Chapter 4 - Wind chime at ang lalake

1370 Words
❣︎ ARIZ ❣︎ (Present time)  Sapo-sapo ang ulo, ay bumaba ako sa kama ko. Tiningnan ko ang katawan ko at mapaklang napangiti. Kahit pala sobrang nalasing ako kagabi, nagawa ko pang hubarin ang mga damit ko. Nasanay lang talaga akong walang kahit anong suot kapag natutulog. Hindi ko na maalala kung kailan ako nagsimulang matulog nang walang saplot sa katawan. Ang naaalala ko lang, hindi ako sumasama kapag nagyayaya sina Cynthia at Julie na mag-sleepover. Tiningnan ko ang orasan at napako na ang tingin ko ro'n, nang makitang alas dos pa ng madaling araw. Ganitong oras din ako nagising kahapon, dahil sa naging panaginip ko. Ano nga ulit 'yong pangalan na nabanggit ko? Juan? Juancho? Hay naku... Kaagad na akong tumungo sa banyo ko. Pero bago pa ako makapasok, ay nasagi ng mga mata ko ang kalendaryo sa may aparado ko. Hindi ko pala napalitan ang date kahapon. It's a one-day calendar, isang araw bawat page. Tinungo ko muna 'yon para i-flip ang page sa date ngayon. Pero habang papalapit ako, bumibilis na naman ang t***k ng puso ko. Nakatingin lang ako sa petsa kahapon. Ika-labing siyam ng Marso. May celebration ba kahapon? Parang may nakalimutan 'ata ako. Nang malipat ko na ang page ay kaagad na akong bumalik sa dinaanan ko papuntang banyo. Nakalimutan kong naiihi pala ako, kaya nagising ako. Bumungad ang pigura ko sa salamin. Naniningkit ang mga mata ko, dahil parang hindi ko naman mukha ang nakikita ko sa salamin. Nakakaloka! Matanda na nga ako at malabo na ang mga mata ko. Pero... Parang nangyari na 'to. Kailan nga ako nalasing at nagising para umihi? Kailan ko natitigan ang sarili ko nang ganito sa harap ng salamin, na hubo't hubad? Bago pa ako mawala sa sarili ko ay kaagad na akong umihi at bumalik sa pagtulog. Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang doorbell ng bahay ko. Wala si Ate Rosalia, dahil pinapauwi ko s'ya sa kanila t'wing Sabado at Linggo. Two-stories lang naman 'tong apartment ko, may tatlong kwarto sa second floor at dalawa naman sa baba. Dahil ako lang naman mag-isa, hindi masyadong maraming lilinisin. At dahil ako lang talaga mag-isa dahil Linggo, wala akong magagawa kung hindi ang bumaba at ipakulong ang kung sino mang nambubulabog ng tulog ko. Nilingon ko muna ang wall clock sa kwarto ko at nakitang alas tres na ng hapon. Santisima! Sobrang haba nang naging tulog ko, ahh. Nakaramdam tuloy ako ng gutom. Dahil nasa bahaging likod ang kwarto ko, hindi ko makikita kung sino man ang hampaslupang nilalang, na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa kaka-doorbell. Nagsuot muna ako ng roba at tinali pataas ang buhok ko. Hindi na ako nag-abalang maghilamos pa. Maliligo na lang ako kaagad mamaya. Kulang na lang mapamura ako nang masilip ko sa bintana ng sala ko, kung sino ang mga nasa labas. Tamad ko silang tiningnan nang mabuksan ko na ang pinto at kaagad na lumapit sa gate, para pagbuksan sila. "Wala ba kayong mga buhay?" "Good afternoon, mars!" sabay pa nilang sagot sa 'kin. "Hoy, mga bruha! Sunday ngayon at dapat family time!" "Alam mo, Mareng Ariz, malalaki na mga anak namin at ayaw naman naming pigilan silang gumala kasama ng mga kaibigan nila," sabi ni Cynthia at dire-diretso silang pumasok sa bahay ko, "Isa pa nakapag-family time na kami kahapon." Matanda ako ng isang taon kay Cynthia, pero may tatlong high student na s'ya. Samantalang si Julie naman ay matanda sa akin three years, may dalawang college student na s'ya at dalawang high school student. Pero sila 'yong bagay na tawaging 'hot mama'. Feeling ko nga, mas losyang akong tingnan na hindi pa nadadaanan ng bata, at hindi pa napapasukan ng buhay na kahoy. "Eh, kung nakipag-date na lang kayo sa mga asawa n'yo," matamlay kong sabi. Gusto ko pa talagang matulog. "Ayon, nakipag-date na sa garahe n'ya," sabi ni Cynthia at umupo na sa couch. "Nakipag-bonding sa paperworks na inuwi n'ya galing sa office," sabi naman ni Julie at tumabi ng upo kay Cynthia. "Ba't parang ang saya n'yo pa?" nakapamaywang na tanong ko sa kanila. "Hay, baka madilaan na naman ako."  Napapikit na lang ako sa walang prenong bibig ni Cynthia. "Buti ka nga dila lang, eh ako? Nagkakarayuma na kakatuwad." Isa rin 'tong si Julie. "Ang babastos n'yo!" nakasimangot kong sabi sa kanila, "Pumunta lang kayo rito, para ipanglandakan sa 'kin na hindi pa ako napapasukan?" "Actually..." Si Julie ang sumagot, "Araw-araw naman namin 'yang pinamumukha sa 'yo. Pero sadyang ang kapal mo lang talaga at hindi ka affected." Peke akong tumawa, "Ha-ha-ha, nakaka-touched, sobra." Kaagad ko naman naiwasan ang unan na itinapon ni Cynthia, "Maligo ka na nga, at magdi-date tayo!" "Na-miss n'yo lang pala ako, napunta pa sa mga dilaan at tuwaran!" bulalas ko saka umakyat na sa kwarto ko para maligo at mag-ayos. Matapos makaligo ay naghanap ako ng masusuot. Dahil Sunday naman ngayon, pinili ko na lang ang mag-dress. Wearing a light blue shirtdress, partnered with black peep toe high heels, and a navy blue clutch, I go down the stairs with my hair flowing down and swaying. Panunukso ni Julie nang makababa ako, "Naks, naka-dress! Madali nang mapasukan." "Isang banal na nilalang ang papalapit sa dalawang demonya." At sabay kaming tatlong napatawa sa sinabi ni Cynthia. Naalala ko tuloy, tukso 'yan sa 'min noong nasa elemetarya pa kami. Napatawag pa ang mga magulang nina Cynthia at Julie sa principal's office, dahil nakipag-away sila sa mga kaklase namin. Tinukso ba naman sila ng... "Pa'no naging kaibigan ng isang banal na babae ang dalawang demonyang babae?" Sobrang hinhin ko noon at pinong-pino kumilos. Nasobrahan 'ata ako sa pangangaral nila Inay at Itay, kaya siguro hanggang ngayon, wala pa akong nobyo. Pakiramdam ko kasi mabubuntis kaagad ako kapag nagkanobyo ako. Tapos lagi pang sinasabi ni Inay, kasal muna anak bago bumukaka. Iniwan na lang nila ang mga kotse nila sa labas ng apartment ko at kotse ko na lang ang ginamit namin. Napagkasunduan naming kumain muna bago pumunta ng mall. Ganito kami mag-bonding na tatlo—laging sa mall at maghahanap ng sale. Ewan ko ba sa dalawang 'to, pero enjoy naman kaya nakikisabay ako sa mga trip nila. Napaatras ako nang makitang may wind chime ang papasukan naming restaurant. "Oh? Problema mo?" nagtatakang tanong ni Cynthia. "Para kang nakakita ng jutay," sabi naman ni Julie. Kung alam lang nila ang ginawa kong kag*gahan kahapon. "Ma-Mauna na ka-kayong pumasok, na-naiwan ko 'yong ta-tali ko sa buhok sa kotse." Hinintay ko talagang makapasok sila at narinig ko ang tunog ng wind chime. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala naman akong kakaibang naramdaman, kaya sumunod na ako sa kanila. "Ang sama ng tingin mo sa wind chime, ha," sabi ni Julie nang makalapit sa kinaroroonan nila. Umupo muna ako, bago sumagot, "Ahm, na-nagandahan lang ako." Nilingon ko ang pintuan ng restaurant nang tumunog ang wind chime, hudyat na may customer na papasok. Wala talagang kakaiba sa nararamdaman ko. Baka guni-guni ko lang 'yong kahapon. Umayos na ako sa pagkakaupo. Napapalibutan ng salamin ang buong restaurant. Ang lamig ng ambiance. May pumasok ulit kaya napatingin ako sa salamin na nasa harapan ko. Wala talaga. Napa-paranoid lang siguro ako kahapon. "May I take your orders, ladies?" Abala na sa pagsasabi ng mga order nila sina Cynthia at Julie. Pero... Biglang bumilis ang t***k ng puso ko, kasabay no'n ang tunog ng wind chime. Dahan-dahan kong tiningnan ang salamin sa harap ko at kitang-kita ko kung sino ang pumasok. Nakita kong saglit s'yang natigilan at nagpalinga-linga sa loob ng restaurant. Itinakip ko ang menu sa mukha ko at sumilip sa salamin. Papalapit s'ya rito at napansin kong nilingon s'ya ng waiter na kumukuha sa orders namin. "Si Mama?" tanong ng lalakeng kadarating lang. "Naghihintay na po sa office n'ya, Sir," magalang na sagot ng waiter. Kaagad na umalis ang lalake at itinakip ko naman ang menu sa mukha ko. Napahinga ako nang maluwag nang mawala na s'ya sa paningin ko. Anong mayro'n sa lalakeng 'yon at bumibilis ang t***k ng puso ko? At anong mayro'n sa tunong ng wind chime? "May kasama yata tayong baliw." "Oo nga, parang takas sa mental." Nakalimutan kong may mga kasama pala akong demonya. Hayy. Mahaba-habang usapan na naman 'to. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD