❣︎ ARIZ ❣︎ (Present time) Marahas akong napabangon. Kahit air-conditioned ang kwarto ko, tagaktak ang pawis ko sa mukha. Panaginip na naman. Kaagad akong tumingin sa orasan. Alas dos. Naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Shawntell, bago s'ya umalis kanina. "Pa'no ba malalaman kung simpleng reincarnation lang ang nangyari sa kaluluwa o sumpa na pala?" kuryuso kong naitanong. "Hindi ko rin alam, Tita. Pinag-aaralan ko pa," sagot n'ya kaagad at sumandig sa couch, "Ang hirap maging Psychology student." "Ba't pala 'yan ang napili ng professor n'yo na ipa-report sa inyo?" tanong ko ulit. "Pinag-aaralan kasi namin ang hypnotherapy," kaagad n'yang sagot, "Nagagamit kasi sa psychotherapy ang hypnosis. At isa pa, kadalasan sa mga pasyente ng hypnotherapy ay 'yong mga taong dinada