Chapter 28 - Hindi Ako si Ariz?

1920 Words

❣︎ ARIZ ❣︎ (Present time) "Gusto mo bang hulaan kita, Hija?" "Ho?" nagtataka kong tanong. Hindi man nila sinasabi, pero hindi naman ako tanga para hindi makitang bulag si Nanay Soleng. Halos nakapikit na ang kan'yang mga mata. "Ipaghanda mo ng meryenda ang mga bisita, Michelle," utos ni Nanay Soleng sa dalagang nagbukas ng gate para sa 'min. "Naku, 'Nay! H'wag na po kayong mag-abala. Pahingi ng lang po ng tubig," sabi naman kaagad ni Julie, "Parang bigla akong nauhaw sa sinabi n'yo pong ligaw na kaluluwa." Iginiya ni Michelle si Nanay Soleng sa sofa kaya sumunod na lang kami. "Sikat na manghuhula si Nanay Soleng," sabi ni Michelle habang inaalalayan ang matanda sa pag-upo, "Dinadayo pa s'ya ng mga tagaibang syudad. Isa rin s'yang esperitista." "Dinadayo naman pala s'ya, ba'

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD