Chapter 7

2452 Words
“Hinding hindi ako bibigay sa ‘yo, Damon Marquez!” matapang kong sabi. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko. “Itaga mo ‘yan sa bato! Hinding hindi ako maaakit ng pera mo!” “Hmm…” ngumisi siya. “Huwag kang magsalita ng tapos… baka mabusog ka sa mga sinasabi mo.” Mas lalo akong nairita sa sinabi niya. Aamba sana ako ng isang sampal pero mabilis niyang nahuli ang kaliwang kamay ko. Pinagpalit niya ang pwesto namin. Ako na ngayon ang nakasandal sa saradong pintuan. Mas lalo tuloy akong kinabahan pero hindi ko iyon ipinahalata kay Damon Marquez. “Gustong gusto ko talaga ang pagiging palaban mo.” Pinako niya ang kamay kong hawak niya sa ibabaw ng ulo ko. “Mas lalo akong naaakit… at ginaganahang angkinin ka.” “Arogante! Bastos!” sigaw ko sa mukha niya. “Bitawan mo ‘ko!” “Paano ka kaya sa kama, Celine Ignacia? Palaban ka rin kaya?” hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya. “Bastos ka! Bitawan mo ‘ko sabi, eh!” piglas ko. Sinubukan kong bawiin ang kamay kong hawak niya pero hindi ako nagtagumpay. Itutulak ko sana siya gamit ang isang kamay ko pero maging iyon ay hinawakan din niya at ipinako sa ibabaw ng ulo ko. “Ang sarap mo sigurong itali sa kama…” bulong niya sa kanang tainga ko. “I’m fcking turned on now.” Magpupumiglas sana ulit ako pero hindi ko na iyon nagawa dahil idinikit na ni Damon Marquez ang katawan niya sa akin. Na-estatwa ako sa biglaang pagdampi ng balat niya sa balat ko. Mas lalo tuloy kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung nararamdaman ba niya iyon dahil magkalapit na kami ngayon. “You’re nervous now, I can feel it…” mas lalong dumiin ang katawan niya sa akin. Ramdam ko na siya sa aking tiyan. Hindi ako maaaring magkamali! Tama ang tinutukoy niya na… “Fck… I’m really turned on.” “Lumayo k-ka sa ‘kin,” gumalaw ako pero mas lalo ko lang siyang naramdaman. “You’re affected, I know… damn it… I want to fck you now. Huwag ka na kasing magpakipot.” Mas lalo pa niyang ipinaramdam ang kanya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang tigas nito. Napalunok ako. Wala pa akong karanasan sa ganitong bagay at nakakatakot na ang una ko ay si Damon Marquez. Marahas siya… halata naman iyon sa kilos niya. At… hindi ko alam kung kakayanin ko ba iyon kapag nagkataon. Teka! Bakit ko nga ba iniisip na gagawin ko ang bagay na iyon kasama siya? Nababaliw na yata ako! Hindi na maganda ito! Masyado nang nadudumihan ni Damon Marquez ang utak ko kaya kung anu-ano na lang ang naiisip ko. Ilang pagpupumiglas pa ang ginawa ko hanggang sa siya na mismo ang lumayo sa akin. Hindi naman ako tumakbo o ano pero sobrang hingal na hingal ako ngayon. Natatawang humakbang paurong si Damon Marquez habang umiiling. May nakakalokong ngiti pa rin sa kanyang labi. Tila ba nag e-enjoy siyang makita ang reaksyon ko ngayon. “Malakas ang self-control mo, huh? Ganyan ka ba sa mga customer mo? Nagpapakipot muna? Pinapasabik mo muna sila para mas panggigilan ka nila?” “Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na… hindi nga ako katulad ng iniisip mo. Hindi ako bayaran! Kaya wala kang mapapala sa akin dahil hinding hindi mo mabibili ang katawan ko!” “Hmm,” tumango-tango siya pero halata naman na hindi siya kumbinsido sa sinasabi