❣︎ ARIZ ❣︎ (Present time) Maaga akong pumasok sa office. Kailangan kong mag-overtime. Pero, ang aga-aga ko ring nakatanggap ng mga mapanuring mga tingin. Samahan pa ng mga ngiti nilang nakakailang. "Good morning, Ma'am!" Pati mga pagbati nila sa 'kin, hyper na hyper. 'Yong tipong mabibingi ka. Anong mayro'n sa mga 'to? Saka ko lang naitindihan ang lahat nang makapasok na ako sa opisina ko. Bukod sa mukha ni Sheena na kay lapad nang pagkakangiti n'ya, nagkalat din ang iba't ibang uri ng mga bulaklak sa ibaba ng office table ko. Akala ko nagbibiro lang s'ya sa mga sinabi n'ya kagabi. Lihim na lang akong napapangiti habang pinagmamasdan ang mga bulaklak, kasabay n'on naalala ko ang mga nakakaantig na mga salitang binitawan n'ya. Matapos makapag-dinner, naglakad-lakad kami sa da