Chapter 2

2431 Words
Hingal na hingal ako nang tuluyan ng makaalis si Damon Marquez. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sobrang lakas ng kabog nito. Malinaw kong naririnig ang bawat t***k ng puso ko. Wala namang halong pagbabanta ang mga sinabi niya pero natatakot pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit! Para bang sigurado siya na balang araw ay lalapit ako sa kanya at magmamakaawa na gawin ang bagay na iyon sa ‘kin. Alam ko sa sarili ko na hindi mangagayri ‘yon. Pero, ewan ko ba! Nakakatakot talaga ang Damon Marquez na ‘yon. Sisiguraduhin ko na hinding-hindi ako mabibili ng pera niya. Kahit na anong mangyari ay hindi ako lalapit sa kanya. Paninindigan ko ang desisyon ko. Kahit na magpaulan pa siya ng pera ay hindi pa rin niya mababago ang isip ko. Bumukas ang ilaw kaya naman natigilan ako. Medyo naningkit pa ng kaonti ang mga mata ko dahil nasilaw ako sa liwanag. “Oh, Celine, ba’t nandito ka?” nagtatakang tanong ni Ma’am Alvira nang makita akong nakatayo dito sa dulo ng backstage. “Ah-h, ano po, Ma’am… nagkagulo sa l-labas kaya naman pumasok na lang po ako ulit dito. Hindi po ako sanay sa maingay, eh.” “Hay, naku! Hindi ka man lang namulot sa mga perang pinamigay ni Damon Marquez?” Napalunok ako ng marinig na naman ang pangalan na iyon. “Hindi po.” “Ay, sayang naman! Ako ang dami kong nakuha,” tawa ni Ma’am Alvira sabay pakita ng mga perang hawak niya. Pinaypayan niya ang kanyang sarili gamit ang mga ito. “Akala ko nga’y bokya tayo ngayong gabi. Aba’t mukhang hulog ng langit si Damon Marquez. Sana ay bumalik pa siya dito bukas!” Sana hindi… sigaw ng utak ko. Sana ay huwag nang bumalik pa ang lalaking ‘yun dito. Sana ay tigilan na niya ang pangungulit sa akin. Bakit ba kasi niya pinag-aaksayahan ng oras ang isang babaeng tulad ko? Bakit? Naapakan ko ba ang pagiging lalaki niya nang sabihin kong hindi ko binibenta ang sarili ko? Na-insulto ba siya dahil hindi niya nakuha ang gusto niya? Sana ay huwag na niyang abalahin pa ang sarili niya sa pagbalik dito dahil wala siyang mapapala sa ‘kin. Kahit kailan ay wala. “Celine! Ba’t ka pumasok dito? Hindi ka tuloy nakakuha ng pera,” sambit ni Esmeralda pagpasok niya dito sa backstage. Nakasunod sa kanya ang ibang mga kasamahan namin. Lahat sila ay tuwang tuwa dahil sa dami ng mga salaping napulot nila. Ngintian ko lang ng tipid ang pinsan ko. “Hayaan mo, hahatian kita sa nakuha ko…” lumapit siya sa ‘kin habang binibilang ang mga perang hawak niya. “Bente mil ‘to. Ano, tig sampu tayo?” “Naku, huwag na, Esme. Sayo ang mga ‘yan. Pang dagdag gastos din sa inyo,” tanggi ko. Katulad ng buhay namin, salat din sa buhay sila Esmeralda. Si Tatay at ang Nanay ni Esmeralda ay magkapatid. Pero hindi kagaya namin na tatlo lang, sampung magkakapatid sila Esmeralda at siya ang pang-apat sa kanila. Sa lahat ng pinsan ko, sa kanya talaga ako pinakamalapit. Sabay kaming lumaki at itinuturing ko siyang isang matalik na kaibigan at kapatid. Si Esmeralda lang ang tumataguyod sa mga natitira niyang kapatid simula nang mag-asawa at bumukod ang tatlong nakatatanda niyang kapatid. Kaya naman alam kong kulang pa itong kinita niya ngayon para tustusan ang mga pangangailangan nila sa bahay. “Oh, kahit limang libo na lang sige!” pilit niya at inabot sa palad ko ang limang libo. Ibabalik ko sana ito sa kanya pero tinanggihan niya ko. “Esme, hindi ko matatanggap ‘to...” sinubukan ko ulit ibalik ang pera sa kanya. “Celine, tanggapin mo na. Makakatulong din ‘yan sa inyo lalo na’t nasa ospital ang Nanay mo. Sige na, magtatampo ako kapag hindi mo tinanggap.” Ayoko talagang tanggapin ito dahil bukod sa hindi naman ako naghirap sa pagpulot, galing kay Damon Marquez ang mga perang ‘to. Kanina lang ay sinasabihan ko ang sarili ko na hindi ako tatanggap ng pera mula sa lalaking ‘yun. Pero, heto ako ngayon, kinuha ang perang binigay ni Esmeralda na nanggaling rin naman sa kanya! Napabuntong hininga na lang ako. Pasado alas kwatro na ng umaga nang makarating ako sa ospital. Naghanap pa kasi ako ng bukas na tindahan para mabilhan ng almusal si Tatay. Pagod man sa trabaho, hindi ako nakaramdam ng antok. Buhay na buhay ang dugo ko habang naglalakad ako patungong ward. Nandoon si Nanay ngayon dahil hindi naman namin kayang kumuha ng pribadong kwarto para sa kanya. Hindi rin naman ito puno dahil apat na pasyente lang ang nandito. Naabutan ko si Tatay na nakaupo sa isang monoblock. Naka pwesto siya sa gilid ni Nanay habang hawak ang kamay nito. Hindi muna ako lumapit para pagmasdan ang aking mga magulang. Hinihiling ko na sana’y bigyan pa sila ng mahabang buhay ng Diyos. Gusto ko pa silang makasama ng mas matagal. Gusto ko pang ipalasap sa kanila ang masarap na buhay. Gusto kong suklian ang lahat ng paghihirap at sakripisyong ginawa nila para sa ‘ming magkakapatid. “Oh, Celine…” mukhang napansin na ni Tatay ang presensya ko kaya naman bumaling siya sa direksyon ko. “Nandyan ka na pala. Halika…” Tatayo sana siya para ibigay sa ‘kin ang upuan niya pero pinigilan ko siya. Umupo na lang ako sa paanan ng higaan ni Nanay. “Tay, bumili po ako ng pagkain. Baka hindi pa kayo kumakain,” sambit ko sabay abot sa dala kong plastic bag. “Salamat, ‘nak,” kinuha ni Tatay ang dala ko at nilagay ‘yun sa mesang nasa gilid ng kama ni Nanay. “Kumusta na po siya? Nagising na ba?” “Kanina… pero sandali lang.” Hinawakan ko ang malamig na kamay ni nanay. “Hayaan mo, Tay, gagawa ako ng paraan para gumaling si Nanay. Lalakas pa siya at makakasama pa tayo ng mas matagal,” paninigurado ko kahit na alam ko sa sarili ko na nauubusan na ako ng paraan. “Sana ay huwag mo rin pabayaan ang sarili mo, Celine,” sambit ni Tatay. “Hindi rin matutuwa ang Nanay mo kapag—“ “Kaya ko po. Basta para sa inyo… sa mga katapid ko… kakayanin ko.” “Napaka-swerte talaga namin sa ‘yo anak…” lumungkot ang boses ni Tatay. “Dapat ay nag-aaral ka ngayon ng kolehiyo. Pero, heto ka… kumakayod ng husto para sa amin.” “Tay, huwag niyo na pong isipin ‘yon. Kahit na hindi ako nakapag-aral ng kolehiyo, may trabaho pa rin akong napapasukan.” “Pero iba pa rin kapag nakapag kolehiyo ka, Celine.” “Makakapag-aral din po ako. Tsaka… ang sabi ni Michael, siya ang magpapa-aral sa akin kapag nakapagtapos na siya sa pag-aaral,” ngiti ko para kahit papaano’y gumaan ang loob ni Tatay. “Pero… matagal pa ‘yun.” “Okay lang po,” hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. “Makakapaghintay naman po ‘yan. Sa ngayon, gusto ko talagang tutukan ang pagpapagamot kay Nanay. Gagawa ako ng paraan, Tay. Pangako.” Binalingan ko ng tingin si Nanay. Payapa siyang natutulog ngayon na tila ba wala siyang dinadamdam na kahit anong sakit. Pero, alam ko… maliban sa sakit niya… marami