ko. Kahit yata anong sabihin ko sa kanya, hindi siya maniniwala. Mukhang sigurado talaga siya na ganoon nga ako… isang bayarang babae. “Alam ko ang mga katulad mo, Celine. Sa club na ito ka nag ta-trabaho at sa paraan ng pagsasayaw niyo, hindi ako bulag para hindi isipin na hindi ka bayaran.” “Wala akong pakealam sa iniisip mo!” Sana, nakakamatay na lang ang tingin para kanina pa siya nakahandusay rito! “You need money, right? Kapag pumayag ka sa gusto kong mangyari, hindi ka na mamomroblema sa pera kahit kailan.” “Hindi lahat ng bagay nasosolusyunan ng pera!” “Talaga ba?” halakhak niya at pinagkrus ang kamay sa dibdib niya. “Paano ang problema sa pagpapagamot sa Nanay mo? Hindi ba’t… pera ang solusyon do’n? Hmm?” Hindi ako nakasagot. Matalim na tingin lang ang ginawad ko sa kanya. “Your pride won’t lead you anywhere, Celine Ignacia…” “Wala kang alam sa buhay ko. Wala kang alam s-sa mga pinagdadaanan ko!” “At wala akong balak alamin kung anoman ang pinagdadaanan mo. All I want is your body… nothing more,” aniya. “Pareho naman tayong makikinabang sa alok ko. Walang talo rito.” “Alam mo, Damon Marquez, gamitin mo na lang ‘yang pera mo para ayusin ang masahol mong ugali!” Singhal ko pagkatapos ay lumabas na ng restroom. Malalaking hakbang ang ginawa ko hanggang sa makabalik ako sa backstage. Ano pa kaya ang dapat kong gawin at sabihin para lang tigilan na ako ng Damon Marquez na iyon? Kung magsumbong na lang kaya ako sa pulis? Pwede… pero ano naman ang sasabihin ko kung sakali? Na ginugulo niya ako? Kaso, dagdag gastos na naman iyon at maraming proseso. Isa pa, makapangyarihan si Damon Marquez kaya baka wala ring saysay kung ireklamo ko siya. Baka baliktarin pa niya ang sitwasyon at palabasin na ako ang naghahabol sa kanya. “Oh, Celine, saan ka nanggaling?” tanong ni Esme pagdating ko sa backstage. Nakabalik na pala sila rito. Ako na lang ang wala. “Ah, galing ako sa banyo. Umihi lang.” “Gano’n ba? Kakagaling lang ni Ma’am Alvira rito. Ang sabi niya, pwede na raw tayong umuwi.” “Talaga ba?” tiningnan ko ang orasan ko. May kalahating oras pang natitira bago matapos ang shift namin. “Hindi pa tapos ang shift natin.” “Oo, pero mukang good mood si Ma’am ngayon. Hayaan mo na! Mas ayos nga ‘yon, ‘di ba? Makakauwi tayo ng maaga… makakapagpahinga na tayo. Pagod na rin ako, eh,” ani Esme habang hinihilot ang kanyang batok. “Sige, umuwi na tayo.” Niligpit na muna namin ni Esme ang mga gamit namin at sabay na kaming umuwi. Nauna siyang nakasakay kaysa sa ‘kin dahil palagi siyang nag ta-taxi. Ako naman, mas pinipili kong mag jeep dahil mas malaki ang natitipid ko. Ang problema nga lang, medyo bihira na ang pagdaan ng jeep dito sa club sa ganitong oras. Minsan, halos bente minutos ang lumilipas bago ako makasakay. Napangiti ako nang makitang may paparating nang jeep… ngunit napawi ang ngiti ko nang may itim na magarang kotse na tumigil sa tapat ko. Bumukas kaagad ang bintana mula sa driver’s seat at ang nakangising mukha ni Damon Marquez ang tumambad sa ‘kin. Ano na naman ang kaliangan ng lalaking ito?! Lumipat ako ng pwesto para sana ipara na ang jeep na paparating pero mukhang hindi ako nakita ng driver dahil nilampasan lang niya ako. Nakakainis naman! Kung bakit ba kasi nakaharang ang kotse ng Damon Marquez na ‘to rito! Pati ba daan pag-aari na rin niya ngayon? “Sumabay ka na sa ‘kin,” aniya habang umuurong ang sasakyan niya. Hindi ko siya pinansin. Naglakad lang ako habang siya naman ay patuloy lang sa pag-urong ng sasakyan niya. Naiirita na talaga ako, ah! “Come on, I’ll take you home. Pangako… hindi kita guguluhin tungkol sa…” hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil sinamaan ko siya ng tingin. “Tara na. I’m harmless, you know.” “Talaga ba?” natawa akong sarkastiko. “Okay, let’s make a deal. Pero pwede tumigil ka muna sa paglalakad?” Bumuntonghininga ako at tumigil na sa paglalakad. Mukhang wala talaga siyang balak tantanan ako. “Ano?” walang gana kong tanong sa kanya. “Sasabay ka sa ‘kin. Pagkatapos no’n… pangako, hindi na kita kukulitin. I won’t bother you… ever.” Pinanliitan ko siya ng mata. “Paano ako nakakasigurado na titigilan mo na nga ako?” puno ng pagdududang tanong ko. “I’m a business man… may isang salita ako,” sagot niya. “At… sa pag uusap natin kanina, naisip ko na wala nga talaga akong mapapala sa ‘yo. So, this is the last time. Hayaan mo ‘kong ihatid ka, pagkatapos titigilan na kita.” “Sigurado ka ba d’yan? Baka mamaya—” “I promise. Kahit anino ko, hindi mo na makikita sa club. Hindi na ako pupunta roon.” Mukhang seyroso naman siya sa mga sinasabi niya. Kaya… “Sige. Basta’t titigilan mo na ‘ko.” “Yeah, you have my word.” Huminga ako ng malalim at sumakay na sa kotse niya. Sinabi ko na rin sa kanya kung saan niya ako dapat ihatid. Ito na ang huli, ‘di ba? Pagkatapos nito, hindi na niya ako kukulitin. Kaya pagbibigyan ko na siya dahil ito na ang huli. “Siguraduhin mo lang…” sambit ko kay Damon Marquez pagpasok ko sa loob ng sasakyan. “Kapag ginulo mo pa ako, magsusumbong na ako sa pulis,” banta ko. “Hindi mo na kailangan gawin ‘yan dahil hindi na ‘ko magpapakita sa ‘yo,” tumawa siya ng kaonti. “Besides, I’m a busy man. Marami akong trabaho…” “Ah, talaga? Akala ko kasi ang alam mo lang gawin, sirain ang araw ko.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin ang mga salitang iyon. “Oh, Celine Ignacia…” mas lalong lumakas ang tawa niya. “You’re really interesting, huh? But, anyway… I give up this chase. Wala naman akong mapapala sa 'yo. I don’t wanna waste my time anymore.” “Talagang wala kang mapapala.” “Sayang, ang dami ko pa naman sanang gusting gawin sa ‘yo,” patuloy lang siya sa paghalakhak. “Ganyan ka ba talaga ka bastos? ‘Yan lang ang laging nasa isip mo?” humalukipkip ako at binaling na lang sa bintana ang atensyon ko. “Before, not really… but after I met you, yeah.” Hindi na ‘ko sumagot. Ayoko nang makipag usap sa lalaking ito. Tahimik na kaming dalawa hanggang sa may namataan akong isang fast food chain. Bigla kong naalala si Anna. Oo nga pala, hiniling niya noong isang araw sa akin na gusto niya ng manok mula rito. Alanganin kong nilingon si Damon Marquez, na ngayo’y seryoso nang nakatitig sa daan habang nagmamaneho. “Uh…” tikhim ko. “Pwede mo na pala akong ibaba sa fast food na ‘yan” sambit ko habang papalapit kami rito. “Why? Are you hungry?” mabilis niya ‘kong sinulyapan. Bumagal rin ang takbo ng sasakyan. “Hindi. Uhh… may bibilhin lang ako para sa kapatid ko. Ibaba mo na ‘ko.” Imbes na ibaba ako, niliko niya ang sasakyan patungo sa drive-thru section. “Huy, bababa na lang ako. Hindi na kailangan. Malapit na rin naman ang sa ‘min dito.” Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Binuksan lang niya ang bintana niya pagkatapos ang nilingon ako. “Anong bibilhin mo?” “Yung chicken, isang piraso.” Kumunot ang noo niya at napailing. “One bucket of chicken and…” muli siyang tumingin sa akin. “…ano pang gusto mo?” “Teka lang, isang piraso lang ang sabi ko, hindi isang bucket. Ang mahal n’yan, eh.” Bumaling ulit si Damon Marquez sa kabilang banda niya para magdagdag ng order. “Or actualy… make it two, thanks.” Iyon lang ang sinabi niya pagkatapos ay pinaandar na niya ulit ang sasakyan. Nataranta ako at kaagad na naghanap ng pera sa bag ko. Bakit dalawa ang in-order niya?! Isang bucket nga lang hindi ko na kayang bayaran… tapos ginawa pa niyang dalawa? Inaasar yata talaga ako ng Damon Marquez na ito! Labag man sa loob ko, hinugot ko ang natitirang isang libo sa wallet ko. “Bayad ko…” “Don’t worry about it. Ako na,” ngumit siya pagkatapos ay inabot ang card niya sa cashier. “Pero—” “It’s okay,” kinuha niya ang dalawang plastic bag na may lamang tig isang chicken bucket pagkatapos ay inabot ang mga ‘yon sa akin. “Kunin mo na ‘tontg isang libo, bayad ko…” nagbaba ako ng tingin sa mga plastic bag na hawak ko. “Tsaka ang dami ng mga ‘to. Iuwi mo na ang isa.” “Sa ‘yo lahat ng ‘yan. I live alone… hindi rin mauubos ‘yan. Sayang lang.” Nag-iwas siya ng tingin at muli nang pinaandar ang sasakyan niya patungo sa kalsada. “Oh… kunin mo na lang ‘yung bayad ko. Sige na…” pilit ko sabay lahad ng isang libo sa kanya. Hindi niya ako nilingon. Diretso lang ang tingin niya sa daan. “Huwag na. Pambawi ko na ‘yan sa pangungulit ko sa ‘yo nitong mga nakaraang araw.” May himala ba talagang nangyari? Bakit parang nawala na ang arogante at bastos na Damon Marquez na nakausap ko kanina sa restroom? “Bumait ka bigla…” dapat sa isip ko lang iyon sasabihin pero hindi ko alam na naibulalas ko pala iyon ng malakas. Napatakip tuloy ako ng bibig. “This is the last time, right? So… I should be good.” “S-salamat,” kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ako makaapaniwala na sinasabi ko ang salitang ito ngayon sa kanya. Ilang sandali pa ang lumipas ay nakarating na kami sa lugar namin. Hindi na ako nagpahatid hanggang sa tapat ng bahay namin dahil masikip ang daan papunta roon. Baka magasgasan lang ang kotse niya. “Dito na lang ako, salamat. Tsaka salamat din sa mga ‘to,” sabay pakita sa mga dala ko. “No problem.” Bababa na sana ako pero nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko. Napatingin ako sa kanya. “Bakit?” tanong ko. “Uh…” may hinugot siya sa bulsa ng kanyang slacks. “Here’s my calling card. Keep it…” “Huh?” tiningnan ko lang ang calling card niya. “Ba’t kailangan pa n’yan? Eh, hindi na rin naman tayo magkikita.” “Just… just keep it. Baka kailanganin mo balang araw.” Nagkibit balikat na lang ako. Kinuha ko ang calling card niya at isiniksik iyon sa body bag ko. “Sige, bababa na ‘ko. Salamat ulit. At ‘yung usapan natin, ha? Titigilan mo na ‘ko.” “Yeah… promise,” ngiti niya sabay kindat sa akin. Napailing na lang ako at tuluyan nang bumaba sa sasakyan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD