Chapter 1

2349 Words
Mabilis akong nakatulog pagkauwi ko sa bahay. Kahit na isang beses lang naman ang performance namin sa gabing iyon, pagod na pagod pa rin ako. Masyado kasing maraming nangyari… lalo na iyong nasaksihan kong ginagawa ni Damon Marquez at ang babaeng kasama niya. Hindi ko na rin inisip masyado ang mga sinabi ni Damon Marquez. Hindi ko mababago ang pagtingin niya sa akin. Iniisip niya na dahil sumasayaw ako sa club, ibig sabihin ay binibenta ko na ang sarili ko. Hahayaan ko na lang na gano’n ang tingin niya sa akin. Ang importante, alam ko sa sarili ko na hindi totoo ang mga paratang niya. Balewala na sa akin ang mga iyon. Isa pa, sino nga ba ako para pag-aksayahan niya ng oras? Sino nga ba naman ako para pagtuonan pa niya ng pansin? Sigurado ako na maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Maraming may gustong gawin ang bagay na iyon sa kanya. At… hindi ako kabilang sa mga babaeng iyon. Kahit ilang milyon pa ang i-alok niya sa akin, hinding-hindi ko pa rin ibibigay ang katawan ko sa kanya. Hindi ko naman hinuhusgahan ang mga taong ginagawa ito. Ang sa ‘kin lang, gusto kong gawin ang bagay na ito kapag kasal na ako. Gagawin ko ito sa taong mahal na mahal ko. Higit sa lahat, hindi ko ito gagawin sa lalaking kagaya ni Damon Marquez. Ni minsan, hindi ako nangarap na makapag asawa ng mayaman. Ayoko. Gusto ko ay ‘yung lalaking kapantay ko at sabay naming hihilahin ang isa’t isa pataas. “Ate! Ate!” napamulat ako nang marinig ang katok ng dalawang kapatid ko mula sa labas ng aking kwarto. Bumangon na ako kahit na pakiramdam ko’y kulang na kulang pa rin ang tulog ko. Nakangiti kong sinalubong ang dalawa kong kapatid paglabas pa lang ng aking kwarto. Nakangiti rin si Michael at Anna sa ‘kin. Si Michael ay labing anim na taon na, nasa Grade 10. Si Anna naman ay labing tatlong taon na, nasa Grade 7. “Baon po,” sabay na sabi nila pagkatapos ay nilahad sa ‘kin ang mga palad nila. “Naku, wala man lang bang ‘good morning, Ate’ d’yan?” natatawang iling ko. “Good morning po, Ate!” magiliw na sabi pa rin nila “Baon po!” Tumingkayad pa si Anna para halikan ako sa pisngi. Si Michael naman ay nanatiling nakatayo. Nilingon ko siya. “Tatayo ka lang ba d’yan? Hindi mo hahalikan ang Ate mo?” “Ate naman, matanda na ‘ko… hindi na uso ‘yan,” maktol niya. “Sus, para sa ‘kin baby ka pa rin!” tawa ko at ako na mismo ang humalik sa pisngi niya. “Ate naman, baon po namin…” supladong sabi niya sabay punas sa kanyang pisngi. “Ma li-late na po kami...” “Oh, siya na… siya na…” inabot ko ang wallet ko sa tukador at ibinigay na ang mga baon nila para ngayong araw. “Salamat po, Ate! The best Ate in the world ka talaga!” masayang sabi ni Anna. “May choice ka ba?” tawa ko. “Ako lang naman ang Ate mo!” “Basta, Ate…” sambit naman ni Michael. “Kapag natapos ako ng kolehiyo, ako naman ang mag papaaral sa ‘yo.” “Hmm? Talaga? Pinagbubutihan mo ba ang pag aaral mo?” “Opo! Promise, akong bahala sa ‘yo! Kahit anong kurso at eskwelahan pa ‘yan.” “Oh, sige… aasahan ko ‘yan, ha?” ginulo ko ng kaunti ang buhok niya. “Gusto ko sa Ateneo o kaya sa La Salle…” biro ko pa. “Sige ba! Walang problema!”                                         “Sige na, sige na… umalis na kayo at baka ma late pa kayo.” Pag-alis ni Michael at Anna ay dumiretso na ako sa kusina. Naabutan ko si Nanay na naghuhugas ng mga plato. Nilapitan ko kaagad siya para pigilan sa kanyang ginagawa. “Nay, ako na d’yan… magpahinga ka na po.” “Konti lang naman ang mga ‘to, Celine,” aniya at umubo ng kaunti. “Tsaka pagod ka sa trabaho. Kaya ko na ‘to.” “Pero Nay. Hindi ka dapat—“ “Sige na, anak. Ito na lang ang maitutulong ko sa bahay. Ang mabuti pa ay kumain ka na…” Napabuntong hininga na lang ako. Dalawang taon ng may sakit si Nanay. Lung cancer daw, ayon sa mga doktor. Hindi pa naman iyon ganoon kalala noong unang beses itong nadiskubre. Pero dahil kapos kami sa pera, hindi namin masyadong natugunan ang medikal na pangangailangan niya. Maraming beses na akong pumila sa kung anu-anong mga organisasyon para lang makahingi ng tulong. Marami na rin akong nautangan at ang iba’y hinahabol na ako. Labag man sa loob ko, nagta-trabaho pa rin si Tatay para tustusan ang ibang mga pangangailangan namin dito sa bahay. Alam kong may iniinda na rin siyang sakit sa kanyang katawan ngunit hindi lang niya ito sinasabi sa akin. Namamasukan pa rin siya bilang construction worker. Ilang beses ko na siyang pinagbawalan na huwag pasukin ang trabahong ito dahil mabigat at baka hindi na kayanin ng katawan niya. Kaso, masyado siyang makulit. Hindi nagpapapigil. Mabuti na lang talaga at inalok sa akin ni Esmeralda ang pag-sasayaw sa club. Malaki ang kita rito at makakapag-ipon ako ng maayos. Sa unang araw ko pa lang nga, malaki na ang nakuha ko. Pinaghati-hatian din kasi namin kagabi ang mga libu-libong inihagis ng mga customer sa entablado. Kung palaging gano’n, mabilis talaga akong makakaipon. “Kumusta naman ang unang araw mo sa trabaho, anak?” tanong ni Nanay habang kumakain ako ng almusal. Umupo siya sa tapat ko. “Ayos naman po, Nay. Nakakapagod… pero sanay naman na ‘ko,” ngiti ko. “Huwag mong masyadong pinapagod ang sarili mo, Celine. Lahat ay ginagawa mo para sa ‘min… para sa mga kapatid mo. Paano ka naman?” “Nay… sanay naman po ako sa pagod.” “Dapat ay nag-aaral ka. Iyon dapat ang inuuna mo, anak.” “Makakapaghintay naman po ‘yan. Ang importante ay kayo muna.” Umiling si Nanay. May sasabihin pa sana siya ngunit hindi na niya ito naituloy dahil tumulo na ang luha sa kanyang mga mata. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, at mulat ako sa kahirapan noon pa man. Hindi ako nagrereklamo sa estado namin sa buhay. Ni minsan ay hindi ko kinuwestyon ang kapalaran kung bakit ganito kami. Alam kong darating din ang tamang panahon para sa amin. Kaya naman pinagsisikapan kong mapagtapos si Michael at Anna. Dahil ako, hindi na tumungtong sa kolehiyo nang makapagtapos ako ng Grade 12. Ang sabi nga nila, dapat ay inuna ko na ang pag-aaral ko para makahanap ako ng mas magandang trabaho. Pero paano ko nga ba gagawin iyon? Malaki ang matrikula sa kolehiyo… at kahit makakuha man ako ng scholarship, may ibang gastusin pa rin na dapat tustusan. Kaya naman isinantabi ko na muna ang pangarap kong makapgkolehiyo. Sa ngayon, gusto kong mapagtapos ang dalawa kong kapatid. “M-mahina na ako, Celine… malapit na—“ Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Nanay. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “Nay, huwag mong sabihin ‘yan. Lalakas ka pa… gagawa ako ng paraan para gumaling ka.” “A-anak…” Hindi na naipagpatuloy pa ni Nanay ang sasabihin niya dahil paulit-ulit siyang umubo. Sa sobrang tindi nito, may kasama na itong dugo. Sobrang kaba ang naramdaman ko nang makita iyon, lalo na nang mawalan siya ng malay. Nataranta ako at tumawag kaagad ng tricycle at nagmmamadaling pumunta sa ospital. Nanlalamig ang mga kamay ko habang hinihintay ang doktor. Ito ang kauna-unahang beses na umubo si Nanay na may kasamang dugo, kaya naman takot na takot ako. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Nilapitan ko kaagad ang Doktor nang lumabas siya ng kwarto mula sa pinanggalingan ni Nanay. “Dok… kumusta na po ang Nanay ko?” “Miss Ignacia…” huminga ng malalim ang doctor. “Hindi na gano’n kaganda ang kondisyon ng Nanay mo. I’d like you be honest with you… her days were numbered.” “Hindi, hindi, Dok…” paulit-ulit akong umiling. “Gawin niyo po ang lahat ng makakaya niyo para mapahaba ang buhay ni Nanay. Kahit magkano… babayaran ko po. Basta… buhayin niyo lang po siya ng matagal.” Tipid na nginitian lang ako ng Doktor pagkatapos ay nagpaalam na siya sa aking para asikasuhin ang ibang pasyente. Wala ako sa sarili nang pumasok ako sa trabaho kinagabihan. Si Tatay ang nagbabantay ngayon kay Nanay. Ang mga kapatid ko naman ay nasa bahay. Nakisuyo lang ako sa kapitbahay namin na tingnan ang dalawa at tawagan na lang ako kung may problema. Bago ako umalis kanina, inihanda ko na ang almusal nila para bukas. Iniwan ko na rin kay Michael ang baon nila ni Anna. Baka hindi ako maka uwi ng maaga dahil didiretso ako sa ospital pagkatapos nitong trabaho ko. Gusto ko man lumiban ngayong gabi, hindi naman pwede. Bago pa lang ako, pagkatapos ay hindi na ako papasok sa ikalawang araw ko sa trabaho? Tsaka nanghihinayang din ako sa kikitain ko ngayong gabi. Pandagdag din iyon sa mga gastusin namin. “Gagaling ang Nanay mo, Celine,” pagpapakalma sa akin ni Esmeralda nang ikwento ko sa kanya ang nangyari kay Nanay. “Sana nga,” bumuntong hininga ako. Panandalian ko munang tinanggal sa isip ko ang bagay na iyon nang magsimula na ang trabaho ko. Hindi na exclusive itong club ngayon, kaya naman iba’t iba na ang mga customer. At hindi katulad kagabi, kaunti lang ang mga naghahagis ng pera sa entablado. Ngunit… laking gulat ko na lang, pati na rin ang lahat ng tao dito sa loob ng club, nang bigla na lang may nanghagis ng maraming salapi sa entablado. Tila umulan ng pera at maging ang mga customer ay nag-uunahan din sa pagpulot ng mga ito. Ito na ang pinakahuling sayaw namin para sa gabing ito pero hindi namin iyon natapos dahil bigla na lang sumulpot si Damon Marquez. May hawak siyang itim na bag, kung saan galing ang mga pera. Umakyat pa siya sa entablado at doon nagpatuloy sa pagpapaulan ng pera. “Uy, uy! Si Damon…” anang isang kasamahan kong sumasayaw. Natulala naman ako. Ang lahat, maging si Esmeralda, ay pinupulot na ang mga perang bumabagsak sa sahig. Ako lang yata ang nanatiling nakatayo habang nakatitig sa likod ni Damon Marquez. Nagmimistula siyang isang makapangyarihang nilalang na para bang nagagalak tuwing nakikita niyang nagkakagulo ang kanyang mga alipin. Natapos na siya sa paghahagis ng mga pera at ang karamihan ay abala pa rin sa pagpulot ng mga salapi. Unti-unti ay humarap si Damon Marquez sa akin. Malaki ang ngiti niya, ngunit ang mga mata niya ay sobrang lalim ng tingin sa akin. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko, lalo na nang maglakad siya palapit sa akin. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa! “Ang dami pang pera… ba’t hindi mo pulutin?” batid ko ulit ang pang-iinsulto sa tono niya. Doon lang ako natauhan nang magsalita na siya. “Sir… a-anong… b-bakit nandito ka?” “I told you, hindi kita titigilan hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung magkano ka…” ang laming sa kanyang boses ay hindi maitatago. “Ilang b-beses ko po bang uulitin, Sir, na hindi k-ko binibenta ang k-katawan ko…” Kinabahan ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Dahil abala ang lahat, hindi nila napansin na hinila ako ni Damon Marquez patungo sa likod ng entablado. Hinila niya ako sa may pinaka madilim na bahagi nitong lugar. Sinubukan kong pumiglas ngunit mas lalong dumidiin ang hawak niya sa akin kapag ginagawa ko iyon. “A-aray, Sir…” daing ko na hindi naman niya pinakinggan. Sa sobrang dilim kung nasaan kami, hindi ko na makita ang mukha niya. Ngunit alam ko kung gaano kalapit ang katawan namin sa isa’t-isa. Ramdam na ramdam ko iyon dahil ang init ng katawan niya tila lumilipat sa malamig kong balat. “Kailan ka ba titigil d’yan sa drama mo?” seryosong tanong niya at binitawan na ang braso ko. “Playing hard to get, huh?” “Hindi nga po kasi a-ako…” napalunok ako. “…bayaran. H-hindi ko p-po—“ “Oh, fck that reason!” mariin niyang sabi at naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa kaliwang tainga ko. “Alam mo bang mas lalo akong nag-iinit kapag tinatanggihan mo ‘ko? Damn… I want your body… I wanna fck you hard until you fcking scream in pain and pleasure…” “S-sir…” sinubukan ko siyang itulak sa dibdib ngunit hindi naging sapat ang lakas ko para gawin iyon. Nanghihina na ang mga tuhod ko. “Gusto mo bang malaman kung anong gagawin ko sa ‘yo kapag pumayag ka? Hmmm?” hinapit niya ang baywang ko at may naramdaman akong matigas na bagay sa tiyan ko. Hindi ako maaaring magkamali. Alam ko kung ano ‘yon! “S-sir… bitawan n-niyo po ako,” sumamo ko. “Don’t worry... I won’t fck you,” bulong pa rin niya. “Ipaparamdam ko lang ang gagawin ko sa ‘yo kapag pumayag ka na.” Hinalikan niya ako sa pisngi pababa sa aking leeg. Kahit madilim, napapapikit pa rin ako! “Huwag po…” patuloy na sumamo ko. Nagpatuloy lang siya sa paghalik sa leeg ko. Bawat dampi ng labi niya ay mariin. Para bang pinaparusahan niya ako at ang halik niya ang kabayaran. Napamulat na lang ako nang tumigil na siya sa paghalik nang nandoon na siya sa itaas na bahagi ng dibdib ko. Binitawan na rin niya ang baywang ko. “Don’t worry, I don’t force women…” makahulugan niyang sabi. “Sila mismo ang lumalapit sa ‘kin para gawin ko ang bagay na ‘to sa kanila. At alam kong katulad ka lang din nila…” “Hindi—“ “I won’t force you… because I know you’ll beg one day…” iyon lang ang sinabi niya pagkatapos ay iniwan na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD