❣︎ ARIZ ❣︎ (Present time) Naging maganda naman ang dinner namin. Sinabi ko na rin kay Aria na luluwas kami ng Davao. Ang sinabi ko na lang sa kan'ya ay ipapakilala ko si Jeffrill kina Mama at Papa. Gusto n'ya sanang sumama. Kaso lang, nagamit n'ya na ang leave n'ya no'ng nabakasyon sila ni Daniel. "Pakisabi na lang kay Shawntell, umalis na kami," sabi ko kay Aria. Nang makabalik ako sa hapag kanina ay wala si Shawntell. Hindi raw sasabay at biglang sumakit ang ulo. Ayaw ko namang magpahalata na may tensyong namumuo sa 'min ni Shawntell. At alam ko ring ayaw ni Shawntell na malaman ng mama n'ya ang tungkol sa kung ano man ang nangyayari sa 'min ngayon. "Okay. Ingat kayo." Kumaway si Aria kay Jeffrill na nasa labas kasama si Daniel. "Sige, we'll get going." Matapos magbeso ay kaagad ko
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books