Step One

1215 Words
"Aly..." tawag niya sa akin habang mag-isa akong nakaupo sa threshold sa likod ng bahay. Diretso ang tingin ko sa kawalan bago siya dumating at agad ko naman siyang nilingon nang marinig ko ang boses niya. Mabilis ko siyang pinasadahan ng tingin bago ako ngumiti. "Uy!" salubong ko sabay tapik sa espasyo sa tabi ko. "Upo ka." "Ito pala," inabot niya sa akin ang malamig na canned beer na dala niya bago siya umupo sa tabi ko. "Salamat," sabi ko naman at agad kong binuksan ang beer na hawak ko. "Penny for your thoughts?" curious na tanong niya habang nakatingin sa akin. "Wala naman. I just need some fresh air," sagot ko sa kanya. "Ikaw? Bakit ka sumunod dito? Bored?" "Hindi naman," iling niya. "Gusto ko lang din magpahangin muna." May bonding ang barkada ngayon dito sa bahay. Minsan na lang kami magkasama-sama dahil mas busy na ang schedule ng laha ngayon college students na kami at iba-ibang universities na rin ang pinapasukan namin. "Hm, gano'n ba?" hindi naniniwala kong sabi. "May problema ka yata, eh." "Wala, brad," tanggi niya. Palihim akong napangiwi nang tinawag niya akong 'brad'. Sa barkada namin, kahit babae, 'brad' o 'pare' na ang naging tawagan naming lahat. Nakasanayan na lang din moong high school pa dahil lagi naming ginagaya ang mga boys sa tawagan nilang 'yon. Sabi ng iba, cool daw 'yon. Pero kung ikaw si Alyson Elle Pangilinan Ruiz at si Kiel Cayzer Cruz Vega ang tumawag sa'yo ng 'brad' o 'pare', mapapangiwi ka na lang talaga. Dahil do'n pa lang, alam mo na hanggang kaibigan ka lang. "Dali na!" pamimilit ko sa kanya. "May problema ka, eh. Halata," dagdag ko pa. Madaling basahin si Kiel kapag may problema siya. Pero kung ayaw niya pa ring magsabi sa akin, hindi ko na siya kukulitin. Baka mainis pa siya. Ilang minuto rin kaming nanatiling tahimik bago ko narinig ang buntong-hininga niya. Ibinaba niya ang hawak niyang beer bago siya napayuko. "Si Leanne," sagot niya bago siya nagsimulang mag-kuwento. "Nag-away kami. Nalaman niya kasing nakipag-break ang kaibigan ko sa girlfriend niya. Hindi ko nga alam kung anong kinalaman nun sa amin pero nagalit siya. Ang sabi lang niya, baka raw iwan ko rin siya." "That's a nice thing, 'di ba? Na galit siya kasi ayaw ka niyang mawala." "Oo, noon. Pero 'pag paulit-ulit, hindi na. Nawawalan na ng kahulugan," napailing siya at napansin ko ang lungkot sa mga mata niya. "Ngayon nga, sinusumbatan naman ako. Mas masaya raw ako kapag kasama ko ang barkada kaysa sa kanya. Sabi niya pa, hindi raw ako nag-e-effort sa relationship namin. Hindi ko na alam kung anong gusto niya." Kilala ng barkada si Leanne, nakakasama rin namin siya minsan. Pero pinag-aawayan pa rin nila ang tungkol sa pagsama ni Kiel sa barkada kapag hindi siya kasama. "Alam mo, kung ako si Leanne, hindi kita aawayin. Okay na ako basta ikaw ang kasama ko," biro ko at tumawa naman siya. Alam ni Kiel na may gusto ako sa kanya kaya sanay na siya kapag may mga banat akong ganito. Akala niya kasi binibiro ko na lang siya dahil ang alam niya, matagal na akong walang feelings para sa kanya. "No, but seriously... maswerte siya sa'yo, Kiel," diretso kong sabi sa kanya at ngumiti naman siya. "Maswerte rin naman ako sa kanya," sagot niya. "Even though she can really be a pain in the ass at times." Tumango na lang ako at pinilit kong ngumiti. Kung pwede ko lang aminin sa kanya na gustung-gusto ko pa rin siya at nasasaktan pa rin ako. Pero alam ko namang wala ring mangyayari kaya itatago ko na lang ang nararamdaman ko. Napainom na lang ako ng beer at ilang minuto rin kaming nanatiling tahimik. