chapter three

2595 Words
Kung sobrang sama ko lang, siguro pinakulam ko na ang lalaking 'yun! Pasalamat lang siya, hindi ko alam ang buong pangalan niya! Nakuu! Naikwento naman ni Guia at Emily kay Tepan ang nangyari kanina. Ni hindi na nga ako lumalabas ng kuwarto sa na akala mo may depression. Kung alam ko lang na ganito pala ang kinahinatnan ng bakasyon na ito, eh di sana hindi nalang ako pumayag na sumama dito. Eh di sana nag-aral nalang ako para sa entrance exam! Pumikit ako ng mariin nang umupo ako sa gilid ng kama. Kakatapos ko lang maligo. Tanging shorts at printed t-shirt lang ang isinuot ko. Wala na din akong balak sumama kung saan man gustuhin tumungo ni Guia mamaya. Wala na ako sa mood para lumabas. Naiirita lang ako kapag naalala ko ang kabulastugan ng lalaking 'yun! Ugh! Nagpasya nalang ako na kunin ang phone na nakapatong sa side table. Mag-oonline nalang ako. Kakausapin ko si Ricky. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi siya online. Hayyy, baka busy naman ang isang 'to. Nag-log out ako sa aking account. Pinatong ko sa side table ang cellphone ko. Tumayo na ako't dumiretso sa pinto para pihitin 'yun. Walang tao sa salas nang lumabas ako. Napabuntong-hininga ako. Siguro, doon muna ako sa garden. Tumambad sa akin ang mga pinsan ko na nag-uusap. Nilapitan ko sila. Tumingin sa akin si Guia habang si Emily naman ay napalingon. "Ang akala ko wala ka nang balak lumabas pa." Natatawang wika ni Guia sa akin at nagsalin ng orange juice. "Nakakabagot din." Tugon ko naman at umupo sa bakanteng upuan, sa tabi ni Emily. Pinatong ni Guia ang baso sa tapat ko. "Nababagot ka na?" taas-kilay niyang tanong. "Tamang tama, may pinag-uusapan kami ni Emily ngayon." Ngumiti siya. Kumunot ang noo ko. "Ano naman ang pinag-usapan ninyo?" takang tanong ko. "May party kasi akong pupuntahan dapat. Sa isang Resort na malapit din naman dito. Eh tatanggihan ko sana ang pang-aayaya sa akin dahilan na wala naman akong kasama. Birthday ng kaibigan ko, nakakahiya din pumunta kasi puros mayayaman ang dadalo." Paliwanag naman ni Emily. Tumango ako at kinuha ang juice, ininom ko 'yun. "Sama tayo kay Emily, Laraya." Halos mabilaukan naman ako sa sinabi ng makulit kong pinsan. Pinunasan ko ang bibig ko't pinanlakihan ko ng mga mata ito. "Baliw ka ba? Pupunta tayo sa party na 'yun eh hindi naman natin kakilala lalo na 'yung celebrant! Saka, ayokong maging gate crasher." Nagkibit-balikat si Guia. "Ano naman? Sa dami ng taong pupunta doon, mahahalata bang grate crasher tayo? Sa ganda nating ito? Hello?" At humahalaklak sila ni Emily. "Sumama ka nalang kayo sa akin, Laraya. Para naman hindi ako ma-out of place doon." Napangiwi ako. Talagang totohanin nila ang plano nila, ah. Grabe ang mga 'to. "Eh diba sabi mo puros mga mayayaman ang pupunta sa birthday party? Ayoko." "Ano naman kung puros mayayaman ang dadalo doon? Bakit, hindi rin ba tayo mayaman?" Nakangisi sabi pa ni Guia. Naniningkit ang mga mata ko. "Huh? Tayo? Mayaman?" "Mayaman sa utang!" Saka tumawa na naman siya. Ganoon din si Emily. Naiiling nalang ako. Bakit kasi nagkaroon ako ng baliw na pinsan, eto naman si Emily, mukhang nahawaan pa niya. "Teka, Emily... Ano pala ang motif ng party na 'yun? Wala akong gown, ha!" wika ulit ni Guia. "Ang pagkaalam ko eh semi-formal lang naman. Hindi naman pabonggahan ang mga susuotin." Nakangiting sagot ni Emily. "Ahh, 'yun naman pala, eh. Wala na tayong poproblemahin pa, cous. May mga vintage dress ka naman sa cabinet mo. Meron din naman akong pamporma mamaya kung ganoon. Diskarte ko na 'yung susuotin ko." Napabuntong-hininga ako't napapikit ng mariin. "Oo na, ang kulit." Sabi ko sabay uminom ulit ng juice. "Ayan, ha? Wala na tayong masyadong poproblemahin." Nagniningning ang mga mata ni Guia na may kasama pang palakpak. Syempre, party ang pupuntahan, eh. Mahilig naman talaga itong si Guia sa mga party kaya naman marunong siya makisalamuha sa ibang tao. Alas syete ng gabi daw ang umpisa ng party. Kaya naman ay nagpaalam kami kay lola ng maayos para makaalis din kami. As usual, maiiwan na naman si Tepan para magbantay kay lola habang wala kami. Siguro naman ay hindi kami magtatagpo ng lalaking 'yun. Ang lalaking sumisira ng bakasyon ko. Naligo ako at namili ng mga damit na susuotin. Napakamot ako sa aking kilay, wala akong ideya kung anong susuotin. Kaya ang ginawa ko ay pinuntahan ko sina Guia at Emily sa kabilang kuwarto para makita kung anong pormahan nila. Sa pagkaalam ko kasi ay si Guia ang nag-aayos at namili ng damit para kay Emily. Lumabas ako nang nakatapis pa. Walang sabi na binuksan ko na ang pinto ng kuwarto ni Emily. "Guia, anong porma—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko na tumambad sa akin si Emily na nakalugay ang buhok, naka-white vintage dress siya, hanggang taas ng tuhod ang haba ng laglayan ng bestida, suot din niya ang three-inch stilettos na paniguradong pinahiram ni Guia ang mga gamit niya dito. Pero, ang hindi talaga ako makapaniwala ay may kagandahan palang taglay si Emily, lalo na kapag nakaayos. Kahit morena siya ay maganda talaga siya. Bagay na bagay sa kaniya ang porma niya. Nagmumukha siyang modelo sa hitsura niya ngayon. Bagay din sa kaniyang make-up niya. Simple pero elegante tingnan. "What can you say, my dear cousin?" Nakangising tanong ni Guia. I can't help to smile. "Wow... Just wow." Bulalas ko. Nilapitan ko sila. Siya naman ang pagngiwi ni Emily. "Bagay ba talaga itong suot ko? Hindi ba mukhang weird?" Tanong niya sa amin. Umiling ako. "No, ang ganda mo talaga, Emily." Kumento ko. "Teka, bakit ka nga pala napasugod dito eh nakatapis ka pa, ha?" Nakapameywang na tanong ni Guia. "I just want to know kung anong susuotin ninyo. Baka kasi ma-out of place tayo." Tugon ko. "Well, mukhang alam ko na ang isusuot ko. See you." Sabay lumabas ako ng kuwarto at bumalik sa kuwarto ko. Inilabas ko sa cabinet ang lacy vintage dress ko. Kulay sky blue iyon. Hanggang tuhod ang haba nito at naglabas din ako ng kulay white na doll shoes. Nag-apply din ako ng lotion. Sinuot ko ang mga 'yun at humarap na ako sa salamin para ayusin ko naman ang aking mukha. Simpleng make-up lang din ang inaapply ko. Mas sanay ako sa simpleng make-up hindi tulad ni Guia na mas grabe kung maglagay ng make-up. Sabagay, party girl nga naman talaga siya. Nagspray din ako ng pabango. Kinuha ko din mula sa apador ang shoulder bag ko para ilagay ang mga personal kong gamit. Kinuha ko ang phone one ko at chineck 'yun. Wala pa ring text galing kay Patrick, ang saklap naman. Ano na kaya nangyayari doon? Nahinga pa ba 'yun sa ibabaw ng dagat ng Mindoro? Hay nakooo! "Laraya? Tara na," Dinig kong aya ni Guia nang buksan niya ang pinto ng kuwarto. "Emily is waiting, naghihintay na din ang tricycle sa labas ng gate." "Okay. Susunod din ako." Sabi ko. Tumango lang si Guia at sinara na niya ang pinto. Napangiwi ako dahil palowbat na din ako. Twenty percent nalang ang battery ko. Kainis, nakalimutan ko pang mag-charge. Talaga naman, oh. Di bale, dadalhin ko pa rin. Lumabas na din ako ng kuwarto at pinuntahan ko sila sa terrace. Naghihintay sa akin ang dalawa kong pinsan na nakaporma, dinig ko pang inaasar ni Tepan ang ate niya. Paniguradong ngayon niya lang nakita ang ate niya na nakaporma ng ganito. "Mag-iingat kayo, ha?" Paalala ni lola sa amin. "Bumalik kayo bago mag-alas dose." "Opo, lola." Sagot naming tatlo sabay nag-mano na kami't dumiretso na sa gate dahil naghihintay na sa amin ang tricycle. "Okay, mapapasabak tayo ng gyera bago tayo makarating ng party." Biglang sabi ni Guia habang palabas na kami. Natigilan naman kaming dalawa at tiningnan namin siya. "Huh?" She rolled her eyes and crossed her arms. "Hello? Pupunta tayo ng party, ang effort nating pumorma, tapos tricycle ang service natin? Nakakawala ng poise mga be!" "Naku, Guia. Kung magrereklamo ka lang din naman, maaari ka nang maiwan dito sa bahay." Inirapan ko siya at dire-diretso na kami ni Emily palabas ng gate. "Huy! Hintay! Nagbibiro lang naman ako!" Talaga naman, oh. Sarap din batukan ang isang 'to, eh. Ingay ng nakakaindak na musika, neon lights, maraming tao na abala na makipag-usap kung kani-kanino. Medyo hindi ako mapakali habang papasok na kami sa kuwarto kung saan gaganapin ang party. Nakahawak pa nga ako kay Emily habang naglalakad kami na akala mo isang bata na takot mawala. "Oh..." kumikislap na naman ang mga mata ni Guia nang nakarating na kami sa venue ng party. "Ang daming fafables!" "Umayos ka nga, Guia." Saway ko sa kaniya. Umingos lang si Guia. "Doon na muna ako sa counter. Kita kits nalang tayo." Hanggang sa iniwan na niya kaming dalawa. "Pambihira talaga itong si Guia. Wala talagang sinasanto kapag party na ang pinag-uusapan." Mahina kong sabi. Bumaling ako kay Emily na palinga-linga na parang may hinahanap. "Saan nga pala dito ang birthday celebrant, Emily? Batiin mo na." Tumingin siya sa akin. "Hindi ko pa makita, eh." "Ahhh..." Sabi ko at inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Madami talagang bisita dito. Halata din sa mga kasuotan nila ay may mga pangalan. Paniguradong mamahalin ang mga iyon. Hayy, ito ang ayaw ko sa mga party, eh. Pakiramdam ko kasi, kasama na din sa mga usapan nila ang mga mamahaling gamit nila. In short, payabang ba. "Laraya, hahanapin ko lang 'yung iba ko pang kaibigan dito, ha? Puntahan nalang kita doon." Sabay turo niya sa bar counter. "Oh sige..." sabi ko nalang at pinuntahan ko nalang ang counter. Teka, bakit wala dito si Guia? Ang