Chapter 6: She Save Him

1739 Words
Hinahanap ni Camilla ang ina, alam niyang nasa bahay lamang ito dahil nakita niya kanina ito. Wala ang ama dahil abala ito sa kanilang negosyo sa kagustuhang mabayaran ang pagkakautang ng ina. Hinanap niya sa buong kabahayan pero wala ito kaya naisip na nasa silid ito kaya nagmamadali siyang pumanhik sa ikalawang palapag ng kanilang bahay at tinungo ang silid ng mga magulang. Kakatok sana siya nang makitang nakauwang ang silid ng mga ito. May kabang bumundol sa dibdib ni Camilla dahil mula nang malamang lugmok sa pagkakautang ang ina ay binabantayan ang bawat kilos nito, baka kasi maisipan nitong magpakamatay dahil sa depresyon. May kaba man sa dibdib ay unti-unting itinulak ni Camilla ang pinto, nakahinga siya nang makitang wala roon ang ina, hindi nakabigti o naglalas ng pulso. "Mama!" malakas na tawag sa pag-aakalang nasa CR ang ina ngunit nakailang tawag na siya rito ay hindi pa rin tumutugon ang ina. "Mama!" aniya sabay bukas ng pinto ng CR. Wala roon ang ina kaya napapakunot na lamang ang noo niya. "Umalis kaya siya?" tanong sa sarili saka nagmamadali sanang umalis nang may mapansin sa side table ng kama ng mga ito. Bahagya nakabukas ang drawer nito at sa ibabaw ay balat ng kung anong bagay. Nang tuluyang ibukas ni Camilla ang drawer ay nakita ang isang toxic bottle na batid na isa 'yong lason, sa tabi nito ay ilang piraso ng syringe. Mas lalo pang pumukaw sa kanyang pansin ay ang balitang nakalagay sa news sa ibabaw ng kama ang balitang wala pa ring malay si Adonis Del Fuego. Isang senaryo ang agad na pumasok sa isipan na maaaring gawin ng ina para makalusot sa pagkakautang kay Mr. Del Fuego. Mabilis na binuksan ang laptop ng ama na nasa ibabaw ng dresser at itinipa roon ang pangalan ng lalaki, nais niyang malaman lahat ng impormasyon hinggil sa lalaki at kung nasaan ito, maaaring naroroon ang ina. Kailangan niya itong pigilan sa nais nitong gawin na pwede niyang ikapahamak. Nang makita ang latest news sa lalaki ay nakita ang emergency ng ospital kung saan itinakbo. Alam niya ang ospital na 'yon dahil minsan niya na rin siyang napunta roon nang maaksidente ang ama noong nakaraang taon. Nagmadali siyang tinungo ang ospital, hindi na siya nag-abalang magpalit pa ng suot at nagmamadaling tinungo ang kinaroroonan ng kanyang sasakyan. May pagtataka sa mukha ng kasambahay kung bakit siya tumatakbo pero hindi na siya nag-abalang magpaliwanag pa sa mga ito. Halos bente minutos rin bago niya narating ang ospital, mainam na lamang at wala gaanong sasakyan kaya nakarating lahat. Kung anu-ano na kasi ang pumasok sa kanyang isipan sa kung ano ang ginawa ng kanyang ina. "No, mom, you can't do that, please," anas niya. Bukod kasi sa ayaw niyang mapahamak ang ina at makagawa ito ng masama ay may parte sa puso na umaasang huwag mamatay ang lalaki. 'Ang guwapo pa naman niya,' anang ng pilyang isipan. Nagmamadaling tinungo ni Camilla ang reception ng ospital. "Hi, ma'am, saang room si Mr. Del Fuego?" usisa sa reception. Napatingin sa kanya ang babae na nagdududa. "Kaano-ano ka ng pasyente, ma'am?" untag sa babae. "P-Pinsan po," aniya rito. Muling napatingin ang babae sa kanya. "Ah, anak kayo siguro ng tiyahin ng pasyente na nagpunta rin kanina, medyo hawig po kayo, e," wika nito. Napalunok si Camilla dahil hindi siya nagkamali ng hinala, naroroon nga ang kanyang ina. "Oo, ma'am, anak po niya kaya magpinsan kami ni Adonis," saad niya sabay ngiti rito. "Ganoon po ba, sige po nasa room 115 po siya," mabilis na sagot ng babae sa reception. Hindi na niya nagawang magpasalamat pa at mabilis na tinungo ang silid na sinabi ng babae, medyo nahirapan pa siyang hanapin dahil sa hindi naman niya kabisado ang ospital. Kaya hingal na hingal siya nang tuluyang makita ang room 115 ng ospital kaya nagmadali na siyang buksan nang tumambad sa kanya ang isang pares, isang lalaki at isang babae. Mabilis niyang tiningnan kung si Adonis ba ang pasyente ngunit hindi niya makilala dahil nakabenda ang buong mukha nito. "Y-Yes, miss, what can I do for you?" bulalas ng lalaki. Natitigilan si Camilla dahil hindi kilala ang mga nasa harapan ngunit agad na nakita bg mga mata ang hawak na syringe ng lalaki at nang mapansin nitong nakatingin ako sa kamay nito ay agad na itinago ang hawak kaya bago pa makahalata ang mga ito ay agad na siyang nagsalita. "Sorry, hindi ko alam na hindi pala dito ang mommy ko, sabi kasi sa information, room 116 daw," wika sa mga ito. "Next time, miss you need to be careful, this is room 115 not 116!" inis at galit na tinig ni Zara nang mapansing napapatitig si Brent sa babaeng nasa pintuan. "I'm sorry, miss, hindi na mauulit," giit ni Camilla. Kung sino man ang mga ito ay tiyak na may masama ring balak kay Adonis. Pumasok tuloy sa isipan na baka may pagkakautang rin ang mga ito kay Adonis. "Hindi na talaga kaya umalis ka na!" pagpapalayas sa kanya ng babae kaya nagmamadali na siyang lumabas nang may mabangga siya. "Watch out, lady," baritonong tinig ng lalaki. "Sorry, sir," mabilis na hingi ng paumanhin sa lalaki na halatang edukado sa bihis at tindig pa lamang niya. "It's okay, you must be careful next time," sinserong wika pa nito. "Teka, dinadalaw mo ba si Mr. Del Fuego, by the way, I'm Alex Mendez, lawyer ni Mr. Del Fuego," pakilala ng lalaki. Sasagot na sana si Camilla nang sumabad ang lalaking may hawak na syringe kanina. "She's nothing than a intruder, naliligaw at bigla na lamang napasok rito," singit ng lalaki. Tila napahiya ang attorney sa sinabi ng lalaki. "I see, next time, miss, make it sure para hindi ka naliligaw," bulalas ng attorney at tuluyang pumasok. Walang nagawa si Camilla kundi ang lumabas para hindi makahalata ang mga ito. Patalikod na siya nang maulinigan ang usapan ng tatlo sa loob ng silid ni Adonis lalo na at hindi gaanong lumapat ang pinto pasara. "Ano, attorney, sa 'kin ba mapupunta ang kayamanan ng mahap kong pinsan kapag namatay siya?" bulalas na saad ng lalaki. 'Hindi kaya gusto niyang patayin si Adonis para makuha ang yaman niya?' aniya sa isipan. Mali pala ang hinala na may pagkakautang ito kay Mr. Del Fuego. "Hindi pa naman patay ang kliyente ko, Brent, kaya hindi ko pa masasabi 'yan," palatak namang sagot ng abogado. Nainis si Brent sa pambabara sa kanya ng lawyer ng pinsan. "Huwag kang maangas, Mendez, lawyer ka lang ng pinsan ko, ako ang kadugo!" inis at madiing wika ni Brent. "Tama ka, Brent, lawyer lang ako at wala akong balak sa kayamanan ng pinsan mo, hindi tulad mo?" matapang na sagot ni Attorney Mendez nang bigla siyang kuwelyuhan ni Brent. Nataranta si Camilla na nasa pintuan. Napatingin sa kaniya ang tatlong nababalutan ng tensyon. "Hindi ka pa umaalis, miss!" inis na wika ng babae na noon ay pasugod kaya nagmamadali na siyang umalis. Nang matiyak na hindi siya nasundan ng babae ay napanatag na si Camilla, magpapalipas lang siya ng ilang sandali ay babalik siya upang kausapin ang attorney, siya lang ang makakatulong na hindi matululoy ang balakin ng dalawa kay Adonis. Matapos ng ilang sandali at sumilip siya, nakitang nakasara ang pinto ng silid ni Adonis. Hindi nagtagal ay bumukas 'yon at iniluwa ang attorney dahilan upang mabilis ko siyang sinalubong kahit pa may pagtataka sa mukha nito. "Sir, you need to stay with him, iyong dalawa sa loob, may balak silang patayin si Mr. Del Fuego," pabulong na wika sa lalaki. Napatigil ito at tumitig kay Camilla. "I'm telling the truth," giit niya. "Paano mo nasabi?" saad pa rin ng lawyer. "He has all the motive to kill him, ngayon pa nga lang ay tila sinisigurado na niya na sa kanya mapupunta ang yaman niya. I saw him with a syringe nang bigla akong pumasok kanina, suspetsa ko ay may lason 'yon," paliwanag niya sa attorney na tila natauhan at mabilis na bumalik sa silid ni Mr. Del Fuego. Nakahinga naman nang maluwag si Camilla na magawang makumbinse ang attorney na huwag ipagkakatiwala sa dalawang tao sa loob ng silid si Adonis. "You owe me your life," anas habang nakatitig sa pinto ng silid ni Mr. Del Fuego saka na siya timalikod upang makauwi na. Ang importante sa kanya ngayon ay wala roon ang ina. *** Pagbalik ni Attorney Mendez sa loob ng silid ng kanyang kliyente ay nabigla ang pares na iniwan kanina. "May nakalimutan ka ba, Mendez!" inis na tinig ni Brent. "Wala pero naisip kong bantayan si Mr. Del Fuego, binilin niya kasi na kapag may mangyari sa kanyang hindi maganda ay bantayan ko siya," kaila niya sa lalaking kausap. Natawa nang malakas si Brent sa narinig na sinabi ng attorney. 'Stupido!' ngitngit ng kalooban. "No, it's okay, Mendez, makakauwi ka na dahil nandito naman ako bilang pinsan niya at si Zara na girlfriend niya," palatak ni Brent. Nabaling ang tingin ni Attorney Mendez sa babae at sumingit sa isipan ang minsang nasabi ni Adonis sa kanya, hindi batid kung nagbibiro ba ito o hindi, na may nabubuong lihim na relasyon ng pinsan at kasintahan nito. "No, it's fine, kung gusto niyong magbatay ay pwede naman tayong tatlo," pagpupumilit ni Attorney Mendez na mas lalong kinainis ni Brent. "Alam mo, hindi ko alam kung ano ang plano pero sa 'kin mapupunta ang kayaman ng aking pinsan," galit na galit na halos singhalan ang attorney. "Okay, fine., if you say so," cool na cool namang sagot ng lawyer na mas lalong kinapuyos ng inis ni Brent. "It's okay, Brent, let him stay here, mainam na 'yon upang makatulog tayo ng maayos," awat naman ni Zara. Ilang sandaling nag-usap ang kanilang mga tingin nang sa wakas ay pumayag si Brent na umalis. "Aalis kami pero hindi ibig sabihin na talo kami, magbantay ka hanggang gusto mo!" galit na saad ni Brent saka nagmamadaling nagmartsa palabas na sinundan naman ng babae. Nang makaalis ng dalawa ay isang pasya ang ginawa ng attorney, 'yon ay kukuha ng bodyguard na magbabantay sa labas ng ospital at caregiver na babantay kay Mr. Del Fuego na hindi sila masalisihan nina Brent at Zara. Tiyak na hindi siya titigil hangga't hindi nila napapatay si Adonis. Habang nakatitig kay Adonis ay hindi niya maiwasang maalala ang babae. Bakit ganoon na lamang ito ka-concern sa kanyang kliyente. "Sino siya?" anas niya ngunit nang walang makuhang sagot ay nagkibit-balikat na lamang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD