Chapter 23 - Sa Munting Kubo

1412 Words

❣︎ ASUNCION ❣︎ (1900) Habol ang hininga ay napabalikwas ako nang bangon. Kinapa ko ang aking dibdib na parang tambol sa lakas nang pagtibok nito. Kaagad kong tiningnan ang orasan sa dingding ng aking silid. Alas dos ng madaling araw. Ilang beses na itong nangyari. Sa kasamaang palad pa, ay hindi ko na matandaan ang mga kaganapan sa aking mga naging panaginip. Isa lang ang sigurado ako. Isang babae at isang lalake. Hindi ko rin lubos na maaninag ang kanilang mga hitsura. Naririnig ko lamang ang kanilang pagtawa. Napabuntonghininga na lamang ako. Hinatid na si Ignacio sa kaniyang huling hantungan kahapon. Isang linggo na rin na ikinulong ko lamang ang aking sarili rito sa aking silid. Nagpapadala ng liham si Juanito sa akin, sa pamamagitan ni Anda. Hindi pa kami muling nagkita d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD