Chapter 8

2420 Words
Totoo nga ang sinabi ni Damon Marquez. Hindi na siya nagpakita sa akin sa paglipas ng mga araw. Malaki ang pasasalamat ko dahil tinupad niya ang usapan naming iyon. Kahit papaano pala, totoong may isang salita siya. Mabuti na lang din at natauhan siya. Talaga namang wala siyang mapapala sa akin kahit na anong gawin niya. Nagsasayang lang siya ng oras. Dapat ay maghanap na lang siya ng ibabang babae na game din sa mga gusto niyang mangyari. Sugurado naman akong madali lang sa kanya ang bagay na iyon. Mabuti na lang at hindi ko na kailangan pang isipin ang tungkol doon. Sa ngayon, ang pinaka pinoproblema ko ay ang paghahanap ng bayad sa renta ng bahay. Labag man talaga sa loob ko pero tinanggap ko ang perang ipinapahiram ni Esmeralda sa akin. Kahit na papaano’y malaking tulong din talaga iyon para makabawas sa mga kailangan ko. Pinangako ko naman sa pinsan ko na babayaran ko kaagad siya kapag nakapag ipon na ulit ako. Para may maipandagdag pa, kinuha ko kay Ma’am Alvira ang dalawang buwang sahod ko. Nakakakahiya man dahil bago pa lang ako sa trabaho pero kinapalan ko na ang mukha ko at nilakasan ang loob ko. Mabuti na lang din at pumayag siya. Wala akong narinig na kahit anong salita sa kanya. Malaki ang pasasalamat ko na siya ang naging boss ko. Ilang libo na lang ang kailangan ko ngayon para mabuo ko na ang pangbayad sa bahay. “Anak…” natigilan ako sa paghuhugas ng mga plato nang lapitan ako ni Tatay. “Ako nang maghuhugas d’yan.” Nilingon ko saglit si Tatay bago magpatuloy sa ginagawa. “Hindi na, Tay. Konti lang naman ang mga ‘to. Tsaka patapos na ‘ko…” sabay pakita ko sa pinakahuling pinggan na nililinisan ko. Napabuntong hininga nalang si Tatay sa sinabi ko. “Mag pahinga ka na pagkatapos mo riyan. Wala ka pang tulog simula nang umuwi ka kaninang madaling araw. Baka ang katawan mo naman ang bumagsak n’yan.” “Tay, malakas po ako. Hindi ako tinatablan ng sakit. Baka ang sakit pa ang matakot sa ‘kin,” biro ko. “Ikaw talaga,” natawa rin siya at napailing. “Siya nga pala… nakabale na rin ako sa trabaho. Nakuha ko na ang buong sweldo ko ngayong buwan. Magkano pa ba ang kulang para mabayaran na natin si Giselle?” Inilahad ni Tatay ang isang kulay brown na envelope -- kung nasaan ang sahod niya. “Huwag niyo na pong isipin ang tungkol do’n,” sinarado ko na ang gripo at isinakob ang mga pinggan at baso sa lalagyan. Hinarap ko si Tatay. “Gamitin na lang po natin ang mga ‘yan para sa gastusin dito sa bahay. Ako na pong bahala sa renta.” “Pero—” Hinawakan ko ang kamay niya at ibinaba ang sobreng nakalahad. “Tay, ilang libo na lang naman ang kulang. Madali na lang solusyonan iyon. Pambili na lang po natin ng pagkain ‘yan at pambayad na rin sa kuryente at tubig.” “Oh, siya sige, anak…” hinawakan na rin ni Tatay ang mga kamay ko. “Napaka responsable mo talagang bata, Celine. Hayaan mo, anak, mag iipon talaga ako para makapag aral ka ng kolehiyo. Alam kong ‘yon ang pangarap mo sa buhay… ang makapagtapos ka ng pag-aaral.” Napangiti ako sa aking narinig. “Gusto kong makita kang umaakyat sa entablado habang kinukuha ang diploma mo. Pangarap ‘kong makita iyon bago ako mamatay…” Natigilan ako sa sinabi ni Tatay. Marinig ko palang ang tungkol doon, hindi ko na kaya. “Tay, huwag mo ngang sabihin ‘yan. Pangako, makikita mo ako na ga-graduate ng college. Kayo ni Nanay… makikita niyo ako. Hahaba pa ang buhay niyng dalawa. Sigurado ako d’yan.” Ang pinaka kinakatakutan ko sa buhay ko ay ang mawala si Nanay at Tatay. Sila ang dahilan, pati na rin si Michael at Anna, kung bakit pinagbubutihan ko ang trabaho ko. Kahit na kapos kami at mahirap ang buhay, ayos lang. Ang importante ay buo kami. Kaya naman sinisikap ko talagang ipagamot si Nanay dahil ang gusto kong kumpleto kami. Pagsapit ng gabi, ganoon pa rin sa club, marami pa rin ang mga customer at karamihan ay mga lalaki. Mas lalo kong pagbubutihan ang pagsasayaw ko ngayong gabi para magkaroon kami ng maraming tip. Isang araw na lang kasi ang natitira bago sumapit ang palugit na sinabi ni Aling Giselle sa akin. Limang libo na lang naman ang kulang. Kaya kung pagiigihan ko ang trabaho ko ngayon, malaki ang tsansa na mabubuo ko na ang mga kailangan ko.  At tama nga… mukhang nakaayon ang swerte sa akin sa gabing ito. Karamihan sa mga customer ay naghagis ng pera sa entablado. Ibig sabihin no’n nagustuhan talaga nila ang naging sayaw namin. Pagkatapos ng pinakahuling performance namin, pinaghati-hatian na namin ang tip na nakuha namin. Ang limampung porsyento ay napunta kay Ma’am Alvira. Hati-hati naman kami sa natitirang kalahating porsyento. Tig da-dalawang libo ang nakuha namin, kaming anim sa grupo. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga ito. Tatlong libo na lang ang kailangan ko, mabubuo na ang bayad sa renta. Hindi kagaya ng nakasanayan ko na magbibihis kaagad pagkatapos ng sayaw namin, hindi muna ako nagpalit ngayon. Dahil na rin sa maganda ang mood ko, napagpasyahan kong sumama kay Esme pati na rin sa iba para makihalubilo sa mga customer. Hindi ako sanay sa ganito, pero ayon sa pinsan ko, mababait naman ang mga nakakausap nila. At kung sakali man na hindi ako kumportable, sa mga sinasabi at pinapakita nila, pwede naman akong hindi na makihalo. Sobrang lakas ng tugtog paglabas namin. Tapos na ang lahat ng performance ngayong gabi kaya puro tugtog na lang ang naririnig. Hindi ako sanay. Parang mabibingi ako. Maging ang dibdib ko ay sumasabay sa bawat malakas na kabog ng musika. Hindi rin gano’n kaliwanag dahil wala nang ilaw sa entablado ngayon. Ang bawat mesang nadadaanan namin ay puno ng tawanan. “Doon sa counter…” ani Esme pero hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil sobrang lakas ng tugtog at tawanan ng mga customer. “Ha?” “Ang sabi ko, doon tayo sa may counter!” do'n ko lang narinig ang boses niya dahil nilakasan niya ito. Hinila niya ako patungong counter. Kaming dalawa lang ang mgakasama ngayon dahil ang iba ay nakihalo na sa mga customer. Mabuti na lang at may dalawang bakanteng upuan pa sa may counter. Nasa may bandang dulo rin ito, malapit sa hallway putungong restroom. Doon kami pumwesto ni Esme. “Dito na lang tayo. Huwag na tayong makihalubilo sa iba dahil baka hindi ka kumportable,” bulong ng pinsan ko. Napatango na lang ako at hinarap ang hanay ng mga tao na nagsasaya. Mabuti pa sila, mukhang walang dinadalang mga problema. Simula nang magtrabaho ako dito sa club, maraming bagay akong napagtanto sa buhay. Doon ko napatunayan na hindi talaga lahat ng tao ay pantay-pantay. Mayroon talagang mga nakakaangat… mga taong mamaliitin ka. Kagaya na lang ni Damon Marquez. Napakurap ako at napailing kaagad sa naisip. Bakit