❣︎ ARIZ ❣︎ (Present time) Ilalapag ko na sana ang dala kong attache case, na naglalaman ng terms and agreements, nang pigilan n'ya ako. "Kain na muna tayo." Ako na lang kainin mo. My goodness! Kasalanan talaga nila Julie 'to! Ano-anong mga sinasabi sa 'kin. "Naiinitan ka ba?" Saglit akong natigilan sa tinanong n'ya. Gracious goodness! Nahalata n'ya bang halos mamatay na ako sa mga titig n'ya pa lang? "Kanina ka pa kasi paypay nang paypay sa sarili mo." Pinapahamak ko talaga ang sarili ko! "Ahm, schedule ko ka-kasi sa pag-check up ng mga bodega t'wing Lunes. Dumiretso kaagad ako rito, hi-hindi pa si-siguro naa-absorb ng katawan ko ang lamig ng aircon." Grabe! Buong buhay ko, never akong nalagay sa ganitong sitwasyon! And it's really frustrating me. "Owh, I'm sorry. Ngayon lang t