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil pagkalipas ng apat na taon, nag-o-open up na ulit siya sa akin o kung iiyak ba ako dahil kahit apat na taon na ang nakalipas, hindi pa rin ako nakakausad sa kanya. "Mahal mo talaga siya, 'no?" tanong ko sa kanya. "Syempre naman," mabilis niyang sagot. "Pero nakakapagod kung palagi na lang ganito. Ako na lang umiintindi nang umiintindi, siya puro away." "Gano'n naman talaga kapag mahal mo ang isang tao. Iintindihin mo hangga't kaya, ilalaban mo kahit nakakapagod na," sabi ko naman habang pinaglalaruan ko ang canned beer na hawak ko. "Kaunting pasensya pa. Pag-usapan niyo 'yan para maayos." Gusto kong matawa sa mga payo ko sa kanya. Para akong tunay na kaibigan sa mga sinasabi ko kahit na nasasaktan na ako. Ganito naman palagi si Kiel sa tuwing may problema sila ni Leanne. Puro salita. Galit pero alam naman naming hindi niya kayang iwan ang girlfriend niya. "Kinausap ko na nga siya, sinasabihan ko rin. Pero hindi niya naman ako tatay, hindi ko siya kailangang sabihan palagi. Ugali na niya 'yon, eh. Na akala niya tama siya palagi." "First boyfriend ka niya, Kiel. Hindi talaga maiiwasan na may immature side pa rin siya. Lahat naman ng relationships nagdadaan sa ganyang stage." First year college student si Leanne at kami naman nina Kiel, nasa second year na—just a year older and higher than her. I guess that explains the immaturity. Or maybe, she's just really like that. I don't know. "Tsk! Nakakainis," angil niya habang binabasa niya ang message sa phone niya bago niya ito inis na ibinaba sa gilid. Ginulo niya pa ang buhok niya, halatang badtrip na badtrip siya sa sitwasyon nila. "Tinulugan na naman ako. Lagi na lang niya akong tinutulugan nang hindi maayos ang problema namin." "Oh, kalma. Kaya pa namang ayusin 'yan," pagpapagaan ko ng loob niya. Ayoko namang sabihin na iwan na niya si Leanne kahit 'yon ang gusto kong mangyari. She's his happiness and I know that he'll choose to stay no matter what. "Hindi ko na alam," iling niya at ininom na lang niya ang beer niya. Pinagmasdan ko siya at malungkot akong ngumiti habang diretso ang tingin niya sa harap. Nasasaktan akong makita siya sa ganitong sitwasyon. Sa kanilang dalawa ni Leanne, halatang si Kiel ang mas nagmamahal. Lagi namang gano'n, eh. Hindi pantay. May isang mas higit na magbibigay, mas higit na invested sa relationship. At kapag ikaw ang mas nagmamahal, ikaw ang mas nasasaktan. Siguro, masama akong tao kung sasabihin ko na ito ang karma ni Kiel sa mga masasakit na bagay na idinulot niya sa akin noon. Aaminin ko na may parte sa akin na masaya, may parte na gusto kong ipamukha sa kanya na karapat-dapat lang 'tong mangyari dahil isa siyang gago. Pero hindi ko ginagawa dahil alam kong hindi tama na maramdaman ko 'to. Na maling magtanim ng galit sa puso ko at maling magalit dahil mahal ko pa rin siya. "Kapag iniwan ka niya... pumunta ka na lang dito bahay namin, ha? Tapos, akin ka na lang." Ako ang bumasag sa katahimikan na namagitan sa amin at sinundan ko pa 'yon ng tawa kahit na alam kong seryoso ako sa mga sinabi ko. Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon, kung pwede lang. "Ikaw talaga..." nakatawa niyang sabi at pabiro ko naman siyang siniko. "Joke lang," palusot ko pa. "Basta kalma ka muna, ha? Pag-isipan mong mabuti. Sigurado namang okay na ulit kayo bukas at lilipas din 'yan," dagdag ko. "Thank you, Aly. Pasensya ka na kung pati problema naming dalawa, pino-problema mo pa. Thank you sa oras mo," sabi niya naman sabay ngiti. Naramdaman ko pa ang pagtapik-tapik niya nang marahan sa ulo ko kaya mahina ko siyang siniko. "Anytime! Ikaw pa ba?" Palagi naman akong may oras para sa'yo. Kahit naaalala mo lang ako kapag wala siya sa tabi mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD