❣︎ ARIZ ❣︎ (Present time) Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad sa palibot ng sala ko. Parang ayaw ko na lang tumuloy kami ni Jeffrill sa invitation ni Aria, na mag-dinner sa kanila. Kinakabahan ako. Dahil una, baka ano na lang isipin ng asawa ni Aria. Pangalawa, sa harap pa ng mga pamangkin ko. At syempre, hindi ko alam kung ano ang dapat na gawing pakikitungo kay Shawntell. Pero parang may dapat pa akong ikabahala, at hindi ko alam kung ano 'yon. I'm all prepared, and I'm just waiting for Jeffrill to pick me up. Nang mahagip ng mga mata ko ang kahon na may laman ng mga gamit nina Asuncion at Juanito. These past few days, naging abala ako sa mga iniisip tungkol sa kung anong mangyayari sa dinner namin ni Jeffril with my sister's family. Kaya nakalimutan ko panandalian ang tu