PAGSASALIN durungawan // bintana ❣︎ ASUNCION ❣︎ (1900) Papalapit ako nang papalapit sa kinaroroonan ng baril. Para akong hinihila niyon. Wala akong ibang naririnig, kung hindi ang lakas ng pagtibok ng aking puso. Kahit ang pagtangis ni Ina ay hindi ko na naririnig. Malapit na. Kaunting distansya na lamang. "Maghihintay ako." Kaagad akong natigil sa paghakbang. At tila ngayon pa lamang pumasok sa aking isipan kung anong aking nais na gawin kani-kanina lamang. "Maghihintay ako." Narinig kong muli ang tinig ni Juanito. Naalala kong sinabi niya iyon kahapon. "Babalik ba kayo rito bukas?" "Maghihintay ako." Kaagad akong napaatras at hindi makapaniwalang sumagi sa aking isipan, ang kagustuhang kitilin na lamang ang sariling buhay. Sinong hinding nanaisin na lamang ang mamatay