Chapter 6

2184 Words
Hindi man sabihin ni Tatay, alam kong may iniinda na siyang sakit sa kanyang katawan. Ayaw lang niyang sabihin ito sa akin dahil alam kong ayaw niyang pati ang kalagayan niya ay makadagdag pa sa mga iniisip ko. Ilang beses ko na rin naman siyang tinanong tungkol sa kalagayan niya. Kaya lang, ang sagot niya palagi ay, “ayos ako, wala akong sakit”. Ganyan lagi ang sinasabi niya… kahit halata naman na may kaakiba na talaga siyang nararamdaman. “Celine, nakuha mo ba ang bagong steps natin?” kinalabit ako ni Esmeralda kaya naman natauhan ako. “Kanina ka pa nakatulala d’yan. Wala ka na naman sa sarili.” “Ah,” napakurap ako at bahagyang natawa. “Oo, kuha ko na ang bagong steps. Salamat sa pagtuturo…” “Hay, halika nga rito…” hinila ako ni Esme sa pahabang bakanteng upuan dito sa back stage. “May problema ka, ‘no? Sabihin mo na…” aniya pagkaupo namin. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya dahil totoo ang hinala niya. Kaso, ayoko nang sabihin pa ito sa kanya dahil may sarili rin naman siyang mga problema. Gusto ko na lang sarilinin ang kung ano mang bumabagabag sa akin. Gagawa na lang ako ng paraan para hindi kami mapalayas ni Aling Giselle sa inuupahan namin. Isang linggo lang ang palugit na ibinigay niya. Kailangan ay makahanap ako ng paraan. “W-wala, Esme… ayos lang ako,” humarap ako sa kanya at ngumiti. “Wala naman problema sa bahay. Ayos ang lahat.” “Hindi ako kumbinsido,” seryosong sabi ng pinsan ko. “Alam kong may problema ka na naman. Ayaw mo lang sabihin dahil pakiramdam mo’y nakakaabala ka ng ibang tao.” Napakagat ako sa ibabang labi ko. Para bang alam na alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito. “W-wala talaga, a-ayos lang…” tanggi ko pa rin kahit halata na sa boses ko dahil sa panginginig nito. “Hindi ka marunong magtago ng emosyon, Celine,” napailing si Esme. “Sa tono pa lang ng boses mo, alam kong may mali na. Sabihin mo na sa ‘kin… magkakampi tayo, ‘di ba? Hangga’t kaya ko… tutulungan kita Alam mo 'yan.” Doon na tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Malaki ang pasasalamat ko na nandito si Esme sa tabi ko. May nasasandalan ako sa tuwing may problema ako. Hindi niya ako iniiwan sa mga oras na kailangan ko ng makakapitan. Huminga ako ng malalim bago i-kwento sa kanya ang mga nangyari. “Si Nanay… nilabas ko na siya sa ospital kanina,” umpisa ko. “Balak kong ilipat na siya sa ospital na sangay ng gobyerno at humingi ng tulong sa mga organisasyon. Magbabakasakali ako…” Hinahagod ni Esme ang likuran ko habang nakikinig sa mga sinasabi ko. “A-ayos na sana ang lahat… kaso pagkauwi namin, nandoon si Aling Giselle, naniningil na ng upa sa b-bahay,” pinunasan ko ang aking luha. “Alam k-ko naman na obligasyon kong magbayad sa kanya… at naiintindihan ko kung b-bakit siya galit. Binigyan lang niya ako ng isang linggong palugit para bayaran lahat ng utang ko sa kanya.” “Ilang buwan ka na bang hindi nakakabayad ng renta?” marahang tanong ni Esme. Patuloy lang siya sa paghagod sa likod ko. “Mag a-apat na buwan na,” nagbaba ako ng tingin. “Nagsabay-sabay lang kasi ang lahat ng gastusin sa bahay. Balak ko naman talagang bayaran ang lahat sa susunod na buwan. Kaso… binigyan na lang niya ako ng isang linggo para mabayaran ito.” “Hindi na ba siya pwedeng pakiusapan?” Umuling ako. “Hindi na. Sinubukan ko nang makiusap sa kanya pero buo na ang desisyon niya na isang linggo lang ang ibibigay niya sa akin.” “Magkano ba ang utang mo sa kanya?” “Thirty thousand… hindi pa kasama ang interes doon,” mas lalong bumibigat ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko ang tungkol dito. “Ang laki pala… pero may ipon din ako, hindi nga lang aabot sa ganoong halaga pero pwedeng ipandagdag.” “Naku,” nag angat ako ng tingin kay Esme. “Huwag na. Problema ko ito, Esme. Gagawan ko ng paraan ‘to.” “Paano mo gagawan ng paraan?” tinaasan niya ako ng kilay. “Uutang ka sa ibang tao? Na malaki rin magbigay ng interes? Mas papahirapan mo lang ang sarili mo, Celine. Bayaran mo na lang ako kapag nakaluwag ka na.” “Pero, Esme—” “Pamilya