ba sumagi na naman sa isip ko ang pangalan ng lalaking iyon? Hindi ko na dapat siya inaalala dahil hindi na rin naman kami magkikita kahit kailan. Wala na kaming dapat pang pag-usapan dahil una sa lahat… wala naman talaga. Hindi na kami magkakaroon pa ng koneksyon. “Order tayo ng maiinom. Anong gusto mo?” tanong ni Esme. “Naku, alam mo namang hindi ako umiinom, ‘di ba?” baling ko sa kanya. “Sinabi ko bang alak ang o-orderin ko sa 'yo?” pailing-iling niyang sabi habang nililingon ako. “Alam ko naman na hindi ka umiinom. Iced tea ang order ko sa ‘yo… sa ‘kin naman, isang bote ng beer.” “Gastos lang ‘yan. Huwag na,” binalik ko ang tingin sa mga customer na nagtatawanan. “Para namang ang mahal ng order natin, eh hindi naman aabot ‘yon sa isbang libo. Isa pa… patikimin mo naman ang sarili mo sa mga kinikita mo. Huwag puro gastusin ang iniisp mo.” Bago pa ako makapagsalita ulit, naka order na si Esme. Isang buntonghininga na lang ang naging sagot ko. “Libre ko na ‘yon, huwag kang mag-alala,” tawa pa niya. “Ako nang magbabayad nung sa ‘kin…” “Hindi na. Libre ko na. Tutal, ito naman ang unang pagkakataon na lumabas ka. Kaya i-celebrate natin ‘yan!” “Sa susunod… ako naman ang manlilibre sa ‘yo.” “Sige, aasahan ko ‘yan!” aniya at pabirong kinurot ang tagiliran ko. “Pero teka lang, ha… naiihi ako. Ihi lang ako saglit. D’yan ka lang. Hintayin mo order natin.” “Okay…” Pagkaalis ni Esme, may isang lalaking lumapit sa akin. Galing siya sa mesa na may anim na lalaki at dalawang babae, mukhang magkakaibigan sila. Mabilis akong napatingin sa kanya, halos kasing edad ko lang yata siya. Base sa ayos niya ngayon, mukhang nakainom na siya. Magulo ang buhok niya at manumula na ang pisngi at mga mata niya. Halata rin na maging ang mga kasama niya ay lasing na dahil puno na ng tawanan ang mesa nila. Marami ring bote ng alak ang nakabukas doon. “Hi… miss, taken ka ba…” tawa ng lalaki sabay kamot sa batok niya. “I mean, is this seat taken?” sabay turo sa upuan ni Esme. “Uhh…” napaayos ako ng upo at hindi ipinahalata na nagulat ako sa biglaan niyang paglapit. “Oo.” “S-sayang,” napailing siya na para bang dismayado talaga. “Gusto pa naman sana kitang makatabi.” Hindi ako umimik. Dumating na ang in-order ni Esme kaya doon ko na lang binaling ang atensyon ko. Kinuha ko ang iced tea at ininom ito. “Pwede bang dito muna ako habang wala pa ang kasama mo?” tanong niya pero umupo na rin naman sa upuan ni Esme kahit wala pa akong sinasabi. Tiningnan ko ang hallway patungo sa restroom. Ang tagal naman ng pinsan ko. Marami sigurong tao. Bigla ko tuloy naisip… bakit kapag nandoon si Damon Marquez sa restroom ng mga babae, walang pumapasok doon? Ilang beses nang nangyari iyon, ah? Teka nga… ba’t ba naisip ko na naman siya ngayon? “Hey,” hinawakan ng lalaki ang balikat ko kaya nagulat ako. “You work here, right?” Binalingan ko siya ng tingin. Ang mga mata niya at tutok na tutok sa katawan ko, lalong lalo na sa dibdib at ibabang parte. Bago na naman ang suot namin ngayon. Kulay pulang dress na may ekis sa bandang itaas ng dibdib. Hapit na hapit ito sa akin, kaya mas na de-depina ang dibdib ko pati na rin ang katawan ko. Medyo maiksi rin ito, hanggang sa ibabaw ng tuhod. Lalong umiiksi kapag nakaupo ako. Pasimple kong inilayo ang upuan ko sa lalaki. Ayokong makipag usap sa kanya dahil hindi ako kumportable. Pero kahit na lumayo na ako, nakahawak pa rin siya sa balikat ko. “Ba’t hindi ka nagsasalita?” Umiling ako. Nilapag ko ang hawak kong iced tea sa counter top. “Arte mo, ah?” medyo dumiin na ang hawak niya sa balikat ko. “Nag ta-trabaho ka rito, ‘di ba? Bayaran ka… at customer ako. Kaya dapat, sinasagot mo ako.” Heto na naman… ang mga lalaki at ang tingin nila na bayaran ako. Wala siyang pinagkaiba kay… “Hindi po ako bayaran. Dancer ako rito… pero hindi ako bayaran,” kalmado kong sabi. “Gano’n din ‘yon. Ang arte mo. Babayaran naman kita, ah? Magkano ka sa isang gabi?” “Hindi nga ako—” “Humarap ka sa ‘kin kapag nagsasalita ka. Ang bastos mo…” pwersahan niya akong iniharap sa kanya. Napaigtad ako at napahawak pa sa counter dahil muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko. “Kung makapag inarte ka… bakit virgin ka pa ba, ha? Tirahin kita rito, halika…” “Ano ba…” hinawi ko ang kamay niya. Medyo humina na ng kaunti ang tugtog kaya naman napapatingin na ang iba sa banda namin. “Palaban ka, huh… tingnan natin kung papalag ka pa.” Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang dibdib ko. Napatayo ako sa sobrang gulat at hindi makapaniwalang napatingin sa lalaki. Sa buong buhay ko, ito ang unang beses na may humawak sa akin sa parting iyon! “Bastos—” Bago ko pa amn masampal ang lalaki, may humigit na sa kanya at sinuntok siya sa mukha. Sobrang bilis lang ng pangyayari. Nakahandusay na ngayon ang lalaki sa sahig. Humina na rin ang tugtog dahil sa komosyon. Pinagmasdan ko kung sino ang sumuntok sa kanya. Si Damon Marquez… Bakit siya nandito ngayon? “Celine…” agad akong nilapitan ni Esme nang makita ako. “Anong nangyari?” Hindi ako nakasagot. Kay Damon Marquez lang nakatutok ang mga mata ko. Napakaseryso ng mukha niya ngayon. Matalim ang tingin niya sa lalaking humawak sa akin. Para bang pinipigilan lang niya ang sarili niya pero kaya niyang makapanakit ng tao, na higit pa sa iniisip ko. “Boss…” anang lalaki kay Damon Marquez na siyang ipinagtaka ko. “Hindi—” Natigilan ang lalaki nang higitin siya ulit ni Damon Marquez. Sinuntok niya ulit ito sa sikmura. Ang ibang mga customer ay nakatingin lang. Walang nangtangkang pumigil sa kanila dahil mukhang natatakot rin sila. Isa pa, mukhang kilala rin nila si Damon Marquez… at alam nila ang mga bagay na maaari niyang gawin. Kaya naman siguro wala nang pumupigil sa kanya ngayon. “You are fcking fired…” walang emosyong sabi ni Damon Marquez sa duguang lalaki. Ibig sabihin… empleyado niya ang lalaking ito?! “P-pero…” Sinipa ni Damon Marquez ang lalaki sa sikmura kaya naman mas napadaing pa siya lalo. Nag-angat siya ng tingin pagkatapos ay nagtagpo ang mga mata namin. Kinabahan ako bigla, lalo na nang hawakan niya ang kamay ko. Hinila niya ako palapit sa kanya. Dala ng gulat at panghihina dahil sa bilis ng mga pangyayari, hindi na ako nakapag protesta pa. “Teka… anong…” litong-litong sabi ni Esme. “S-saan mo dadalhin ang pinsan ko?” “Walang susunod sa amin,” sambit ni Damon Marquez sa lahat. Napayuko na lang ako, hindi na alam kung ano pa ang dapat isipin. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay dahil sa nangyari sa akin ngayon. “Teka! Ang pinsan ko!” iyon ang huling narinig ko mula kay Esme bago kami makalabas ng club.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD