahagilap si Juanito at huwag nang papalapitin sa akin. Baka kung anong gawin sa kaniya ni Salvador. Marahas akong hinila ni Salvador sa aking braso, kaya naman napasandig ako sa kaniyang dibdib. Kaagad ko siyang tinulak, ngunit nahila niya ako at gigil na gigil niyang hinawakan ang magkabila