Chapter 4

2901 Words
Binalikan ko ulit si Nanay at Tatay. Malalim pa rin ang hiningang pinapakawalan ko dahil sa sobrang galit kay Damon Marquez. Hindi ko lubos maisip na gagamitin pa niya ang aking ina para lamang makuha ang gusto niya. Ano bang akala niya?! Na kakagat ako sa patibong niya? Mas lalo lang tumindi ang poot ko sa kanya. Nakakasuka ang ugali niya! “Oh, Celine… nasaan na si Mr. Damon Marquez?” nagtatakang tanong ni Tatay pagbalik ko. Nilingon pa niya ang likuran ko. Akala siguro niya’y nakasunod pa rin sa ‘kin ang lalaking iyon. “A-ah, umalis na siya, Tay…” binalingan ko ng tingin si Nanay, na ngayon ay nakaupo na. “Kumusta na po ang pakiramdam niyo?” tipid akong ngumiti at umupo sa tabi niya. “Ayos naman, ‘nak. Bakit nga pala ayaw mong tanggapin ang oportunidad na ibinibigay sa ‘yo ni Mr. Damon Marquez? Magandang alok ‘y-yun, Celine. Maaari ka nang makapag-aral kapag tinanggap mo iyon.” Mabilis akong umiling. “Ayoko po. Masaya na ako sa trabaho ko ngayon.” “Pero…” si Tatay. Nakaupo siya sa monoblock habang hinahanda ang pagkaing dinala ko. “Mukhang interesado si Mr. Damon Marquez na kunin ka. Siya pa mismo ang pumunta rito… nag abala pa siyang kausapin kami ng Nanay mo,” sinulyapan ako ni Tatay. Ramdam ko na gusto nilang tanggapin ko ang alok ni Damon Marquez. Hindi ko naman maamin sa kanila ang totoong pakay ng lalaking ‘yun. Kahit kailan ay hindi ko aaminin… na ang katawan ko ang tanging habol ni Damon Marquez. Maisip ko pa lang na isusuko ko ang sarili ko sa kanya, kinikilabutan na ‘ko. Marami na siyang karanasan… at nakakatakot dahil nasaksihan ko mismo kung paano niya gawin iyon. Marahas. Naiintindihan ko naman kung bakit gusto ni Nanay at Tatay na um-oo ako sa sinasabing “oportunidad” ni Damon Marquez. Ang akala nila… magiging isang Flight Attendant ako. Sa totoo lang, ganoon ang pangarap kong trabaho. Nais ko kasing makapunta sa iba’t ibang lugar sa mundo. Matagal ko nang pangarap iyon, bata pa ‘ko. Kaso… mukhang hindi ko na ito maaabot pa dahil baka may edad na ‘ko kapag natapos ko ang kursong iyon. Baka mamaya’y wala nang tumanggap sa akin. Kaya naman… ayos na sa ‘kin ang kahit na anong kurso. Ang importante ay makapag kolehiyo ako at magkaroon ng diploma balang araw. “Ang sabi nga niya,” dagdag pa ni Nanay. “Nakilala ka raw niya sa club kung saan ka nag ta-trabaho. Nang makita ka raw niya, agad niyang naisip na bagay kang maging isang Flight Attendant. Kahit hindi ka raw gano’n katangkad, bagay pa rin sa ‘yo ang trabahong ‘yun.” Nakapasinungaling talaga ng Damon Marquez na iyon! Mas lalo lang nadadagdagan ang muhi ko para sa kanya. “Huwag na po nating pag-usapan ang tungkol doon,” kalmado kong sabi. Nilingon ko ang aking orasan. Malapit na palang mag alas otso. “Uhh… kailangan ko na pong umalis. Maaga po akong papasok sa trabaho ngayon. Uhm, mauna na po ako.” “Ganun ba? Oh, siya sige…” tango ni Tatay. “Mag ingat ka, anak.” “Ingat, Celine…” hinawakan ni Nanay ang mga kamay ko. “Maraming salamat sa lahat ng ginagawa mo.” “Nay, wala ‘yun. Basta para sa inyo…” Habang nasa byahe ako patunong club, bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Iniisip ko kasi na magagalit si Ma’am Alvira sa ‘kin dahil hindi ako nakarating sa rehearsal namin. Nag-text naman ulit ako kay Esme, ang sabi ko’y nagkaroon ng emergency kaya hindi ako kaagad nakarating. Ang sabi naman niya, ayos lang daw at hindi naman galit si Ma’am Alvira. Kaso… kabado pa rin talaga ako. Inaasahan kong papagalitan niya ako pagdating ko sa club. Kaya lang, hindi nangyari ‘yun. Imbis na sitain sa pagiging late ko, isang mainit na salubong pa ang iginawad niya sa akin. Litong lito ako, maging ang ibang kasamahan ko, sa magaang pakikitungo ni Ma’am Alvira sa akin. “Oh! Nandito na pala ang lucky charm natin!” masayang sabi niya pagpasok ko sa backstage. Takang-taka ako dahil niyakap pa niya ako. Puno ng pagtatanong kong tiningnan si Esme, ngunit mukhang hindi rin niya alam ang sagot. Nagkibit balikat lamang siya habang umiiling. “U-uh, Ma’am… pasenya na p-po kung na-late ako. B-binisita ko pa kasi si Nanay... nasa opsital siya,” paliwanag ko pa rin kahit mukhang hindi na kailangan. “Ayos lang, Celine!” bumitiw si Ma’am Alvira sa yakap. Inilandas niya ang mga kamay niya sa braso ko. “Naiintindihan ko kung bakit hindi ka kaagad nakarating,” makahulugan siyang ngumisi. “P-po?” “Wala! Ang ganda ganda mo talaga! Huwag ka na munang sumali sa sayaw ngayon. Manuod ka na lang muna. Huwag kang mag-alala may bayad ka pa rin naman ngayong gabi!” ngumisi ulit siya pagkatapos ay iniwan na kami dito sa backstage. “Ma’am—“ tawag ko pa ngunit nakalabas na siya. “Wow, ka bago bago mo pa lang pero paborito ka na ni Ma’am,” ani Janet, isa sa mga kasamahan ko at kasama ko sa grupo. Sa tono ng pananalita niya, batid kong may iba siyang gustong iparating. “Mag ingat ka lang…” “Hoy, Janet,” sita naman ni Esmeralda. “Tigilan mo nga ang pinsan ko. Inggit ka ba?” “Ako? Inggit?” sabay turo sa sarili niya. “Ba’t naman ako maiinggit sa kanya…” pinagmasdan niya ang suot ko. “…hindi naman siya kagandahan.” Magsasalita pa sana si Esme ngunit inawat ko na siya. “Hayaan mo na,” bulong ko. Umalis na rin naman si Janet. “Kahit kailan talaga nakakainis ang Janet na ‘yun!” irap ng pinsan ko sa ‘kin. “Kahit noong wala ka pa rito, ganyan na ang ugali ng babaeng ‘yan. Siya ang pinakamatagal dito pero siya rin ang pinaka inggitera!” “Huwag na lang natin siyang pansinin,” kalmado kong sabi. Hinila ako ni Esme palabas ng backstage. Hindi pa naman bukas ang club ngayon. Alas diyes pa lang itong nagbubukas. Wala pang mga customer na pumapasok dahil inaayos pa lang ang mga mesa at upuan. Tumungo kami sa may counter dahil nandoon ang mga kasamahan namin… maliban na lang kay Janet. Masaya silang nag ku-kwentuhan. Nakangiti pa sila nang balingan nila kami ng tingin. “Celine, kumusta na ang Nanay mo? Balita namin kay Esme nasa ospital daw siya,” tanong ni Eva. “A-ayos naman siya. Pero kailangan kong makaipon pa… para mapagamot talaga siya. M-medyo mahal kasi ang chemotherapy.” “U-uhm, kung okay lang i-itanong… may cancer ang Nanay mo? A-anong klase at… anong stage na?” tanong naman ni Roda. “Lung cancer… stage 3,” napayuko ako. “Sa totoo lang, nagtapat na ang Doktor sa ‘min na baka… hindi na magtagal si Nanay. P-pero gusto ko pa rin subukan na ipagamot siya… para humaba pa ang buhay niya.” “Celine,” tinapik naman ni Julie ang balikat ko. “Sa pagkakaalam ko, pwede kang lumapit sa mga charity o foundation na tumutulong sa mga pasyenteng may canser. Kasi… ‘yung tiyahin ng boyfriend ko, nagkaroon ng breast cancer. Humingi sila ng tulong, natulungan naman sila kahit na papaano sa pagpapagamot. O kaya… ilipat mo ang Nanay mo sa ibang ospital na sangay ng gobyerno… mas makakamura kayo doon.” Nag-angat ako ng tingin. “T-talaga?” nagkaroon ng pag-asa ang puso ko. “Oo. Mag search ka sa internet. Marami kang makikita.” Nasubukan ko nang pumila sa iilang charity at foundation noon, natulungan naman ako ng iilan. Kaso, dahil marami rin ang mga nangangailangan, kung minsan ay hindi na ako nakakaabot. Naisip ko rin ang sinabi ni Julie na ilipat ko na lang si Nanay sa ospital na sangay ng gobyerno. Sa ngayon kasi, nasa maliit na ospital lang si Nanay at pag mamay-ari ito ng pribadong sektor. Doon ko na siya dinala dahil sobrang nataranta ako noong nagsuka siya ng dugo. Iyon lang din kasi ang pinakamalapit sa tinitirahan namin. Naiwan na akong mag-isa nang magsimula na ang shift ng mga kasamahan ko. Tahimik lang akong nakatayo sa may gilid ng counter dahil dumadami na ang mga customer. Tuwid ang tingin ko sa entablado ngunit ang isip ko ay lumilipad kung saan. Iniisip ko pa rin ang kalagayan ni Nanay at kung paano makakagawa ng paraan para ipagamot siya. “Not working, huh?” Napabalik ako sa realidad nang marinig ang pamilyar na boses sa tabi ko. Nilingon ko siya at halos umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko nang mabungaran ang nakangising mukha ni Damon Marquez. Ano na naman ang ginagawa niya rito?! “Ba’t nandito ka na naman?!” hindi ko na maitago pa ang iritasyon ko. Puno ng galit ang tingin ko sa kanya. Iba na ang suot niya ngayon. Hindi na katulad ng kanina nang magkita kami sa ospital. Taliwas sa lagi niyang suot longsleeves at slacks, nakasuot na siya ngayon ng simpleng itim na t-shirt at pantalon. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na tingnan siyang mabuti. Matangkad siya, hanggang balikat lamang niya ako. Matikas ang kanyang pangangatawan. Kayumanggi ang kulay ng kanyang balat. Matangos ang kanyang ilong, malalim ang mga mata -- na animo'y inaakit ka. Sa tingin ko nga’y hindi purong Pilipino ang dugo ng lalaking ito. Medyo wavy ang kanyang buhok at malinis ang pagkakagupit nito. Nakahawi ito patagilid. Ang pinaka nangingibabaw sa kanya ay ang panga niyang tinatakpan ng maliliit na buhok sa mukha. Sakto lang ang haba ng mga ito, bagay sa magaspang niyang ugali. Mistula tuloy siyang kontrabida sa isang teleseryeng pinapanuod ko. “I’m handsome, ain’t I?” hindi pa rin nawala ang nakakalokong tingin at ngisi ni Damon Marquez. Doon lang ako natauhan at agad na tinanggal ang tingin sa kanya. Hindi ako makapaniwala na natulala ako sa kanya! Oo, aminado ako na gwapo siya! Pero wala akong pakealam sa pisikal na anyo niya. Aanhin ko naman ‘yun kung basura naman ang ugali niya? Mas importante pa rin sa akin ang ugali kaysa sa mukha. “Masama na nga ang ugali, makapal pa ang mukha,” bulong ko sa sarili ko. “What did you say?” nanatili pa rin siyang nakatingin sa ‘kin. Pinag-krus ko ang aking mga braso. “Ba’t ba kasi nandito ka na naman? Wala ka ngang mapapala sa ‘kin…” hindi na ako nag-abala pang lingunin siya ulit. “I’m not here to persuade you, Miss Ignacia,” halakhak niya. “I’m here to have fun… to drink!” “Sa tingin mo naman naniniwala ako sa ‘yo?” “Wow! Masyado namang mataas ang tingin mo sa sarili mo. Marami na akong nakilalang babae na mas… maganda at sexy kaysa sa ‘yo. Kaya huwag mong isipin na espesyal ka. Any woman can turn me on…” “Kung gano’n pala, huwag ka nang mag-aksaya pa ng panahon sa akin,” walang gana ko siyang tiningnan ulit. “Maghanap ka ng iba, ‘yung game sa gusto mong mangyari.” “Pero… ikaw ang gusto ko,” seryoso na rin ang titig niya sa akin ngayon. Wala na ang mapaglaro niyang mga tingin at ngisi. “Gusto kitang itali sa kama ko… hanggang sumigaw ka sa sarap,” bumaba ang tingin niya sa labi ko. Kinilabutan ako sa paraan ng pagtitig niya. Ang mga salita niya ay tila kinuryente ang bawat hibla ng pagkatao ko. Masyadong talagang bastos ang Damon Marquez na ito! “But, anyway, like what I said… I am not here to persuade you,” bumaling siya sa stage at nilagok ang bote ng beer na hawak niya. “I’m here to drink. Nasampal kasi ako kanina and… that’s the first time.” Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi niya. Ibig sabihin… totoo nga na unang beses siyang nakatanggap ng sampal! “The coming days won't be easy, Miss Ignacia,” nakatingin pa rin ako sa kanya habang siya’y titig na titig pa rin sa entablado. “So… be ready. You might need me one day.” “Anong—“ bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay iniwan na ako ni Damon Marquez. Pinagmasdan ko lang ang likod niya hanggang sa tumungo siya sa isa sa mga mesang malapit sa restroom. Kasama niya sa mesa ang makulit niyang tauhan, iyong Nico. Mukhang silang dalawa lang. Nasulyapan pa ni Nico na nakasunod ako ng tingin kay Damon Marquez kaya mabilis kong pinilig ang ulo ko. Ginulo ako ng isip ko sa huling salitang binitawan ni Damon Marquez. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin pero pakiramdam ko’y may plano na naman siyang kulitin ako. Baka palabas lamang niya na hindi na niya ako pipilitin, ngunit ang totoo, may plano talaga siya. Sa pananalita at mukha pa lang niya, hindi na siya mapagkakatiwalaan pa. “Uy! Celine?” salubong ni Esme sa ‘kin nang matapos na sila sa pinaka huling sayaw. Suot pa rin niya ang damit pangsayaw para sa gabing ito. Isang kulay asul na tube dress na sobrang kinang. Mas lalo tuloy na-depina ang makurbang hubog ng pinsan ko. Hindi katulad ko na may pagka balingkinitan. Matangkad din siya kaysa sa ‘kin. Parehong mahaba ang aming buhok, halos matakpan na ang likod namin. Magkasing edad lang kami at minsan ay pinagkakamalang kambal. Kaso, marami kaming pagkakaiba sa pisikal. Ang mga mata niya’y medyo bilguan, na parang pang beauty queen. Habang ang akin naman, may pagka singkit. Morena rin si Esme, habang ako’y mapusyaw ang balat. Minsan nga, tinutudyo ko siyang sumali sa mga beauty pageant dahil sa palagay ko’y pasok na pasok siya. Kaso, ayaw naman niya. “Esme!” ngiti ko. Nandito pa rin ako sa gilid ng counter. Ilang oras na akong nakatayo rito ngunit hindi ko naman naramdaman ang pangangalay. “Nakita ko kanina na parang kinausap ka ni Damon? Anong sabi niya?” puno ng kuryosong tanong niya. Muli ko na namang naalala ang huling salitang sinabi ng lalaking iyon. Umiling ako at kaagad pinalis ang bagay na iyon sa isip ko. “Ah, a-akala niya nakatoka ako sa counter. Um-order siya ng beer,” palusot ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko, sana naman ay huwag ng magtanong pa si Esme tungkol sa lalaking iyon. “Ahh…” pinagmasdan niya ang mesa kung nasaan sila Damon Marquez. “Ang gwapo niya talaga, ‘no? Pero ang gwapo rin ng kasama niya!” “Hindi naman, eh.” “Anong hindi?” hindi makapaniwalang tugon ni Esme at muli akong tiningnan. “Ang gwapo kaya niya! Tapos mayaman pa! Swerte ng magiging asawa niya!” “Baka malas,” bulong ko. “Ha?” “Ah, wala!” “Hay! Pero hindi na ako aasa na makakapag asawa ako ng mayaman. Ayokong mangarap ng sobra! Baka alipustahin lang ako. Mas gusto ko ‘yung kapantay ko lang din sa buhay…” Napangiti ako. Pareho talaga kami ng pananaw sa buhay ni Esmeralda. Hindi namin pinangarap na makapag-asawa na hindi namin katulad ang estado sa buhay. Pakiramdam kasi namin, hindi kami magiging kumportable kapag hindi namin kapantay ang lalaking magugustuhan namin. Sa katunayan nga, marami na ang nagtangkang manligaw sa pinsan ko. Halos mayayaman at lahat ay tinanggihan niya. May mga nanligaw rin naman sa ‘kin noon, pero tinanggihan ko sila dahil hindi ko naman talaga prayoridad ang bagay na iyon. Mas gusto kong unahin ang pamilya ko. “Tama—“ “One bottle of tequila, please,” pareho kaming napatingin ni Esme sa counter nang may babaeng magsalita sa saktong tabi lang namin. Mukha siyang banyaga, base na rin sa kulot at mala-gintong buhok niya. “Cali!” nagkatinginan kami ng pinsan ko dahil si Damon Marquez ang nagsalita. At ang pangalang binanggit niya ay ang pangalan ng babaeng um-order ng tequila. “What the heck are you doing here, Damon?” gulat na bulalas ng babae. “What are you doing here?” balik na tanong naman ni Damon Marquez. Salubong na ang kilay niya, mukhang iritado. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuoan ng lugar. Panandalian pang nagtagpo ang mga mata namin pero mas nakatuon ang atensyon niya sa babaeng kausap niya ngayon. “May kasama ka ba?” “Why the hell do you care?!” kinuha ng babae ang bote ng tequila at inilapag ang itim na card sa counter. “You’re with your peers again, huh?” “And… so? And FYI, they aren’t just peers… they’re my friends!” “Cali!” huminga ng malalim si Damon Marquez. Mukhang malapit na siyang maubusan ng pasensya. “I’m warning you! Hindi magandang impluwensya ang mga sinasabi mong kaibigan!” “Back off, Damon! You’re not my boyfriend!” irap ng babae. Kinuha na ulit niya ang kanyang card at nagmartsa na palabas ng club. “Cali!” tawag ulit ni Damon Marquez ngunit nakalabas na ang babae. Kami naman ni Esme ay nanatiling nakatitig sa kanya. Napansin din niya iyon, kaya sinamaan niya kami ng tingin. “What?!” utas niya sa ‘min ng pinsan ko bago bumalik sa sariling mesa. Napatingin ako sa entrance ng club. Sino kaya ang babaeng ‘yun at bakit nag-iba na bigla ang timpla ni Damon Marquez?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD