"Hello!" salubong ni Enz sa amin ng mga kaibigan ko nang lumabas kami ng room.
Nakasandal siya pader habang nakahawak sa strap ng itim niyang messenger bag. Ngumiti ako sa kanya at kumapit naman sa braso niya si Cip.
"Kumusta ang finals?" tanong pa ni Enz.
Halos isang buwan na rin ang nakalipas mula noong nag-invite siya ng lunch. Simula noon, naging magkaibigan na kami. Madalas din siyang mag-text at mag-chat, minsan tumatawag din.
Sinasabayan niya rin kaming kumain ng mga college friends ko minsan kahit na hindi match ang schedules namin. He's really trying and I appreciate that.
"Sobrang hirap pero buti na lang tapos na," ngiting-ngiting sagot ni Cip habang nakapulupot pa rin siya sa braso nito. "At buti na lang nandito ka 'pag labas ko. Buo na ang araw ko," kinikilig niya pang sabi kaya pabiro ko siyang inirapan.
"Nagagalit si Aly, bakla. Lumayo ka na nga," natatawang sabi ni Yza sabay hatak kay Cip. "Humanap ka na lang sa mall mamaya ng ibang boylet."
"Ay bet! Sama kami!" sabi naman nina Dian, Wendy at Mikee. Mag-bo-boy hunting na naman ang mga 'to sa mall mamaya.
"Uy, tara na, guys!" aya ni Ann sa mga kaibigan namin bago siya bumaling sa amin ni Enz. "Mauna na kami, ha? Alam niyo naman, bawal magpagabi," paalam niya sabay yakap sa akin.
"Ingat kayo," sabi ko naman. "Paalis na rin kami ni Enz. Bawi kami sa susunod."
"Sige, mag-ingat din kayo ni Enz. Kumusta mo kami kina Pam," bilin pa nila.
"I will."
"Ay, aalis na tayo? Ayoko pa naman sanang iwanan si Enz dito," singit ni Cip bago siya bumeso sa akin. Hahalik din sana siya sa pisngi ni Enz pero sinabunutan agad siya ni Lyn.
"Oh! Ang landi!" sita niya pa kay Cip kaya sinabunutan siya nito sabay takbo pababa.
Natawa na lang kami nina Lyn habang inaayos niya ang buhok niya. Bumaling siya sa akin para bumeso at magpaalam.
"Puks! Kumusta mo na lang ako kina Sab, ha?" bilin niya. "Next time na kamo ako sasama. Birthday ni Nanay, eh. Babawi ako," duktong niya pa.
Hindi exclusive sa barkada ang gala ngayon kaya pwede kaming magsama ng iba naming kaibigan. Si Lyn ang pinakamalapit sa kanila sa lahat ng college friends ko kaya sinabi nila na isama ko siya ngayon pero hindi naman siya pwede kaya kami muna ni Enz.
Sana nga, maging okay rin ang mga hogh school friends ko kay Enz. He's a decent guy, he knows how to make friends and how to carry himself. I hope there won't be a problem.
"Sumama ka next time! Miss ka na ng mga 'yon," sabi ko naman. Siguradong hahanapin siya nina Sab mamaya.
"Hoy, puks... 'wag kang landing-landi mamaya, ha? Dalawang lalaki mo pala ang kasama mo today," bulong ni Lyn sa akin at sabay kaming tumawa. "Sayang talaga, hindi ko makikita ang mga ganap. Kuwentuhan mo na lang ako pag-uwi."
"Oo naman, 'no!" nakatawa kong sagot. "Sige na, baka iniwan ka na nina Cip."
"Sige, una na ako. Gagantihan ko pa 'yong bakla'ng 'yon," paalam niya bago siya humarap kay Enz na nasa tabi ko. "Ingatan mo 'to, ha?"
"Ako’ng bahala," sagot ni Enz at kumaway na lang si Lyn sa amin bago siya tuluyang bumaba.
Umalis na rin kami ni Enz sa building nang mag-text sina Pam at Ash na nasa labas na sila. Sabay-sabay kaming pupunta sa Red Mix, isang resto bar na malapit sa school nina Sab at Kiel. Nag-aya ang barkada na lumabas dahil pare-pareho naming last day lahat ngayon.
"Uy, Enz! Buti talaga sasama ka para may kasama rin si Ash," nakangiting salubong ni Pam nang lumapit kami sa kanila. Nakaupo sila sa isang stone bench habang kumakain ng fries. "Right, Aly?" nakangising tanong niya pa sa akin at pabiro naman akong umirap.
"Oo na, Pam."
Alam na alam ko ang mga galawan na ganigl. Noong inaya niya palang niya si Enz kahapon, naramdaman ko nang may binabalak siya. Kaibigan na rin naman ni Ash ang boys sa barkada namin kaya hindi ako naniniwala na inaya lang niya si Enz para may kasama si Ash.
"Oo nga, Pam. Wala naman akong gagawin kaya okay lang," nakangiting sagot ni Enz pagkatapos nilang mag-high five ni Ash.
"Si Lyn? Hindi niyo kasama?" tanong ni Pam habang inaalok niya sa amin ni Enz ang fries na hawak niya.
"Birthday ng mom niya, eh. Next time na lang daw," sagot ko at naki-inom pa ako sa drinks nila pagkatapos kong kumuha ng fries.
"Oh, sayang naman," nanghihinayang na sabi ni Pam. "So, tayong apat lang pala?"
"Yup. We can go now," aya ko naman.
"Tara," sabi pa ni Ash pagkatapos niyang buhatin ang bags nila ni Pam.
Nag-taxi na lang kaming apat paglabas sa university para mas mapabili ang biyahe pero na-traffic pa rin kami. Kinukulit na rin kami ni Sab sa phone dahil kami na lang daw ang hinihintay.
"Malapit na lang naman yata, 'di ba? Lakarin na lang natin," suggestion ni Enz.
Sumang-ayon naman kami nina Pam kaya bumaba na kami sa taxi pagkatapos naming paghatian ang bayad.
"Finally!" salubong sa amin ni Sab nang dumating kami. "Ang tagal niyo—uy, ito ba 'yong kinukuwento mo sa amin Pam na isasama ni Aly ngayon?" makahulugang sabi niya pa.
Lumipat agad ang atensyon ng barkada na nakaupo sa isang mahabang table kay Enz at ngumingiti naman si Enz sa kanila.
"Boyfriend mo, Aly?" diretsong tanong ni Sean kaya nagkatinginan kami ni Enz bago ako umiling.
"Uy, hindi!" tanggi ko.
Nakakahiya kay Enz, baka isipin niya na ipinagkakalat ko sa barkada ko na boyfriend ko siya.
"This is Enz," pakilala ko sa kanya. "He's Pam and Ash's blockmate and friend."
"Eh, kayong dalawa? Ano kayo?" nanunuksong tanong ni Kit. "More than friends?"
"Sira. Hindi nga," paglilinaw ko. "Friends lang din kami," duktong ko pa bago ako bumaling kay Enz para ipakilala sa kanya ang barkada.
"They are my high school barkada," panimula ko tsaka ko itinuro isa-isa ang mga kaibigan ko. "This is Mads. That's Daena. This is Sab. And then, that's Justin, Aron, Sean, Luke, Kit and Kiel."
"Friends lang talaga?" nakatawang tanong ni Aron habang isa-isang nakipag-high five ang mga boys kay Enz. Bumungisngis pa sina Daena, Sab at Mads nang kamayan nila si Enz.
"Pare, magkaibigan lang ba talaga kayo nitong si Aly?" tanong ni Justin.
Sinamaan ko siya ng tingin pero binalewala niya lang ako. Si Enz naman tumawa lang kaya sinamaan ko rin siya ng tingin.
"Seryoso, pare... friends lang talaga?" pag-ulit pa ni Justin.
"Tin!" saway ko. Tumawa siya at nagkibit-balikat lang sa akin.
"Uy! Si Aly namumula!" tukso nina Luke sa akin.
Pati si Ash nakikitukso na rin kaya itinakip ko na lang sa mukha ko ang folder na hawak ko. Hindi pa kami nakakaupo pero gusto ko na agad umuwi. Nakakahiya!
"YIEEE!" singit pa nina Sab, Pam, Mads at Daena.
"Shut up, guys. Please?" nahihiyang pakiusap ko sa mga kaibigan ko. "Kumain na lang tayo, okay?"
I tried to change the topic but I cannot make my friends stop. Malakas ang loob nila na mag-ingay dahil solo namin ang buong place. Medyo maaga pa kasi, siguradong mamaya pa dadami ang tao rito.
"Bakit parang iiniba mo ang usapan, Aly? Akala ko ba friends lang kayo? Wala lang dapat 'to sayo," sabi naman ni Kiel na ngayon lang nagsalita.
Tatawa-tawa pa siya at cool na cool lang siya kahit na kinakantyawan din siya ng mga boys dahil sa sinabi niya.
Pinigilan ko na ang sarili ko na umirap. Hindi ko alam kung bakit napipikon ako sa sinabi niya kahit alam kong wala namang mali ro'n. Barkada naman ang tumutukso sa amin ni Enz at natural lang na makisali siya.
"It's okay. I got this," bulong sa akin ni Enz. Ngumiti siya sa akin bago siya bumaling kay Kiel.
"Yeah, right now we're friends. Pero hindi naman ibig sabihin nun na hanggang do'n na lang, 'di ba?" cool niyang sabi at napalunok na lang ako.
WHAT?!