❣︎ ARIZ ❣︎ (Present time) Kanina pa palipat-lipat ang tingin ko kay Aria at sa asawa n'yang si Daniel. Seryoso lang silang nakatingin sa 'min, kaya mas lalo tuloy akong kinakabahan. Nasa likod naman nila sina Shawntell pati na ang dalawa pa nitong mga kapatid na sina Brei at Andrew. Hindi ko nga alam kung anong ginagawa ni Rudy rito. Though pinsan s'ya ni Daniel, pero wala naman s'yang kinalaman sa dinner na magaganap. Sabi kasi ni Aria, para sa 'min ni Jeffrill ang dinner na 'to. Mahinang tumikhim si Aria, "Ate, baka naman may plano kang ipakilala sa 'min 'yang hilaw kong bayaw." Saka ko lang na-realized kung ba't kanina pa sila tahimik, "Oh, I'm sorry! Kalmahan n'yo lang kasi 'yang mga tingin n'yo, kinakabahan tuloy ako." Nabigla na lang ako dahil biglang hinawakan ni Jeffrill ang