❣︎ ARIZ ❣︎ (Present time) Isang sabik at mapaghanap na halik ang iginawad n'ya sa 'kin. Nagiging malikot na rin ang mga kamay n'ya sa likod ko. Kaagad n'ya akong binuhat at awtomatikong pumulupot ang mga binti ko sa balakang n'ya. Nagsimula s'yang maglakad papunta sa hagdan habang nagpapalitan kami ng mga halik. Nalalasahan ko ang ginamit n'yang mouthwash. Nahiya ako bigla sa bibig kong wala pang mumog. Pinipilit kong makawala sa halik n'ya, pero hindi ako nagtatagumpay. Kumawala s'ya saglit at nagtanong, "Where's your room?" Gigil na gigil ang ginagawang pagmamasahe ng mga kamay n'ya sa pwetan ko at hindi ko mapigilang kumawala ang pag-ungol sa bibig ko. "Hmm..." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, "The... hmm next door." Kasabay nang muli n'yang paglalakad ay ang pagbalik ng