tayo, ‘di ba? At ang pamilya… nagtutulungan.” “Ayoko nang—” Hindi na natapos pa ang sasabihin ko dahil tinawag na kami ng ibang mga kasamahan namin. Magsisimula na kami sa pagsayaw. Hinila na ako ni Esme patayo at sabay na kaming tumungo sa entablado. Marami na ang mga tao paglabas namin. Hiyawan agad ang narinig ko mula sa mga lalaking customer nang makita nila kami. Kulay itim na lace bralette ang suot namin ngayong gabi. Terno nito ang itim na leather skirt at itim na stockings at itim na heels. Makapal din ang make up namin ngayon kumpara sa mga nakaraang gabi. Halos hindi ko na nga makilala ang sarili ko kanina habang pinagmamasdan ko ito sa salamin. Mas lalong lumakas ang sigaw ng mga tao nang magsimula na ang tugtog. Sa harapan pa rin ako naka pwesto kaya naman kita-kita ako ng marami. Kahit na hindi ako kumportable sa suot namin pat isa bago naming sayaw, pinilit ko pa rin ngumiti. Sumunod ako sa saliw ng musika. Dapat ay masanay na ako sa trabaho ko. Marangal naman ito. Ang importante, wala akong tinatapakang tao. Nasa kalagitnaan na kami ng pagsayaw nang mapadako ang mga mata ko sa entrance nitong club. Bumilis kaagad ang t***k ng puso ko nang makita si Damon Marquez na kakapasok lang. Agad siyang napabaling sa ‘kin nang makita akong sumasayaw sa stage, kaya naman mabilis akong nag iwas ng tingin. Nakita kaya niya ako?! At… bakit ba nandito na naman siya?! Hindi ba talaga siya titigil?! Pinilit kong huwag siyang tingnan at ignorahin na lang ang presensya niya. Kaso, bago matapos ang sayaw namin, bumaling ulit ako sa kinaroroonan niya. Nasa may counter na siya, nakaupo mag isa sa mga upuan doon. May mga babaeng tumitingin sa kanya pero walang nagtatangkang lumapit. May hawak siyang baso ng alak, nakapatong ang siko niya sa counter top habang tuwid na nakatingin sa entablado… partikular sa akin. Nakitaan ko pa siya ng nakakalokong ngiti bago ako magbitiw ng tingin sa kanya. Ano na naman ba ang ginagawa ng isang Damon Marquez dito? Nandito ba siya para kumbinsihin na naman akong ibenta ang katawan ko sa kanya? Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na wala siyang mapapala sa akin?! Ang kulit! “Celine! Ang lucky charm ko!” salubong kaagad ni Ma’am Alvira sa akin pagbalik namin sa backstage. Niyakap niya ‘ko na siyang ipinagtaka ko. Kahapon pa niya ako tinatawag na ‘lucky charm’ at hindi ko maintindihan kung bakit. “Sipsip…” bulong ni Janet nang madaanan kami ni Ma’am Alvira. “Hindi talaga ako nagkamali na ilagay ka sa harap, Celine,” bumitiw sa yakap si Ma’am Alvira. “Simula nang magtrabaho ka rito, dumami lalo ang customer ng club.” Naiilang akong ngumiti sa sinabi niya. Nakatingin na kasi ang ibang mga kasamahan ko sa amin, pati na rin si Esme. Ayoko naman na mag isip sila ng kung ano sa mga ipinapakita ni Ma’am Alvira sa akin. Gusto ko sana’y pantay pantay kaming lahat. Isa pa, ako ang pinakabago rito. Ayokong maramdaman ng mga mas nauna sa akin na sinasapawan ko sila. “Ah, salamat po… p-pero… uh… magaling din naman po ang mga kasama ko kaya m-marami ang customer na pumupunta rito.” Ngumiti si Ma’am Alvira at napangiti na lang sa sinabi ko. “Oh siya, sige na… maghanda na kayo sa susunod na sayaw niyo.” Apat na beses kaming sasayaw sa gabing ito. Sa pangalawang sayaw namin, hindi ko na nakita si Damon Marquez. Iniisip ko na baka pumunta lang siya sa banyo dahil nandoon pa rin naman sa counter ang baso niyang may alak. Hindi pa ito nililigpit kaya malamang ay hindi pa siya umuuwi. Kaso, sa pangatlong sayaw namin, wala pa rin siya. Doon na ako nakumbinsi na baka umuwi na nga talaga siya. Pinasadahan ko pa ng tingin ang kabuoan ng club ngunit hindi ko siya nakita. Kaya naman pagsapit sa ika apat naming sayaw, mas naging kumportable na ako dahil wala na siya. Pero… unti-unting napawi ang lakas ng loob ko pagkalipas lang ng ilang minuto. Nakita ko na si Damon Marquez, kakalabas lang niya sa hallway patunong restroom. Nagkatinginan kami kaagad ngunit mabilis din akong nag iwas ng tingin nang makita kong may babaeng nakasunod sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto… kaya siguro siya natagalan. Noong unang beses ko siyang nakilala, may ginawa rin siyang kababalaghan sa restroom noon. Hindi na ako magtataka kung ginawa na naman niya ang bagay na iyon ngayon kasama ang bagong babae. Halata rin naman kasi ang ginawa nila. Magulo ang buhok ni Damon Marquez habang nakabukas ang tatlong butones ng itim niyang longsleeve. Ang babaeng kasama naman niya, mukhang pinipilit lang niyang ayusin ang paglalakad. Natawa ako sa isip ko. Nakakadiri talaga ang Damon Marquez na ‘to. Kung saan-saan na lang talaga? Walang respeto. Palibhasa kasi, maraming pera… iniisip niya na kaya niyang bilhin ang lahat. Kaya naman iniisip niya na kaya rin niya akong bilhin. Kahit kailan, hinding hindi ako magpapasilaw sa pera niya. Hinding hindi! Mabuti na lang at natapos na kami sa gabing ito. Hindi ko na kailangan pang lumabas ulit para makita si Damon Marquez. Dito sa backstage na lang din ako nagbihis dahil hindi naman gano’n kahirap tanggalin ang suot namin ngayong gabi. Tinanggal ko na rin ang make up ko gamit ang wipes dahil hindi ako kumportable. Kagaya naman ng dati, ang mga kasama ko pati si Esme, lumabas sila para makihalubilo kasama ang ibang mga customer. Wala talaga akong balak umalis sa backstage. Dito lang ako hanggang matapos ang shift ko. Kaso, bigla kong naramdaman ang pagbigat ng pantog ko. Naiihi ako! Ayoko pa man din sanang pumunta sa restroom dahil naiisip ko lang ang mga kababalaghang ginagawa ni Damon Marquez doon. Pero, kailangan, eh! Naiihi na talaga ako at hindi ko na kayang tiisin ‘to hanggang pag uwi. Bahala na nga! Kaysa naman sa magkasakit ako. Dali-dali akong tumungo sa restroom. Mabuti na lang at walang tao rito. Sa pinaka huling cubicle ako pumasok. Pagkatapos kong umihi, naghugas muna ako ng kamay. Tiningnan ko rin ang sarili ko sa salamin. Ibang-iba na ito kumpara kanina. Wala na akong make up at tanging asul na t-shirt at lumang pantalon ang suot ko. Naka tsinelas na lang din ako ngayon. Nginitian ko ng mapait ang sarili ko. Mas gusto ko pa rin talaga na ganito ako. Iyong simple lang. “Mas maganda ka kapag ganyan, Celine,” sabi ko sa repleksyon ko sa salamin. “I agree…” Nagulat ako nang may magsalita. Napahawak pa ‘ko sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat. Nilingon ko ang pintuan at nakita si Damon Marquez doon, kumportableng naka sandal sa saradong pinto habang nakahalukipkip. Bakit hindi ko namalayan ang pagpasok niya?! Nakakainis naman. Hindi ko siya pinansin. Dumiretso lang ako sa pintuan pero hinarangan niya ito. Walang gana akong tumingin sa kanya. “Umalis ka d’yan, lalabas na ko.” “Ahh, Celine Ignacia…” natatawa siyang umiling sabay lagay ng mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng kanyang slacks. “I caught you staring at me several times earlier. I know you’re interested in me, as well. Ayaw mo lang aminin.” “Ang kapal ng mukha mo,” sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi ako interesado sa ‘yo!” “Hmm? Really?” yumuko siya ng kaonti para mag lebel ang mukha namin. “Ako… interesado sa ‘yo. Paano ba ‘yan?” May kakaiba akong naramdaman sa dibdib ko pero hindi ko iyon pinansin. Parang may pumitik dito kaya bigla na lang akong kinabahan. “Alam kong katawan ko lang ang pakay mo. At inuulit ko sa ‘yo, wala—” “Wala akong mapapala sa ‘yo,” tumawa siya at tumuwid ng tayo. “I know that. Pero gaya ng sabi ko, nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. Kaya paano ka nakakasiguradong wala nga akong mapapala sa ‘yo? Hmm?” “Ang dami namang babae d’yan, ‘di ba? Huwag na ako! Marami na akong problema sa buhay at huwag ka nang dumagdag pa!” “You can’t escape now. Walang nakakatakas sa isang Damon Marquez.” Hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti sa labi niya. “Napakayabang mo!” singhal ko sa kanya. “I find you more exciting…” hinawakan niya ang pisngi ko. Mabilis kong tinabing ang kamay niyang nakahawak doon. “You’re hard to get… but I know you’re worth it.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD