"Good morning, Ma'am." Ilang good morning na ang sumalubong sa 'kin at nangangalay na rin ang panga ko kakangiti. Hindi ba p'wedeng hindi na lang nila ako pansinin? Ayaw ko rin namang hindi gantihan ang mga pagbati nila, baka sabihin pang ang sungit-sungit ko. I want to establish a civil relationship between me and the other employees. Pero, ayaw ko rin namang magmukhang kontrabidang gorang sa mga mata nila. Empleyado lang din ako, kaya wala ako sa lugar para magsinuplada. So, kahit matanggalan ako ng panga, bahala na. "Hay, sa wakas!" I exclaimed as I've entered my office and sat down on my swivel chair. "Good morning, Ma'am." Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pagbati ni Sheena—secretary ko. Tiningnan ko s'ya sa naniningkit na mga mata, "Alam mo nam