sabi niya dito din daw muna siya. Napailing nalang ako. Ibang klase talaga ang babaeng 'yun. Saan na naman ba nagsusuot 'yun? Talaga naman. "Drinks, ma'm?" Usisa ng bartender sa akin. Medyo natigilan ako. Wala akong alam sa mga alak. Hanggang Emperador Lights at Barangay Ginebra lang ang alam ko. Pero hindi talaga ako nainom ni isang patak. Wait, may narinig ako dati sa mga napanood kong English movies dati. Nasa bar din ang babae nang nasa eksenang 'yun. "s*x on the beach, please?" tila hindi pa ako sigurado sa sinabi ko. Tumango lang ang bartender at tinalikuran niya ako. May inilabas siyang parang mga baso. Nakakagulat na bigla niyang pinaghahagis ang mga 'yun sa harap ko! Napaawang ang bibig ko habang pinapanood ko siya. Swear, ngayon palang talaga ako nanonood ng ganito sa buong buhay ko, sa personal pa! Naglabas din ng isang malapad ng glass wine ang bartender at isinalin niya ang alak na galing sa pinaghahagis niyang mga baso. Inilapag niya 'yun sa harap ko nang nakangiti. "Enjoy the drink, ma'm." Ngumiti din ako. "Thank you." At inamoy ko 'yun. Napalunok ako. Ganito pala ang amoy nito. Ang tapang! Di bale, ngayon lang naman 'to, eh. Ininom ko ang shot. Ang tapang talaga ng lasa! Ramdam ko ang pagkahagod ng alak sa lalamunan ko. Ewan ko ba, kahit na hindi naman talaga nainom ng alak ay nagustuhan ko ito. "Kuya, isa pa." sabi ko. Hindi naman nagtagal ay binigyan pa ako ng isa pang baso ng kuya bartender. Ininom ko ulit 'yun. I can feel this shot is addicting... parang ayaw kong bitawan. Naka-limang shot na ako ng s*x on the beach na 'yan ay nakaramdam na ako ng hilo. Parang gusto kong matulog pero ayaw pa ng sistema ko. Nagbago ang musika. Kaninang medyo slow, ngayon naman ay mas nakakaindak at mas maingay. Kita ko na may nagsasayaw sa may dance floor. Parang hinihila ako ng kung ano para makalapit sa dance floor na 'yun. Gusto kong umuwi pero hindi ko rin naman makita ang dalawang pinsan ko. Ugh. Nasaan na ba sila? "Hi, miss." Napalingon ako nang may tumambad sa akin na isang lalaki. Parang kano. Guwapo at matangkad. Bagay din sa kaniya ang porma niya kaya dagdag din ng points 'yun. "Can we dance?" nakangiti niyang tanong sa akin. Namumungay ang mga mata ko. Nagiging dalawa na ang lalaking 'to. Napangiwi ako. "Hindi ako marunong... sumayaw, kuya..." "I can teach you..." parang inaakit pa niya ako sa pamamagitan ng kaniyang tinig. Inilapit niya ang katawan niya sa akin. Damn it, ano bang problema ng isang 'to? He's taking advantage! Mas ikinagulat ko na bigla niya akong hinawakan sa bewang. Mahina ko siyang naitulak at hindi makatingin ng diretso sa kaniya. "Huwag mo nga akong hawakan kung ayaw mong mashapak kita!" Parang walang narinig ang tukmol na 'to, ah. Aba't— "Dave!" Tumigil ang lalaki sa ginawa niya nang may tumawag sa kaniya. Naninigkit ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking chinito... Nakagrey v neck shirt na kulay puti na pinatungan lang ang itim na coat. Naka-maong pants ito at naka-high cut Chuck Taylor shoes ito. Medyo magulo din ang kaniyang buhok. Bagay na bagay sa kaniya ang porma niya. Lalo tumingkad ang kaniyang kaguwapuhan kahit sa dilim, kahit na din tumama sa kaniya ang neon lights! "What, Suther?" Iritadong sabi ng lalaking sumasayaw sa akin nang lingunin niya ang lalaking chinito. "Hinahanap ka ni Ylanah." Blangko ang ekspresyon niya sa mukha at tumingin sa akin ng diretso. Napakamot ng ulo ang lalaki at lumisan sa harap ko. Namumungay pa rin ang mga mata ko at inirapan ko ang lalaki. Talikuran ko nga! "Wait," sabay hawak niya sa braso ko. Matalim ko siyang tiningnan. "Let me go, manyak." Naiinis kong sabi. Nagpumiglas ako. "Teka nga, dapat nga nagpapasalamat ka sa akin dahil iniligtas pa kita sa kamay ni Dave, siya ang dapat sabihan mo na manyak at hindi ako." Bakas na din sa boses niya ang pagkairita. Aba, siya pa ang may ganang mabwisit. "Eh di thank you!" then I walked out. Wala talaga akong ganang makipagtalo sa lalaking 'yun. Lalo na't malakas na ang amats ko. Lecheng s*x on the beach na 'yan, hindi ko akalain na ganito ang mangyayari sa akin! Kahit na nahihilo't inaantok na ako ay pilit ko pa ring hanapin ang mga pinsan ko. Kainis, sa laki ba naman ng lugar na ito ay paniguradong mahihirapan akong hanapin sila. "Laraya?" Itinagilid ko ang aking ulo. Si Guia. Finally! "Hey, are you drunk?" nanlalaki ang mga mata niya nang sinuri niya ang sitwasyon ko ngayon. "Oh my God." "Tss, mamaya ka na magulat ng bongga, pwede? Lumabas muna tayo dahil gusto ko ng hangin, ngayon din!" I demand. Tumango siya't hinahawakan niya ang isang kamay at likod ko. Inaalalayan niya akong maglakad hanggang sa makarating kami sa nakahilerang mga sasakyan. Kahit nahihilo ako, alam kong puros mamahalin ang mga sasakyan na ito. Hindi lang pagkahilo at antok ang nararamdaman ko ngayon. Parang binabaliktad din ang sikmura ko! Damn! Ako ang kusang bumitaw kay Guia at tumakbo ako sa isang sasakyan saka yumuko ako. Nakahawak din ako sa bumper ng sasakyan. Inilabas ko ang masamang bagay mula sa aking sistema. Yeah, nagsuka ako sa mismong bumper ng sasakyan. "Oh shit." My cousin hissed. "Kaloka ka, Lara! Sa mismong bumper ka nagsuka!" Then she laughed loudly. I raised my hand to tell her to stop. Wala akong ganang makipagtalo talaga. I just... I just want to take some rest and sleep. Damn that drink! Now I'm hating you, s*x on the beach! "Guia, anong nangyari kay Laraya?" dinig kong boses ni Emily. "Obviously, nagsuka." My cousin answered. "Hindi sanay uminom ang babaeng ito. Napuntahan mo na ang celebrant?" "Oo, nabati ko na siya." She answered. "Great, so let's go home!" I cried. "I want to sleep!" Wala naman magawa ang mga pinsan ko kung di umuwi nalang kami. Damn it, puros kamalasan na lang talaga ang inabot ko buhat nang nakarating ako dito sa Indang! Kulang nalang sumpain ko ang lugar na ito! "Emily!" Tumigil kami sa paglalakad nang may tumawag. Sabay kaming lumingon, namumungay pa rin ang mga mata ko, hindi ko din gaano naaninag kung sino ang lalaking tumawag sa pinsan ko. "Oh, Suther? Bakit?" "May kasalanan ang pinsan mong 'yan sa akin. Talagang kotse ko pa ang sinukahan niya..." Hindi ko na masundan pa ang sinasabi niya dahil inaantok na talaga ako. Pinikit ko na ang mga mata ko at hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD