❣︎ ARIZ ❣︎ (Present time) "Pasensya na at natagalan ako," sabi ni Inang Rosario nang makabalik na at dala-dala ang lumang notebook, "Pawang talambuhay ni Lola Remedios ang nakasulat diyan. Siguro nasa limang pahina lang ang nakasulat tungkol kina Asuncion at Juanito." "P'wde ko po bang mahiram? Kailangan ko na kasing bumalik sa opisina ko," magalang kong pakiusap. "Oo naman, Hija," magiliw na sagot ni Inang Rosario. Inilahad n'ya na sa harapan ko ang notebook na kulay brown. Aabutin ko na sana 'yon nang maunahan ako ni Jeffrill. Kaagad ko s'yang tiningnan sa nangungunot na noo. Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi n'ya, kaya naman tinaasan ko s'ya ng kilay, "What do you think you're doing?" "Kailangang mabasa ko rin 'to." "Ako ang nauna, kaya ibigay mo sa 'kin 'yan," k