❣︎ ARIZ ❣︎ (Present time) Nandito ako sa sala at hawak na ang notebook na dapat ay kanina pa namin binasa. Pero... Biglang nag-init ang mukha ko at pati tainga ko ay nararamdaman ko na ring nag-iinit. My goodness! Hindi na ako birhen! Muntik ko pang matapon ang notebook nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pangalan ni Julie ang nasa screen at alam kong naka-conference call na 'yon. Para sa kanila, hindi p'wedeng mag-usap na hindi kumpleto. Kaagad kong sinagot ang tawag. At tama nga ako, dahil boses ni Cynthia ang kaagad na narinig ko, "Ang tagal mo namang sagutin. Hindi pa ba nalabasan?" Mariin akong napapikit. Hindi ko talaga alam kung pa'no ako nagkaro'n ng mga balahurang kaibigan. "Ano na? Kinain mo ba? Kinain ka ba?" tanong naman ni Julie. Kung nandito lang sila, kanina