PAGSASALIN gulong-gulongan/adams apple ❣︎ ASUNCION ❣︎ (1900) Mga mata niyang nangungusap ang tanging isinagot niya sa aking katanungan. Ngunit, mula sa liwanag na hatid ng lampara, nakita ko ang biglaang pagsilay ng isang pilyong ngiti sa kaniyang mga labi. "Hindi ako tumtanggi sa grasya, aking Asuncion." Kaagad kong hinawakan ang kaniyang kamay at dahan-dahan siyang hinila patungo sa aking malambot na kutson. Yumuko ako saka nagtanong, "Hmm, hindi ba nila maririnig sa ibaba ang paglangitngit ng aking kama?" Isang nakakaakit na tawa ang kaniyang pinakawalan, "Paano nila maririnig? Nasa ikatlong palapag ang iyong silid. Bukod pa roon, yari sa makakapal na tabla ang inyong mansyon." Nang ako ay may maalala, "Paano mo nalaman na ito ang aking silid at naakyat ang aking durungawan?"