pa siyang iniinda sa katawan niya. Pinipili lang niyang huwag sabihin ito sa akin… sa amin para hindi kami mag-alala. Kaya naman desedido talaga akong maipagamot siya bago pa mahuli ang lahat. Kahit papaano naman ay may naipon ako, ngunit kapos pa rin iyon kapag isinama ko ang matrikula ng mga kapatid ko pati na rin ang ibang gastusin sa bahay. At kahit na pagsamahin pa namin ang sweldo namin ni Tatay, hindi pa rin talaga kaysa. Kulang pa rin. Hindi ako nagagalit sa tadhana o mundo kung bakit ganitong buhay ang kinagisnan ko. Kaya lang… minsan ay nagtatanong pa rin ako… na bakit kapag mahirap ka, lalo kang naghihirap? Bakit kahit na anong kayod mo, kukulangin ka pa rin? Ayokong makaramdam ng inggit sa mga taong mayayaman… pero minsan hindi ko talaga maiwasan. Bakit napakadali sa kanila na lustayin ang malaking halaga? Katulad na lang ni Damon Marquez… Umiling kaagad ako nang pumasok na naman siya sa isip ko. Hindi ko na dapat pang inaalala ang lalaking ‘yon! Pasikat na ang araw nang magising ulit si Nanay. Mamayang alas otso ay bibisitahin siya ng doktor. Gusto ko sanang manaliti rito, pero pinilit ako ni Tatay na umuwi na muna para makapagpahinga ako ng maayos. Ang sabi ko’y kaya ko naman, kaya lang, maging si Nanay ay kinulit na rin ako na umuwi na. Kaya naman wala na ‘kong nagawa. “Babalik po ako mamayang gabi, bago ako pumasok sa trabaho…” paalam ko sa kanila. “Sige, a-anak. Basta magpahinga ka at k-kumain ka rin,” nanghihinang paalala ni Nanay. Sinubukan niyang umupo. Mabilis naman siyang inalalayan ni Tatay. “Opo. Kayo rin… tawagan niyo lang po ako kung may kailangan kayo,” sabay baling ko kay Tatay. “Oo, Celine. Mag ingat ka pauwi.” Naramadaman ko na ang matinding antok nang makasakay na ‘ko sa jeep. Medyo siksikan pa ito sa loob dahil umaga pa lang. Maraming mga estudyante at empleyadong nag uunahan para makasakay. Mabuti na lang at hindi pa ito gaanong puno nang makasakay ako sa tapat ng ospital kanina. Mabuti na lang din at malapit lang ang bahay namin sa ospital kung nasaan si Nanay. Wala na ang mga kapatid ko pagdating ko. Ang sabi ng kapitbahay namin, halos kaaalis lang ni Michael at Anna. Sayang naman at hindi ko sila naabutan. Naghilamos na muna ako bago matulog. Hindi ko na ininda ang gutom na nararamdman ko dahil mas gusto ko nang humiga. Tanghali na nang magising ako. May ingay akong naririnig sa tapat ng bahay namin ngunit hindi ko iyon pinansin. Ganito naman kasi palagi sa lugar namin, kahit na tanghali ay may mga nakatambay pa rin sa labas at nag ku-kwentuhan. Dumiretso na lang ako sa kusina para makapaghanda ng pagkain. May natitira pang isang balot ng tuyo at isang itlog. Pwede na sa ‘kin ‘to. Hindi naman umuuwi ang mga kapatid ko tuwing tanghalian. Sa eskwelahan na sila kumakain. “Celine!” dinig ko ang sunud-sunod na katok sa pintuan namin. Sinarado ko muna ang kalan para alamin kung sino ang tao sa labas. Sumilip ako sa bintana bago buksan ang pinto. Si Aling Marites pala, isa sa mga kapitbahay namin, ang kumakatok. Hindi siya nag iisa. May lalaking nakatayo sa tabi niya. Hindi pamilyar ang lalaki sa ‘kin. Matangkad siya, naka salamin, at malinis ang pagkaka gupit ng kanyang buhok. Mukhang matanda rin siya ng ilang taon sa akin. Sigurado akong hindi siya taga rito, base na rin sa suot niyang asul na polo shirt at itim na slacks. “Bakit po?” salubong ko kay Aling Marites at sa kasama niya pagbukas ko ng pinto. “Naku, Celine! Hinahanap ka ng lalaking ‘to. Nakita ko siya sa tindahan ni Andoy, tinatanong ang pangalan mo. Kaya… para hindi na siya maghanap, dinala ko na siya rito!” masayang paliwanag ni Aling Marites. “Boyfriend mo ba?” “Po?” nilipat ko ang tingin sa lalaki. “Hindi ko siya boyfriend… at hindi ko siya kilala. Kaya bakit niya ‘ko hinahanap?” Gusto ko sanang sitain si Aling Marites sa ginawa niya. Paano pala kung masamang tao ang lalaking ito at may balak siyang gawing masama sa akin? Eh di napahamak na ‘ko dahil sinabi niya kung saan ang bahay namin! Kahit na mukha namang disente at mabait itong lalaki, dapat ay hindi pa rin siya nagbigay ng kung anomang impormasyon rito. “Hi, I’m Nico. You’re Celine Ignacia, right? Gusto sana kitang makausap.” Hindi ako nakasagot. Binalingan ko ng tingin si Aling Marites dahil mukhang interesado siya sa sinabi ng lalaki. “Tungkol saan ang pag-uusapan natin? At bakit kilala mo ‘ko?” muli kong binalingan ng tingin ang lalaki. “I believe you know my boss? Damon Marquez?” Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. Tama ba ang pangalang narinig ko? Damon Marquez?! “Damon Marquez? Hindi ba ‘yun ang may ari ng—“ muntik ko nang makalimutan na nandito pa pala si Aling Marites. Bago pa niya matuloy ang sasabihin niya, hinila ko na ang lalaki papasok sa loob ng bahay. Sinarado ko ang pinto at hinawi ang kurtina sa bintana para hindi na makasilip ang gustong makiusisa. Hinila ko hanggang sa may kusina ang lalaki. “Anong kailangan niyo sa ‘kin?” huminga ako ng malalim at hinarap siya. “My boss is out of the country. Nasa Singapore siya ngayon, kaya ako ang ipinadala niya rito. Uuwi siya bukas ng gabi… at gusto ka niyang makausap.” Napahilot ako sa aking ulo. “Bakit kailangan naming mag usap? Wala naman kaming dapat pag usapan pa. At isa pa, paano mo natunton kung taga saan kami? Pati na rin ang pangalan ko?” Dahil sa pagkakaalam ko, wala akong nabanggit na kahit anomang tungkol sa ‘kin kay Damon Marquez. “Tinatanong pa ba ang tungkol d’yan? My boss is powerful. Lahat ay posible sa kanya,” sarkastikong tumawa ang lalaki. Aba’t! Mukhang magkaugali pa sila ng amo niya. “Pwede ba?! Sabihin mo sa boss mo, tigilan na niya ko. Wala siyang mapapala sa ‘kin!” “Malabo na titigilan ka na niya,” tawa pa rin ng lalaki. “Kapag may gusto ‘yon… makukuha niya. At sinasabi ko sa ‘yo, tinutulak mo lang siya ngayon… pero pagdating ng araw, ikaw na mismo ang lalapit sa kanya.” Natawa ako sa sinabi niya. Gaano ba sila kasigurado sa mga magiging desisyon ko sa buhay? Hinding hindi ako bibigay sa kagustuhan ng Damon Marquez na iyon. “Kung iniisip niyang makukuha niya ‘ko, pakisabi sa boss mo… hindi mangyayari ‘yon.” “Tingnan na lang natin,” ngisi ng lalaki. “Bukas, kakausapin ka niya. May mahalaga siyang sasabihin sa ‘yo. Kaya puntahan mo siya…” may inabot siyang kapirasong papel sa akin. Nakapaloob doon ang isang address at oras na dapat kaming magkita. “Pumunta ka d’yan. Hinintayin ka niya.” “Ayoko!” Napailing na lang ang lalaki at naglakad na patungong pinto. “Wala ka nang magagawa. Mukhang hindi ka na papakawalan pa ni boss hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya,” siguradong sabi niya pagkatapos ay lumabas na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD