Chapter 13

2450 Words

“Dito na lang ako,” sambit ko kay Amos nang makarating kami sa tapat ng eskinitang papasok sa bahay namin. “Maraming salamat sa paghatid. Pasensya na, naabala pa kita.” “It’s okay, Celine…” aniya. Ngayon lang kami nakapag-usap dahil habang nasa biyahe kami kanina, tahimik lang ako. Ang dami kasing tumatakbo sa isipan ko. Nag-aalala ako kay Anna. Gusto kong pagalita ang sarili ko dahil, sa sobrang abala ko sa trabaho at ibang bagay, hindi ko na masyadong naaasikaso ang mga kapatid ko. Hindi ko na inaalam kung ayos pa ba sila o hindi. Iyon ang pagkukulang ko bilang Ate. Pagkalabas ko ng sasakyan ay siya ring paglabas ni Amos. Napatingin ako sa kanya, nagtataka. “Ba’t bumaba ka pa? Ayos na ako rito. Pwede ka nang umalis. Lalakarin ko na lang ang daan na ‘to papunta sa bahay namin,” sabay t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD