Chapter 27 - Ang Pangarap ni Asuncion

1788 Words

❣︎ ASUNCION ❣︎ (1900) "Bakit ngayon ka lang, Asuncion?" Tinig kaagad ni Ama ang sumalubong sa akin nang makapasok ako sa loob ng aming hasyenda. Sumulpot sa kaniyang likuran si Lira na nakatitig na rin sa akin. May kung ano sa mga mata niya na nagsasabing kinasusuklaman niya ako. Hindi batid kung ano ang dahilan at kung kailan siya nagkaroon ng galit sa akin. May bahid ng inggit at sakit sa bawat oras na dadapo ang tingin niya sa akin. Hinarap ko si Ama at matapang na sinalubong ang matatalim niyang tingin, "Hindi ba maaaring gawin ko ang ano mang aking naisin, bago ninyo ako ipamigay?" "Ipagdidiinan mo pa rin ba ang iyong paniniwala, Asuncion!" sigaw ni Ama. Nakakatakot, ngunit hindi ako padadaig. "Bakit, Ama? Ano bang nais mong paniwalaan ko? Na para lamang sa aking kapakanan?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD