❣︎ ARIZ ❣︎ (Present time) Ang bilis ng t***k ng puso ko. Kinakabahan ako, dahil kanina pa tahimik na palipat-lipat ang tingin ni Shawntell sa 'min ni Jeffrill. "Ahm... can I talk to Tita alone?" Nakatingin s'ya kay Jeffrill at mas lalo pa akong kinabahan. "Okay." Kaagad akong nilingon ni Jeffrill, "I'll call you later." Hindi ko inaasahan na lalapitan ako ni Jeffrill at mabilisang dinampian ng halik sa labi ko. Pakiramdam ko matutunaw ako sa sobrang hiya. Unang beses itong nangyari. My past relationships were not that intimate and showy. Never nila akong hinalikan sa harapan ng kahit sino sa pamilya ko. Kahit sa harapan nina Julie at Cynthia ay never ding nangyari. Kaya, nakakailang ang ginawang 'yon ni Jeffrill sa harap pa mismo ng pamangkin ko. Kinakabahan na ako sa ano mang sasa