❣︎ ASUNCION ❣︎ (1900) Isang nakabibinging katahimikan ang dumaan. Wala akong ibang marinig kung hindi ang bilis nang pagtambol ng aking puso. Hindi naging maganda ang una naming pagkikita. Yamot na yamot pa ako sa kaniya kahapon. Ngunit, tila yata nagbago ang aking nararamdaman para sa kaniya. Matanda na ako at hindi na bagay sa akin ang umaktong nagdadalaga pa lamang, kaya batid kong humahanga na ako sa kaniya. Batid ko ring kahapon lang kami nagkita, ngunit parang kay tagal na siyang kilala ng aking puso. Bumaba sa aking mga labi ang kaniyang tingin at ganoon na lamang ang aking pagkagulat, kaya kaagad kong iniwas ang tingin sa kaniya. "Narito pala ang pinakamagandang binibini sa buong La Esperenze." Kaagad kong naibuklat ang aking pamaypay. Parang kailangan ko ng hangin. "Naku