"AHHH! OH MY GOD!"
Napatili agad ako dahil sa bagong friend request na sumulpot sa profile ko. It's him! It's the chinito guy!
Lorenz Antonio Chua
Confirm • Delete
Mabilis akong nag-confirm dahil baka magbago pa ang isip niya at bigla niyang i-cancel ang friend request niya sa akin.
Agad kong binuksan ang profile niya at nakita kong Medical Technology student nga siya sa Serendipity University. May ilan din kaming mutual friends na galing sa SU tulad nina Pam at Ash na pareho niyang Med Tech din ang course. Small world.
"Oh, ano na naman 'yan?" tanong ni Mama na nasa likod ko na pala at nakatingin sa screen ng laptop ko.
"In-add ako nung gwapo'ng nakita namin kanina!" excited kong sabi at nag-kuwento pa ako sa mga nangyari kanina habang kinikilig.
Open ako sa mga parents ko kaya komportable akong mag-kuwento ng kahit ano sa kanila. It actually helps that I open up to them because it makes them trust me more.
Tinawanan ako ni Mama pagkatapos kong mag-kuwento at kiligin sa harap niya.
"Ikaw talaga, 'Nak," nakatawa niyang sabi sabay haplos sa buhok ko. "Pero tama 'yan, 'wag puro Kiel. Open your heart for other guys."
Kilala nina Mama't Papa si Kiel at ang buong barkada namin dahil madalas sila sa bahay mula pa noong nasa high school palang kami. Alam din nila na gusto ko na si Kiel noon pa.
"Ma, wala na 'yon. May girlfriend na nga, 'di ba? Sila nga ang magkasamang mag-celebrate ngayon ng birthday ni Kiel."
"Oo nga pala, birthday nga pala ni Kiel ngayon," tatangu-tangong sabi ni Mama. "Kaya pala may narinig akong alarm kanina? Around twelve midnight?"
"Ma!" Nilakihan ko pa siya ng mga mata pero tinawanan niya lang ako at binatukan.
"Ang gulo mo, 'Nak. D'yan ka na nga, pa-planstahin ko pa ang uniform mo," paalam niya sa akin at bumalik na lang ako sa pag-scroll sa laptop ko.
Abala ako sa pagtingin sa mga pictures ni Chinito nang mag-pop sa screen ang chat box namin ni Pam.
Pamela Geronimo:
Hey Aly, kilala mo ba si Lorenz Chua?
Alyson Ruiz:
Uy Pammy, in-add niya ako. Long story! Why? Do you know him?
Pamela Geronimo:
He's a good friend. He's also a blockmate. Eh, ang weird lang kasi hinihingi niya number mo kung pwede raw. Nakita niya raw na naka-tag ka sa picture na in-upload ko kaya tinanong niya ako kung close ba tayo tapos kung pwede ko raw ba siyang tulungan. Ibibigay ko ba?
Alyson Ruiz:
Small world! Sige Pam, ibigay mo na. Mukha namang harmless, eh. Isa pa, he's friends with you and Ash so it's cool.
Pamela Geronimo:
He's a good guy, don't worry. Haha. Sige, I'll give him your number. Kuwento next time, ha!
Alyson Ruiz:
Yup! Ikaw pa ba. Haha. Thanks, Pam. Good night. Miss you!
Pamela Geronimo:
Good night! Love you!
Madalang kaming magkita ni Pam kahit na nasa iisang university kami dahil iba ang building niya sa akin kahit na parehong pre-med ang kinukuha naming course. Magkaiba rin ang schedules naming dalawa kaya minsan lang namin makita ang isa't isa sa university.
Bago ako matulog, nakatanggap ako ng text mula sa isang unknown number na nagpangiti sa akin.
(0927) 888 xxxx
Hi Aly! Thank you for allowing Pam to give me your number, thank you rin sa pag-accept sa sss. Good night! ☺️ - Lorenz
Umaga na ako nag-reply dahil ayoko namang isipin niya na masyado akong excited kahit na kagabi ko pa siya gustong maka-text.
Me:
Good morning! Ingat sa pagpasok sa school!
"Nagiging blooming ka pala kapag nakakasabay mo ang crush mo sa bus," salubong sa akin ni Wendy nang dumating ako sa room namin. Excited akong lumapit sa mga kaibigan ko at agad akong napatili.
"OH MY GOSH, GUYS!"
Mabilis akong umupo sa upuan at lumibot sila sa akin para makinig sa kuwento ko. Kilig na kilig kami ng mga kaibigan ko habang kinukuwento ko ang pag-add sa akin ni Chinito sa f*******: at pagkuha niya ng number ko.
"Mabilis didiskarte 'yan," sabi naman ni Lyn pagkatapos kong mag-kuwento. "Hindi ka na papakawalan n'yan," tawa niya pa.
"Oo nga, eh. Kaklase niya si Pam so..."
"Kaya naman pala," tatangu-tangong sabi ni James. "Mabilis talaga 'yan. May common friend pala kayo, eh. May tulay."
"Sa susunod na may makita akong gwapo sa bus, titilian ko rin para pumag-ibig na rin ako," sabi pa ni Dian at nagtawanan naman kamk.
"Gaga!" tatawa-tawa kong sagot. "Hindi ko naman pag-ibig 'to."
"Soon-to-be! Let's claim it," dagdag ni Trixie.
"Teka. Baka may girlfriend na 'to tapos masyado tayong excited," sabi ko naman.
"Nako Aly, walang girlfriend 'yan. Hindi naman 'yan mag-e-effort kung mayro'n na," sagot ni JP at sumang-ayon pa si James.
"Take it from the guys' perspective, Aly," sabi pa ni Quincy. "Maliban na lang kung playboy..."
"Itanong mo kay Pam! Background check," suggestion ni Mikee at tumango naman ako.
"Good idea."
"Balitaan mo ulit kami sa sasabihin ni Pam, ha, puks?" bilin ni Lyn.
"Kayo pa ba. Syempre dapat updated kayo," sagot ko.
"Paano na si Kiel?" nakatawang tanong ni Yza. "Wala na?"
"Pabayaan mo na 'yon, Aly. Ito na, oh. 'Wag mo 'to sayangin," sabi naman ni Ann. "Push na."
"We'll see," maikli kong sagot.
Alam ko namang lahat ng kaibigan ko, gusto nang makausad ako kay Kiel. I want that, too. Pero masyado akong invested, kaya hindi ko alam kung paano ako magsisimulang umusad kahit alam kong unrequited naman mula pa noong una.
"Oy, open niyo 'yong door. Someone's knocking," utos ni Cip kaya sabay-sabay kaming lumingon sa pinto.
"Ako na," sabi naman ni Dian bago siya tumayo. Sumilip siya sa labas at nagulat kami nang tumili siya pagkatapos niyang isara ang pinto.
Pare-pareho kaming nagtaka dahil sa naging reaksyon ni Dian kaya na-curious din kami kung sino ang tinitilian niya.
"Hoy, anong mayro'n?" tanong ni Cip at hindi naman umimik si Dian. Binuksan niya lang ang pinto at sabay-sabay silang tumili ng mga kaibigan ko nang sumilip si Chinito.
"Sino 'yan?" rinig ko pang tanong ng iba naming blockmates.
"Guy ni Aly 'yan!" kinikilig na sagot ni Quincy.
"Oh, there she is," nakangiting sabi niya nang makita niya ako.
Kaya pala tinanong ni Pam kung anong room ko ngayon! Tinanong siguro siya ni Chinito.
"s**t! He's here," napamura ako at napalunok bago ko muling sinulyapan ang pintuan kung saan siya nakasilip.
Magulo na ang buhok ko dahil sa pagsabunot ng mga kaibigan ko at hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
"Wala pa kayong prof? Pwede ko bang i-excuse sandali si Aly?" tanong niya pa kay Dian at tumango naman ang kaibigan ko.
"Sayong-sayo na si Aly kung gusto mo," sabi niya pa at nanukso naman ang buong klase. Nakakahiya!
"Ikaw na talaga," bulong sa akin ni Cip. "Anong shampoo mo? Bibili ako later para humaba rin buhok ko."
"Gago ka talaga," iling ko sa kanya habang pilit na inaayos ni Lyn ang nagulo kong buhok.
"Aly, galaw-galaw rin. Lika na," tawag sa akin ni Dian. "Hindi pinaghihintay ang biyaya."
Hinila pa ako nina Yza patayo sa upuan ko sabay tulak palapit sa pinto. Muntik pa akong madapa kaya inalalayan ako ni James bago ko kinalma ang sarili ko.
"Hi, Aly!" bungad niya sa akin nang nasa labas na ako. Bawal kasing pumasok sa room kapag hindi mo klase ang assigned sa schedule.
"Hello Lorenz," nahihiyang sabi ko. Naiilang pa kasi ako dahil hindi pa naman kami comfortable sa isa't isa. "Bakit ka napadaan pala?" tanong ko pa.
"Call me Enz," nakangiti niyang sabi at napahawak naman siya sa batok niya. "Ah, kasi... itatanong ko lang sana kung pwede ka mamaya? May vacant ka ba? Aayain sana kitang mag-lunch."
"Hindi ba parang awkward? We just met yesterday..." diretso kong sabi. Ayoko namang magmukhang easy.
"I'll invite Pam and Ash. Would that make you feel better to join me for lunch?" nagbabakasali niyang tanong.
"I'll think about it," nakangiting sagot ko.
"Please do," hopeful niyang sabi at tumango na lang ako. "Sige, Aly. I better get going. May klase pa kami."
"Yeah, sure. Thanks for the invite," casual kong sabi habang nagpipigil akong tumili at ma-excite.
Kumaway na lang ako bago siya naglakad palayo at agad naman akong hinila ni Dian papasok sa room.
"Oh, ano na?" salubong ni Wendy sa akin. "Anong nangyari? Anong sinabi?"
"He's inviting me for lunch," sagot ko at nagtilian na naman kami. Sinasaway na kami nina JP at James dahil sa ingay namin kaya sinubukan naming kumalma sa excitement.
"Sumama ka na," sabi naman ni Lyn. "Kayo lang bang dalawa?" tanong niya pa at umiling naman ako.
"Kasama sina Pam at Ash."
"Go na! May kasama naman pala," pangungumbinsi niya pa sa akin at sumang-ayon na rin ang iba naming kaibigan.
"Give him a chance to know you and give yourself a chance to know him better," makahulugang sabi pa ni Cip. "Wala namang masama kung susubukan mo."
Humugot ako ng malalim na hininga bago ko inilabas ang phone ko. Cip is right, I should give this a try.
Me:
Hi, Enz! Yes, may vacant ako later. I'll be joining you for lunch. See you! ☺️
Message sent.