chapter four

1311 Words
Bumangon ako na masakit ang ulo. Napasapo ako at napangiwi. Medyo hindi ko na matandaan kung ano ang nangyari kagabi. Ang tanging natatandaan ko lang ay nakita ko na naman ang manyak na iyon! Napatingin ako sa pinto nang nagbukas iyon. Pumasok dito si Emily na may dalang tray na may mangkok at isang baso ng tubig. "Mabuti gising ka na." Malumanay niyang sabi habang papalapit siya sa akin. Ipinatong niya sa side table ang tray. Umupo siya sa gilid ng kama. "Dinalhan na kita dito ng lugaw at gamot. Paniguradong sumakit ang ulo mo dahil sa ininom mo kagabi." "Anong nangyari?" Ang tanging nasabi ko. Mas lumapad ang ngiti niya. "Hm, bago ka tuluyang nakatulog eh nasukahan mo ang sasakyan ni Suther." Literal nanlaki ang mga mata ko. "W-what? Nasukahan ko 'yung sasakyan?" Hindi makapaniwalang bulalas ko. Napapikit ako ng mariin dahil sa katangahan kong taglay. My God, ano ba 'yan! Bakit ba tuwing nakikita ko ang lalaking 'yon ay puro kamalasan ang natatanggap ko? Nasaan ang hustisya?! "Kahit galit siya, pinaglagpas nalang niya ang ginawa mo sa sasakyan niya. Well, buti pinigilan siya ng iba pa niyang pinsan na naroon din sa party." Mahina siyang tumawa. "Tuwang-tuwa si Guia dahil lucky charm ka daw. Nakakasagap ka daw ng guwapo. Kung sabagay, puros guwapo at mga magaganda ang mga Ho." "I'm not interested, Emily. Isa pa, may boyfriend ako." Nagkibit-balikat siya't tumayo na. "Sige na, kumain ka na. Kapag may kailangan ka, sabihin mo lang. Nasa bakuran lang kami nina Guia at Lola." Mapait akong ngumiti. "Sige." Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas dito sa kuwarto. Napatampal ako ng noo. Kainis! Parang ayaw ko nang lumabas ng bahay dahil sa kahihiyan na idinulot ko sa lalaking iyon. Natatakot na ako na baka kapag nakasalubong ko na naman siya, may kamalasan na naman ang kasunod! Bago ko kainin ang lugar ay sinulyapan ko ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ko na may natanggap kong mensahe mula kay Ricky. FROM : RICKY Good morning, babe. Nandito pa rin ako sa Mindoro. Mamaya babalik na kami ng Manila. I love you! Kamusta ka d'yan? Hindi ako nagdalawang-isip na magtipa ng mensahe para sa kaniya. TO : RICKY Okay lang ako, babe. Kakagising ko lang. Mag-ingat ka sa byahe. Makakausap ba kita mamaya? Then I hit send. Inilapat ko ang mga labi ko. Kahit ganito lang ang set up namin ay masaya na ako. Sa totoo lang ngayon lang kami naghiwalay ng ganito. Noong nasa Maynila palang ako, kahit bakasyon ay nagkikita kami. May mga date pa rin kami. Pero nagtataka lang ako kasi hindi kasundo ni Ricky si Guia sa hindi ko malaman na dahilan. Umiling nalang ako para mawala na sa isip ko 'yon. Nagpasya nalang ako na kainin nalang ng lugaw bago man ito lumamig.  After ko kumain ay naligo na ako. Nagbabakasakaling mawala na ang sakit ng ulo ko. Mukhang epektib nga naman siya. Pumili ako ng susuotin. Simpleng printed-shirt at high-waist shorts ang sinuot ko bago man ako lumabas ng kuwarto. Balak kong daluhan ang mga pinsan ko pati si Lola sa bakuran nang nakasalubong ko si Tepan na may dalang tray. Apat na baso na naglalaman ng juice at mga biscuits. "Gising ka na pala, ate." Nakangiting bati sa akin ni Tepan. "Tamang-tama, may bisita tayo." Napaawang ang bibig ko. "Huh? Bisita?" Ulit ko pa na may pagtataka. "Sino?" Bago man siya sumagot ay may naririnig ako yabag na papalapit sa direksyon namin. Tumingin ako doon. Nanlalaki ang mga mata ko kung sino ang palapit sa amin! "I-ikaw..." Ngumisi siya sa akin nang nakakaloko. "Magandang umaga, binibini." Umatras ako ng isa saka dinuro ko siya. "Anong ginagawa mo dito?! Bakit ka nandito?!" Hindi ko magapigilan ang sarili kong tumaas ang aking boses dahil sa pagkabigla. "Narito ako para ihatid ang mga gulay at leche flan na gusto ng lola mo." Sagot niya na hindi matanggal ang ngisi sa kaniyang mga labi. "Palagi naman ako personal na nagdadala ng mga iyon dito..." Sinulyapan niya si Tepan. "Kausapin ko lang itong pinsan mo, pare." "S-sige!" Sagot pa ng pinsan ko sa kaniya at umalis dito. Walangya, iniwan niya ako sa lalaking ito! Susunod sana ako kay Tepan nang hinuli na naman ng lalaking manyak ang isang kamay ko. Hinila niya ako palapit sa kaniya. "Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Asik ko. Tumitig siya sa akin. He twisted his lips "May kasalanan ka pa sa akin, miss. Hindi ko papalagpasin iyon. Sinukahan mo ang-" Mabilis kong binawi ang kamay ko. I raised my hands, signs of surrender. "Alright, alright... May kasalanan ako. Sorry kung nasukahan mo ang pinakamamahal mong sasakyan. Sorry na, okay? Okay na?" May halong sarkastiko iyon. Humalukipkip siya sa harap ko. Kumunot ang noo niya na parang hindi siya kuntento sa paghingi ko ng dispensa. "Hindi sorry ang kailangan ko, miss." Sabi pa niya. "More than that." Laglag ang panga ko. "A-ano?" "Sabi ko, higit pa sa sorry mo ang gusto ko." Ulit pa niya na nakangiti parin. Tumawa ako ng may panunuya. Napahawak ako sa magkabilang bewang ko. "Alam ko na iyan, may balak kang gawin akong alalay mo, ganoon ba?" Dahil sa matangkad siya ay talagang tumingala ako sa kaniya. Nakipagbakbakan ako sa titigan! Tumaas ang isang kilay niya. "Nope. Hinding hindi ako nagpapahirap ng mga babae, binibini." Sabi pa niya. Humakbang siya palapit sa akin na dahilan para umatras ako. Palapit siya nang palapit sa akin hanggang sa dumapo ang likod ko sa counter ng Kusina! Humawaka siya doon na parang nakorner na niya ako! Nanlaki ang mga mata ko't muli nagtama ang mga tingin namin. My goodness, anong nangyayari?! Bakit grabe naman makatitig sa akin ang isang ito?! "I want a date." Namamaos niyang sabi. Ano daw? Date?! "May boyfriend ako-" "Wala akong pakialam sa boyfriend mo." Mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Shems, lalaking lalaki! "I can't get you out of my mind. Panagutan mo ako." Napalunok ako. "Mamayang alas sais, susunduin kita. Ipinaalam na din kita sa lola mo." Mahina niyang sambit. "Anong..." "I don't take nos, Laraya." Hindi ako magawang magsalita. Tinawag niya sa ako sa pangalan ko! Para akong kakapusin sa hininga! Anong meron sa mga mata niya at parang hindi ko maalis ang tingin ko doon?! "Huwag mo na akong tawaging manyak, hm? My name is Suther Ho, your future husband, my hello kitty..." "Hello Kitty?!" Bulalas ko. Muli siyang napangiti. "That will be my endearment to you, my hello kitty." "Bastos!" Sabay tulak ko sa kaniya. "Hindi mo ako madadaan sa ganyan mo. Bwisit ka." Huminga siya ng malalim. "Ang tapang masyado ng mapapangasawa ko." Mahina siyang humalakhak. "Tigilan mo ako, pwede ba? Hinding hindi ako sasama sa iyo!" "Anong gusto mo pagkasundo ko sa iyo? Flowers? Chocolates? O stuff toys?" Tanong pa niya. "Nakikinig ka ba?" Singhal ko. "Nakikinig ako, pero sabi ko, hindi ako natanggap ng hindi, hello kitty." Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa frustration. "My goodness! Umalis ka na nga lang!" Sabay turo ko ang pinto ng bahay. "Ayaw." "Bakit ang kulit mo?" "Galit ka sa akin, eh." "Eh sino ba kasing hindi magagalit sa mga kagaguhan mo?!" "Hey, don't say bad words, hello kitty." "You don't f*****g care, asshole!" Seryoso siyang lumapit sa akin hinawakan niya ang isang kamay ko at pinasandal na niya ako sa pader. Ang akala ko ay wala siyang gagawin sa akin pero nagkamali ako. He touched my chin and kiss my lips! I froze. Bakit parang tumigil sa paligid ko? My heart throbbing at the same time! Nagagawa din naman ni Ricky na halikan ako pero hindi ganito. Malayong malayo ang nararamdam ko sa ngayon. Bakit ganoon? He's just a total stranger for me but in just a moment, my whole system is losing! Isang halik niya lang iyon! "You got soft and kissable lips, my hello kitty..." Namamaos niyang sambit. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Please, don't cussed again, alright?" "B-bakit mo ginagawa ito?" Parang nawawala ako sa aking sarili. Marahan niyang idinapo ang kaniyang palad sa isang pisngi ko. Hindi maalis ang titig niya sa akin. "Because I saw my future the first time I laid my eyes on you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD