❣︎ ASUNCION ❣︎ (1900) Araw-araw akong nagsusulat sa kwaderno ba pag-aari ni Estelita. Lahat ng mga nangyayari sa amin ni Juanito ay aking isinusulat. Hindi ko batid kung bakit ko ito ginagawa. Pakiramdam ko, obligado akong isulat ang lahat. Ika-10 ng Abril, taong 1900 Mamamasyal kami ni Juanito mamaya sa tabing-dagat. Napangiti ako. Sinarado ko na ang kwaderno at nilagay sa pinaglalagyan nito sa ilalim ng aking kama. Aalis sina Ama at Ina, dahil dadalo sila sa kaarawan ng anak ni Almira. Isa iyong magandang pagkakataon. Nasasabik na akong makita si Juanito. Hinihintay ko na lamang ang pagdating ni Anda. Siya ang magsasabi kung nakaalis na sina Ama. Pinagmasdan ko ang ko ang aking sarili sa harap ng salamin na nasa aking tokador. Lumawak ang aking pagkakangiti nang makita ang s