❣︎ ARIZ ❣︎ (Present time) Nakatingin lang silang dalawa sa 'kin, na para bang may masama akong sinabi. In fact, I just said I'm in love. With a younger man. Siguro nga masama. Pero... Laking gulat ko na lang nang sabay nila akong lapitan at niyakap nang mahigpit. Narinig ko na lang ang mahina nilang pag-iyak. "Hoy, mga dumunyo! Anong iniiyak-iyak n'yo?" Kaagad naman silang kumalas sa pagkakayakap sa 'kin. "Masaya lang kami," sabi ni Julie na tinanguan lang ni Cynthia. Mas lalong kumunot ang noo ko sa kanila, "Ayos lang ba kayo? Nakasinghot ba kayo ng medyas o nakakain ng plastik?" Alam kong sincere sila sa sinabi nila. Hindi lang ako sanay kapag ganito sila, kasi maiiyak lang ako. "Alam mo bang sa tatlong boyfriend na pinakilala mo sa 'min noon, ito 'yong unang pagkakataon