Pagbalik nina Zara at Brent sa ospital ay nabigla sila nang makitang may dalawang lalaking nakatayo sa may pinto ng silid ni Adonis. Nang subukan nilang pumasok ay hinarangan sila ng mga ito.
"What the heck! Pinsan ako ng pasyente at sino ka para pigilan kami!" galit agad na boses ni Brent.
"I'm sorry, sir pero sumusunod lamang kami sa utos," saad ng isang guard.
"Utos? Nino? Si Attorney Mendez ba?" palatak ni Brent.
"Yes, may angal ba Brent?" matigas na tinig mula sa likuran nila dahilan upang mabilis na lingunin ng dalawang bagong dating.
Susugurin sana ito ni Brent pero pinigil nang makitang may kasamang isang lalaki na nakasuot ng scrub suit at doktor.
"Anong ibig sabihin nito, Mendez!" inis na wika ni Brent kay Attorney Mendez.
"Sinìsigurado ko ang kaligtasan ng aking kliyente," sagot nito dahilan upang mas lalong magalit ang dalawang bagong dating.
"What? I'm his girlfriend, so isa na rin ba akong threat kaya pati ako ay restricted nang dumalaw?" pasarkastikong bulalas ni Zara.
"Hindi naman, Miss Abueva, unless isa ka nga talagang threat," patuyang sagot naman ni Attorney Mendez nang bigla itong sugurin ni Brent at leegan ito. Mabilis namang aawat sana ang dalawang guard pero pinigil niya.
"Lawyer ka lang, kami ay pinsan at kasintahan niya kaya wala kang karapatang pagbawalan kami!" galit na galit na saad nito sabay tulak-bitaw sa abogado saka ito dere-deretsong pumasok sa loob.
Pipigilan sana ito ng mga guards pero sinabing hayaan na sila.
Pagpasok nina Brent at Zara ay gulat na gulat sila nang makitang nagalaw si Adonis na tila kinukumbulsiyon.
Nagtinginan ang dalawa. Kumindat si Brent at mabilis na tumakbo papalabas si Zara, tila alam na ang ibig sabihin noon, it's time for a dramatic scene.
"Doc! Doc! Kinukumbulsiyon ang boyfriend ko, please doc!" malakas na iyak ni Zara na tudo ang iyak.
Nagmamadaling sumugod sina Attorney Mendez, ang doktor at uupahang magbantay kay Adonis na caregiver.
"Kasalanan mo 'to! Kung hindi mo kami pinigil ay sana ay naagapan ang pagkukumbulsiyon niya!" gigil na sisi ni Bret kay Attorney Mendez.
Agad namang tinurukan ng doktor nang pampakalma si Mr. Del Fuego.
"Normal lang sa kanya ang kumbulsiyunin sa lakas ng gamot na ibinigay namin para ma-revive siya, Mr. Del Fuego," paliwanag ng doktor dahilan upang mapipilan ito.
"Para hindi ka ulit mabigla, Brent, nag-hire nga pala ako ng caregiver niya para may magbantay sa kanya 24/7 dahil nga may matinding side effect ang gamot na ibinigay sa kanya," pagpapaliwanag ni Attorney Mendez kay Brent at Zara.
Kapwa napatingin ang mga ito sa lalaking naka-scrub suit.
"Hindi ba't mas mainam na rin 'yon dahil pareho naman din kayong busy sa trabaho ninyo. Mukhang matatagalan pa siya bago maka-recover," anang ni Attorney Mendez.
Napansin niya ang lihim na tinginan ng dalawang kausap kaya malakas siyang tumikhim.
"Alam mo kapag naka-recover ang pinsan ko sasabihin ko lahat ng pakikialam mo!" inis na turan saka padabog na lumabas ng silid ngunit bago ito makalabas ay sumagot ang abogado.
"Huwag kang mag-alala, Brent, dahil ako mismo ang magsasabi sa kanya," sagot nito dahilan upang mas lalong magpuyos ang damdamin nito ngunit nagpipigil.
Mabilis na sumunod si Zara kay Brent dahilan upang mas lalong mag-init ng ulo ng huli.
"Bakit sumunod ka agad, 'di mas lalo silang kakahalata!" gilalas ni Brent.
"Ano'ng gusto mong gawin ko, makipagplastikan doon, gigisahin ko ang sarili ko sa sarili kong mantika, ganoon?" inis na sagot rin ni Zara.
"Sh*t na Mendez 'yan, makikita niya!" nanggigigil na bulalas ni Brent.
"Paano 'yan, paano natin maisasagawa ang plano natin. Hindi siya pwedeng mabuhay, kailangan mong makuha ang lahat ng kayamanan niya," bulalas ni Zara para palakasin ng loob ni Brent.
"Gagawa ako ng paraan, hindi maaaring mabuhay pa si Adonis," palatak nito.
"Oo, hon, kailangan na niyang mawala sa mundo para tayo naman ang maghari," sabad pa ni Zara na mas lalong nagpabalik kay Brent ng kumpiyansa.
"Umuwi na muna tayo at makapagpahinga," tuluyang wika ni Brent.
"Mabuti pa nga," segunda ni Zara kay Brent sabay halik sa labi nito ngunit agad na itinulak ng lalaki.
"Baka may makakita sa 'tin," anito saka nagpatiunang naglakad.
***
Bitbit ang basket ng prutas pero hindi alam ni Camilla kung tutuloy ba siya sa silid ni Mr. Del Fuego, nakita kasing may dalawang lalaking nagbabantay sa silid nito.
Urong-sulong siya hanggang sa mapagdesisyuhang huwag nang tumuloy nang biglang may makabanggahan siya.
"Oops, sorry sir, hindi ko sinasadya," nagmamadaling saad sa nakabanggahang lalaki habang abala siyang pinupulot ang piraso ng oranges na nalaglag dahil sa aksidenteng banggahan nila.
"Miss," wika ng lalaki dahilan upang mapatingin sa mukha nito.
Biglang napaunat nang tayo si Camilla nang makita ang lalaking kabanggahan at nakilala ito na si Attorney Mendez. Hindi tuloy siya nakakibo.
"S-Sir," maang niya.
"May dinadalaw ka ba rito o dadalawin mo si Adonis?" usisa nito.
Hindi tuloy nakapagsalita si Camilla sa sinabi ng abogado.
"Miss, I don't know who you are pero alam kong concern ka kay Mr. Del Fuego, may I know your name, please," anito sa kanya.
Nakailang lunok si Camilla sa nerbiyos.
"Camilla Bustamante," aniya rito. "I meet Mr. Del Fuego prior to his accident," sagot dito.
"I see? Do you think his accident was premidedated or not?" wika ng abogado.
Hindi muli nakaimik si Camilla, tila may hinala ang lawyer ni Mr. Del Fuego na hindi aksidente ang nangyari rito.
"Anyways, the investigators are doing their best to find out what trigger the accident," bulalas nito nang wala itong marinig na tugon buhat sa kanya.
"T-That's g-great," anang niya na may kaba sa dibdib. Ibang senaryo ang pumapasok sa isipan, baka sa ina mabunton ang sisi kung bakit naaksidente si Adonis.
"Miss," untag ng abogado sa kanya at doon lang siya natauhan, nakatulala pala siya rito. "If you want to see, Mr. Del Fuego, you come with me," yakag nito sa kanya.
Aayaw sana siya nang kunin nito ang bitbit na basket dahilan upang hindi na siya makatanggi pa. Sumunod siya sa lalaki at nakitang agad na tumayo ang dalawang lalaking nakabantay sa silid ni Adonis.
Pumasok sila roon at nakitang maayos itong nakahiga sa kama.
"How is he?" hindi maiwasang itanong sa lawyer.
"So far, he's fine but I'm afraid the impact in his eyes is severe," sagot ng abogado kasunod ng malalim na paghinga nito.
"A-Ano'ng ibig mong sabihin?" maang na turan.
"Baka hindi siya makakita," deretsahang tugon ng abogado.
Napasinghap si Camilla sa sinabi nito, may tumubong pagkaawa sa lalaki at agad na in-imagine sa isipan ang guwapong mukha nito.
"What important now is that he is alive," saad ng lalaki. "But the threat of his life is high kaya nag-hire ako ng magbabantay sa kanya," paliwanag nito kung bakit may dalawang lalaki sa labas at sa loob ay may isang lalaki na hula niya ay caregiver.
"I think that's better," saad naman ni Camilla.
"By the way, I'm Atty. Alex Mendez, Mr. Del Fuego's lawyer," pakilala ng lalaki sabay lahad ng kamay dahilan upang tingnan 'yon. "Well, naisip ko lang na hindi ako nagpapakilala formally," dagdag pa nito.
Mabilis niyang kinuha ang kamay nito. "Camilla Bustamante," matipid na pakilala sa lalaki at nakipagkamay rito.
Ilang sandali rin silang nag-usap nang mapansin ang paggalaw ng paa ni Adonis.
"Did you see that?" maang na tanong sa kausap na lalaki.
"What?" maang nito.
"His foot," sagot ni Camilla. "It move," saad pa.
Lumapit sila ni Attorney Mendez sa nakaratay na si Mr. Del Fuego, maging ang caregiver ay lumapit rin. Maya-maya ay maging ang kamay nito ay gumalaw.
"Call his doctor," bulalas ng abogado sa caregiver nito dahilan upang magmadali itong labas.
Nakarinig na rin sila ng ungol buhat sa bibig ng lalaki.
"Adonis, hey, si Alex ito. How are you?" bulalas ng abogado sa lalaki.
"B-Bakit hindi ko magalaw ang katawan ko," nanghihinang usal ng lalaki.
"Shhh! Restricted ang katawan mo dahil nakatali gawa ng ilang series of combulsion but since you're awake, hayaan mo at kakalagan ka nila," sagot ni Attorney Mendez kay Adonis.
"A-Alex," anas pa ni Adonis.
"Yes, you're lawyer," bulalas nito. "Remember?" untag nito na tila naghihinalang may amnesia ang boss.
"Yeah, I remember everything," sagot naman ni Adonis.
"Great," ani ng abogado na nakangiti.
"Alex," anas muli ni Adonis.
"Yes?" tugon nito.
"I can't see anything," dugtong na sagot ng lalaki dahilan upang mapatingin kay Camilla si Alex.
"Adonis—" anang niya nang bigla ay pumasok ang doktor at agad na kinuha ang vital signs ng pasyente.
"I'm fine, doc," anas ni Adonis na nanghihina.
"Great to hear, Mr. Del Fuego," masayang turan ng doktor.
"Bakit wala akong makita?" tanong ni Adonis na nagpatigil naman sa doktor.
"Well, I refer to my friend with your case. He will see if he can do to lessen the damage if your eye," sagot nito.
"H-How bad?" usal ni Adonis.
"Very," sagot ng doktor.
Nakita ni Camilla ang pagkuyom ng kamao ni Adonis.
"May pag-asa pa ba?" untag na tanong.
"We will see, I'm not expert or an opthalmology but I do hope for the best," sagot ng doktor saka umalis na.
Napasinghap ng malalim na paghinga si Adonis.
"Hey, don't worry, you have lots of money. You can go abroad to seek for more advance technology," pagpapalakas ng loob ni Alex sa boss.
"How's Zara?" turan imbes na sagutin ang sinabi ng abogado. "Is Brent came to visit me?" untag pa ni Adonis.
"Yes, this morning," sagot naman ng abogado sabay tingin kay Camilla na tahimik na nakikinig. "Adonis, I think they plan to kill you," dagdag pa nito.
"I never doubt on that," sagot nito. "They want to get my money and my company right? Over my dead body!" giit nito na ramdam sa tinig ang galit sa dalawa.
"What's your plan?" usisa ni Alex.
"I need to collect more concrete evidence, I know Brent is doing something on the business papers. It's too soon kaya makikipaglaro muna ako sa kanila," bulalas nito. "I need someone to be with me, I want you to call, Carmela Bustamante, I want to talk to her," bulalas ni Adonis dahilan upang mabilis na mapalingon kay Camila ang abogado.
"My mom," aniya.
"Who's with us!" galit na tanong ni Adonis.
"Relax, Adonis, I'm with Camilla," sagot ni Alex.
"Huh!" anas ni Adonis.
"Siya ang nakakita kina Zara at Brent na balak kang patayin, if not because of her ay baka natuloy ang balak nila," paliwanag ni Alex sa boss.
Nakiramdam si Adonis.
Hindi niya alam kung magugustuhan ng babae ang sasabihin niya pero kung kinakailangang i-blackmail niya ay gagawin niya.
"Okay, don't call, Mrs. Bustamante since nandito naman si Miss Bustamante," ani Adonis. "I want you to be my caregiver," saad nito.
Napanganga si Camilla sa narinig sa lalaki.
"What?!" gilalas ni Camilla.
"Gusto mong mabayaran ang utang ng mama mo, hindi ba? Then be my caregiver and that's an order," matigas na wika ni Adonis.
Hindi nakakibo si Camilla, nakita sa mga mata ni Attorney Mendez ang pakikisimpatya.
"O-Okay," sagot ni Camilla kahit may pagtutol. "Kung 'yan ang paraan upang makabayad ako sa pagkakautang ni mama," aniya.
Hindi alam kung bakit pumayag siya pero may puwang sa puso na gustong alagaan ang lalaki at mailigtas ito sa masamang balakin ng pinsan at kasintahan.