chapter five

1647 Words
Kailangan ko gumawa ng paraan. Kailangan ay hindi matuloy ang date na kinukulit sa akin ng lalaking iyon. Kabadtrip siya! Mukhang marunong naman siyang umitindi pero bakit ganoon? Umaakto siya na parang wala siyang naiitindihan sa sinasabi ko na hindi ako pwede kasi may boyfriend nga ako? Simple pero madaling maitindihan iyon! Inhale, exhale, Laraya. Huwag na huwag kang magpapaapekto. Masestress ka lang kapag iisipin mo pa ang lalaking iyon! Tsk. Napatingin ako sa pinto nang bigla ito nagbukas. Si Guia ang pumasok. Nagtama ang tingin namin. Sinalubong niya ako ng makahulugang ngisi. Akala mo nang-aasar siya! "Mag-aalas sais na, bakit hindi ka pa nagbibihis? Hindi ba may date kayo ni Suther Ho?" Napahilamos ako ng mukha. "My goodness, Guia! Please lang, huwag na huwag mong banggitin sa harap ko ang lalaking iyan!" Bulalas ko. Tinalikuran ko siya't umupo ako sa gilid ng kama. "Manigas siya d'yan, hindi ko siya sisiputin sa date na iyan. At saka, may boyfriend ako for Pete's sake!" Ngumuso siya at humalukipkip na sumandal sa pader. "May boyfriend ka nga, kabute naman." Napangiwi siya. "Susme naman, Laraya. Kung ako kasi tatanungin, may okay pa si Suther Ho kaysa d'yan kay Ricky. Makikita mo rin kung bakit hindi boto si tita d'yan sa jowabels mo." Kumunot ang noo ko. "Ano ba kasing dahilan bakit ayaw ninyo sa kaniya? Maayos naman siya..." "Alam mo naman kasi ang dahilan, cous. Ayaw mo lang tanggapin at pilit mong maging bulag sa paligid." Hinawi niya ang kaniyang buhok. "Kahit naman sa school, bali-balita na fuckboy, sige ka pa rin." "Pero hindi naman niya ako ginagalaw..." Tumawa siya na may panunuya. "Aba, syempre, pa-good boy sa umpisa iyon tapos kapag tumagal na kayo, ayon, hihingiin na niya iyan then boom, iiwan ka na niyang sawi!" Lumapit siya sa kaniyang kama at umupo doon. "Hindi siya ganoon." Pagdidepensa ko pa para kay Ricky. Umiling-iling siya sa akin. "My God! Narito tayo ngayon para magbakasyon ng bongga pero biglang sumingit ang Ricky na iyan sa usapan." Tumayo siya saka dinaluhan ang closet para kumuha ng iilang damit doon pagkatapos ay nilagay niya iyon sa aking tabi. "Oh siya, maligo ka na, bilisan mo. Ilang minuto nalang dadating na ang prinsipe." Sabay hila niya sa akin para makapasok na ako sa banyo. No choice ako kungdi maligo at magbihis. Isang floral off shoulders top and white skinny jeans ang pinasuot sa akin ni Guiana iteterno sa summer flats. Hindi na rin masama. Talagang magaling ang taste ng isang ito pagdating sa pormahan. Simpleng make up lang din ang nilagay niya sa mukha ko. Inayos din niya ang aking buhok. Loose plait braid ang ginawa niya na nagbabagay pa sa suot ko. "Ayan, ang ganda!" She exclaimed. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Pwede na ito. Simple lang naman ito. Hindi naman kailangan bonggahan. "Paniguradong nga-nga si Suther mamaya. Yiheee!" Wala pa nga ay kinikilig na siya. Huminga ako ng malalim. "Pumayag lang ako dahil pinilit mo ako, Guia." Malamig kong sabi. Ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Biglang may kumatok sa pinto. "Laraya, Guia? Narito na si Suther! Naghihintay na siya sa baba!" Boses ni Emily iyon. May bakas na kinikilig pa siya nang sabihin niya iyon. Pinagdilatan ako ni Guia dahil sa excitement. "OMG, nariyan na ang prinsipe!" Muli ako napabuntong-hininga. Umayos na ako ng tayo at talagang inaalalayan pa akong lumabas ni Guia. Bumungad sa amin si Emily na malapad ang ngiti. "Nasa baba na siya!" She giggled. Napangiwi ako. "Oo na, kakasabi mo lang." Halos itulak na ako ng dalawa kong pinsan pababa. Tama nga sila, nasa baba na nga si Suther. Nakaupo siya sa sofa at kasama niya roon sina lola at Tepan na masayang nagkukwentuhan. Naputol siya sa kaniyang sasabihin nang tumagos ang tingin niya papunta sa akin. Kita ko kung papaano siya natigilan nang makita niya ako. Ilang saglit pa ay ngumiti siya like he's proud. "Oh! Nariyan na pala ang aking apo, Suther." Nakangiting sabi ni Lola sa kaniya. Sabay tumayo na siya naman ang paglakad ko palapit sa kanila. Nakasunod lang sa akin ang dalawa kong pinsan. Suther is wearing light color blazer and black printed shirt inside and a jeans. Brown leather shoes ang itinerno niya doon. "Hey," Nakangiting bati niya sa akin. "Good evening, my kitty." Inirapan ko siya. "Mag-iingat kayo sa lakad ninyo, ha?" Paalala ni Lola kay Suther na hindi mawala ang ngiti niya. Pati ka ba naman, Lola? Bakit binebenta ninyo ako sa lalaking ito? "Don't worry po, Lola Loreta, ihahatid ko din si Laraya dito." Pagkatapos ay nilapitan niya ako sabay pinulupot niya ang kaniyang braso sa aking bewang! Nanlaki ang mga mata ko't bumaling sa kaniya. Nanatili pa rin nakangiti ang siraulong ito. "Let's go, my kitty." "Get off your hand on me." Mariin kong utos sa kaniya. "I'm sorry, but I can't do that, my kitty. I want to be more closer in you." What?! "Ingat kayooo!" Sabay na sabi ng tatlo kong pinsan habang palabas na kami ng bahay. Hanggang nasa tapat na kami ng pinto ng kaniyang sasakyan. Binuksan niya ang passenger seat. "There, hop in my kitty." Malumanay niyang sabi sa akin. Umingos ako't sumakay sa kaniyang sasakyan. Ang akala ko ay isasara pa niya ang pinto pero hindi. Lumapit siya sa akin at mas lalo pa niyang inilapit ang sarili niya sa akin na ikinaatras ko! Doon ko narealize na kinuha niya pala ang seatbelts at isinuot niya sa akin. Napalunok ako nang maamoy ko ang pabango. Nagtama ang tingin namin. "For your safety, my kitty." Sabi niya bago man niya tuluyang isinara ang pinto. Pinanood ko lang siyang umikot sa harap hanggang sa marating na niya ang driver's seat. Sinuot din niya ang kaniyang seatbelts saka binuhay na niya ang makina ng sasakyan. Bumaling siya sa akin. "Thank you, Laraya." Aniya. Umiwas ako ng tingin. "Pinilit mo ako." Ang tanging kumento ko, I heard him chuckled. Bakit ganito? Nakabukas naman ang aircon pero bakit ganoon? Bakit parang ang init pa rin? Feeling ko, pinagpapawisan ako ng ewan. "Uhmm..." I trailed off. "Saan ba tayo pupunta?" "Sa bahay ko." Simple at masaya niyang sagot sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko sa sinagot niya. "What?! Bakit doon?!" Hindi mapigilang tumaas ang boses ko. "Naroon ang surprise ko, my kitty." He answered while his eyes on the road. He turned on the stereo. "Huwag mo muna akong awayin, my kitty. Awayin mo ako kapag naroon na tayo." Pumikit ako ng mariin. Pinili ko nalang na huwag nalang magsalita. Sa isang exclusive subdivision kami napadpad. Dito rin sa Tagaytay. Bigla ako ginapangan ng excitement habang binabaybay namin ang highway dito sa Tagaytay. It feelis like quiet ang peaceful although maraming sasakyan at mga tao. Iba ang ambiance dito kaysa sa Maynila. "And here we are." He announced kasabay na pinatay na niya ang makina. Kinalas niya ang seatbelt at lumabas hanggang sa pinagbuksan na niya ako ng pinto. Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. Kahit na alinlangan kong tanggpin iyon, sa huli ay tinanggap ko iyon. "Welcome to my house, my kitty." Bakas sa mukha ang kagalakan. Kahit pagpasok namin sa bahay ay pansin ko na ayaw niyang bitawan ang kamay ko. Medyo kinakabahan ako sa anuman ang mangyari. Ano kasi, ang sabi kasi, huwag na huwag kang sasama sa guy kung ang gusto ng date nito ay sa bahay lang nila dahil baka may ano... Mangyayaring masama. Ang tanga mo, Laraya, bakit kasi sumama ka pa?! Pero bakit hindi kami dumiretso sa kuwarto niya? Instead, he gently pulled me until we reached the backyard of this house. Napasinghap ako nang may tumambad sa akin. A huge tent! May mga nakapulupot na chritmas lights sa naturang tent kahit sa damuhan! "Halika, my kitty." Sabi niya at muli niya akong hinila palapit sa tent. Napasapo ako sa aking bibig nang makita ko na may mga nakakalat na rose petalsa sa sahig ng tent! Bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa nakikita ko?! Kahit si Ricky ay hindi niya magagawa sa akin ang bagay na ito! Sumulyap siya sa akin. "Did you like it?" Nakangiting tanong niya. Tumingin ako sa kaniya na hindi pa rin ako makapaniwala. "N-nabigla lang ako." Mahina kong pahayag. Mas lumapad ang ngiti niya sa akin pagkatapos ay tininukod niya ang isang tuhod niya sa damuhan. "Let me help you to take off your shoes, my kitty." Malumanay niyang sabi. I let him. Pinapanood ko siya pero ang akala ko ay huhubarin na talaga niya ang aking sapatos pero hindi. May inilabas siyang red velvet box mula sa kaniyang blazer. Parihaba ang kahon na iyon. Binukan niya iyon at tinanggal niya doon ang bagay at isinuot niya iyon sa aking paa. A diamond stone anklet and it's a heart shape! Doon ay tuluyan na niyang hinubad ang aking sapatos at pumasok kami sa tent. "Dito ka muna, my kitty. Kukunin ko lang 'yung mga niluto ko sa Kitchen--" "B-bakit nilagyan mo ako ng anklet?" Hindi ko mapigilang itanong iyon sa kaniya. Bago man niya ako sagutin ay nakatitig siya sa akin ng ilang segundo. Muli siyang ngumiti. He touched my chin. Mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha dahilan para manigas ako sa kinauupuan ko! "Because I oath my commitment to you from now on, Laraya." Marahan niyang sambit. "You may not notice, but I'm totally inlove with you." Laglag ang panga ko. "Ano? Agad-agad?" Bulalas ko na hindi makapaniwala. "You believe in love at first sight, right? I think I feel that way when the first time I saw you." Ngumiwi ako. "Ang lakas ng trip mo, ano?" He chukcled. "Siguro, pero pagdating sa iyo, seryoso ako." He suddenly grab my hand and he plant a small kiss at the back of my palm! "I maybe a possessive one but I will endure the pain and hurt, Laraya." "A-anong..." "Make a sin with me. I don't care if you have a boyfriend. Handa akong kumabit sa iyo kung kinakailangan." Mataimtim siyang nakatingin nang diretso sa aking mga mata. Bakas sa mga mata niya ang kaseryosohan doon. "I might be the hardest person to start a relationship with, but I promise I will be the hardest person to break up with. Remember that, Laraya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD