❣︎ ARIZ ❣︎ (Present time)
Kanina pa ako nakatingin sa maliit na bagay sa harapan ko.
"Ano na? Titingnan mo lang? Isubo mo na," mahinang sabi ni Anthony.
Hindi ko ba alam kung ba't ako sumama sa adviser ni Shawntell pagkatapos ng meeting kanina. Siguro, desperada na akong makatikim?
No.
Desperada na akong magka-jowa.
Pero, hindi ko naman akalain na, hahantong sa ganito ang lunch date daw kuno.
"Bilis na." May halong pagkasabik sa boses n'ya, "Sayang ang oras."
Tiningnan ko s'ya at umandar na naman ang pagiging taklesa ko, "Baka malunok ko 'yan sa sobrang liit. Parang clay lang na pinadikit."
Nakita ko ang unti-unting pamumula ng mga pisngi n'ya. But still, he managed to say something, "Ma-Makapagsalita ka pa-parang ang sa-sarap mo."
"Of course!" I exclaimed and flipped my hair, "I deserve a bigger one!"
I opened his car's door and then left him speechless.
Napabuga ako ng hangin. Nagmamadali akong pumunta sa kotse ko at sumakay ro'n. Saka lang ako nakahinga nang maluwag, nang makalabas na ako ng parking lot ng restaurant na kinainan namin kanina.
What was that!
Oh my goodness!
Santisima el Salvador!
Pinilit ko lang talagang magmukhang matapang sa harap ng jutay na 'yon, baka ano pang magawa n'ya sa 'kin kanina. Hindi ko inakala na gano'n pala ang hitsura no'n sa personal!
Okay...
Birhen pa ako, pero hindi na inosente 'tong mga mata ko, lalo pa at may mga kaibigan kang demonyo. Kaya ang makakita ng isang buhay na bagay ay nakakapanindig balahibo talaga.
But, it's not what I expected for.
Akala ko, makakatikim na ako.
Pero, sa halip na mainitan ako, para 'ata akong masusuka. Imagine, pinipilit n'yang palakihin, tayong-tayong na nga, eh! Pero mas mataba pa 'ata hinlalaki ko sa paa.
Dumaan muna ako sa isang convenience store. Bibili lang ako ng beer. Gusto kong makatulog kaagad at buong araw na humilata lang sa kama ko. For sure, tambak na naman ang trabaho sa office sa Monday. Better to relax myself.
At kung minamalas ka nga naman, kabababa ko lang sa kotse ko, ay nabangga na kaagad ako ng isang lalakeng kasingtangkad ko lang, pero alam kong bata pa.
"Magdahan-dahan ka nga bata." Wala talaga akong sa mood na makipagbangayan, kaya tinalikuran ko na lang s'ya, dahil sa totoo lang, tuyong-tuyo na talaga 'yong lalamunan ko. Nakaisang milyong lunok 'ata ako ng laway ko kanina, habang nakatingin sa jutay na 'yon.
"Sinong bata?"
"Hay naku jutay—este totoy..." Nilingon ko ang nakabangga sa 'kin, and I was surprised! Ang gwapo naman ng batang 'to. Tumikhim ako and composes myself, "Ikaw itong nakabangga sa 'kin, kaya h'wag ka nang magsinuplado r'yan."
"Jutay ba?" May halong pang-uuyam sa boses n'ya.
Gracious goodness! Pinapahamak talaga ako ng bibig ko!
Mabuti na lang din at tinuruan ako nina Cynthia at Julie ng mga ugali nila. Kinalma ko ang sarili at tinaasan s'ya ng kilay, "Bakit? Malaki ba 'yang sa 'yo? Hmm, pero para mo na akong lola, kaya sorry ka na lang."
Tinalikuran ko na s'ya, pero...
Parang biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo nang buksan ko ang glass door ng convenience store. Napaangat ang tingin ko sa wind chime na nakasabit sa taas ng pinto. Parang nag-slow motion ang paggalaw no'n pati na rin ang tunog nito.
Bigla akong nakaramdam ng kakaibang emosyon. I don't know what is this, but it's foreign to me.
"Ma'am, papasok po ba kayo?"
Napapiksi ako sa gulat. Bumalik sa dati ang galaw sa paligid ko. Anong nangyari?
"Excuse me, Miss." Napalingon ako sa babaeng nasa likod ko, "Nakakaabala ka, alam mo ba 'yon?"
Kaagad naman akong gumilid sa tabi, "I'm sorry."
Goodness! Bigla 'ata akong nawala sa sarili ko. Tiningnan ko ulit ang wind chime at naririnig ko pa rin ang tunog n'yon.
Bakit...
Parang pamilyar ang tunog?
Hay naku Ariz! Malamang, marami ka nang nakitang gan'yan at syempre, iisa lang ang tunog nila.
"Hey?"
Nilingon ko ang lalakeng nakabangga sa 'kin. Hindi pa rin pala s'ya umaalis.
"Papasok ka ba o ano? Parang kang t*anga r'yan."
Napataas ang kilay ko sa narinig, "Hoy, totoy. Matuto kang rumespeto sa mga nakatatanda sa 'yo."
"Para kang setenta na kung magsalita, when in fact, para lang tayong magkaedad. Sa ayos mong 'yan? Nalamangan mo pa 'yong kapatid kong teenager."
I want to feel flattered, pero naiinis na ako sa batang 'to. Kaya naman, hindi ko na s'ya pinansin at dire-diretsong pumasok sa loob ng convenience store.
Napapiksi ako ulit sa tunog ng wind chime. Anong mayro'n sa bagay na 'to? It's not as if it is my first time to hear a wind chime's sound. Ang weird lang talaga ng pakiramdam ko ngayon.
Kaagad na akong bumili ng anim na beer. Bumili rin ako ng Knick Knacks, it's my favorite. Oo, nakakatawa na ang gagawin kong pulutan ay isang chocolate biscuit.
Panandalian akong nagulat, dahil tumunog ulit ang wind chime.
Ang sarap talagang magmura! Ano bang nangyayari sa 'kin?
Nagmamadali na akong magbayad sa counter at kaagad na lumabas. Napapikit na lang ako nang marinig ko ulit ang tunog ng wind chime.
It's unbelievable! Nakaririndi nang pakinggan! Goodness!
Bago pa ako makapasok sa kotse ko ay may nagsalita sa bandang gilid ko. My eyes rolled exaggeratedly.
"Wow! Alam ba ng parents mo na magpapakalasing ka nang ganito kaaga?"
The nerve with this boy!
"Hoy, totoy—"
"I have a name, nakakalalake na 'yang totoy na 'yan, ahh!"
"Why you're raising your voice on me?"
"Nakakainis na kasi! Mukha ba akong dumedede pa sa nanay ko? Baka nga mas matanda pa ako sa 'yo!"
"Look, little boy..." Nagkasalubong na naman ang mga kilay n'ya, habang ang sama na ng tingin n'ya sa 'kin, "I don't have time with this nonsense conversation. So, will you please stopped acting as if we know each other."
"Look, Miss feeling matanda..." Sa pagkakataong ito, kilay ko naman ang nagkasalubong, "Baka bawiin mo ang sinabi mong totoy ako, kapag nahawakan mo na ang abs ko."
Ohh, gracious goodness!
Bago ko pa s'ya masagot ulit, natigil na naman sa pag-ikot ang mundo ko, nang may isang dirty ice-cream vendor ang dumaan. Kasabay nang pagbilis ng t***k ng puso ko ay ang tunog na sa bell na hawak ng vendor.
Parang...
Nangyari na ang mga nangyari ngayon.
Deja vu?
Dahan-dahan ang ginawa kong paglingon sa lalakeng makulit ang lahi, pero gano'n na lang ang pagkagulat ko nang makitang nakatingin s'ya sa vendor ng ice-cream.
Mas lalong nagwala ang puso ko nang dahan-dahan s'yang lumingon sa 'kin. Parehas ba kami nang nararamdaman?
It's really getting weird!
Napako ang tingin ko sa adams apple n'ya nang gumalaw 'yon. Bakit, pati 'yon pamilyar?
Kapwa kami napaiwas ng tingin nang may kotseng dumaan at bumusina 'yon.
"Weird." Halos bulong lang ang pagkakasabi n'ya, pero sapat na 'yon para marinig ko nang malinaw.
Parehas kami nang naramdaman.
Anong nangyayari.
Walang sabi-sabi akong pumasok na kaagad sa kotse ko.
"Hey!"
Hindi ko pinansin ang pagkatok n'ya sa bintana ng kotse ko. I started the ignition and drive my way out of that place.
Inihinto ko ang kotse ko nang mag-red light. Ngayon ko lang napansin na ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko. Ngayon lang 'to nangyari.
Sino ang lalakeng 'yon?
His deep eyes.
His pointed nose.
His thick eyebrows.
Why...
They're familiar?
Or is it just me and my age? The more I get older, the more things are getting weirder.