Chapter 5: Double Plan Trouble

1662 Words
Nagbunyi si Brent nang marinig ang balita tungkol sa kanyang pinsan. Kagigising lang niya at agad siyang nagtungo sa sala upang manuod ng mga balita. "Sorry ka na lang Adonis, mas makapangyarihan at mas mayaman ka nga pero isa kang tanga!" aniya sa sarili habang nasa sala ng kanyang condo at pinapanuod ang pag-rescue sa pinsan na wasak ang harapan ng mamahaling sasakyan sa lakas ng impact nang pagkakasalpok nito sa puwetan ng 10 wheeler truck. Hindi nagtagal ay dumating si Zara na galit na galit. "Ikaw ang may gawa noon, hindi ba?" paninisi nito kay Brent. Tumawa ang lalaki. "Hindi ba't matagal na nating plano na idispatsa siya para hindi niya malaman ang lihim nating relasyon at ang panloloko natin sa kanya sa pagkakagasta natin sa mga pera niya!" bulalas ni Brent sa babae na matiim niyang tininingnan. "Huwag mong sabihing nag-iiba na ang plano mo dahil lang sa nagpakant*t ka sa kanya," patuyang wika ni Brent. Hindi nakaimik si Zara at nakamaang lang sa sinasabi ng lalaki. "Huwag ka nang magkaila dahil muntikan ko na kayong masaktuhan sa opisina niya kahapon!" pagalit na wika ni Brent. Tila nag-iba naman ang mukha ng babae sa sinabi ni Brent. "Alam kong plano natin, hon, kaya lang nabigla ako dahil hindi mo man lang ako sinabihan," sumamo nito sa lalaki sabay lapit at akbay. Umiwas ang lalaki. "Paano naman kasi ay mukhang nahuhumaling ka na naman sa pinsan ko?!" giit ng lalaki ngunit mapilit si Zara. "Kaya ko naman pinagbigyan ay nakakahalata na siya, alam mo bang pinaparinggan niya ako o hinahanap ka niya sa 'kin," palusot naman ni Zara. Matalim na titig ang ibinigay ni Brent. "Sa tingin mo ay nakakahalata na siya?" bulalas nitong inis pa rin. "Yes, nagtatampo kasi nawawalan na ako ng time sa kanya kaya—" putol na wika ni Zara ng sumabad ito. "Kaya pinagbigyan mo siya?" gigil pa ring wika ni Brent sabay alis sa tabi na sinundan naman ng babae sa may kusina nito dahil kumuha ng tubig. "I have no choice 'yon lang ang paraan upang maibsan ang panghihinala niya," sumamo ni Zara. "Are you jealous?" maang pang wika na mas lalong kinagigil ng lalaki. Agad na binitiwan ang inilabas na bottle of water at gigil na hinawakan si Zara sa magkabilaang braso nito. "Do I look like I'm jealous?" galit na galit na tanong nito dahilan upang mahintakutan si Zara. "Y-Yes," usal niya. "Stupid!" bulalas ng lalaki na binitiwan siya sabay talikod. "Nakakainis lang isipin na naghahati kami ng pinsan ko sa pirasong karne!" palatak nito sabay bukas sa hawak na bottle water. Mabilis na niyakap ni Zara buhat sa nakatalikod na lalaki. "I love you, Brent sorry kung hindi ako nakapag-isip ng mabuti kanina. Ayaw ko lang na mabuko tayo, ayaw kong mapahamak ka," punong-puno ng pagsusumamong wika. Tila naman nahimasmasan ang lalaki at medyo kumalma. "Ayaw ko lang na may ibang nakikialam ng akin lalo na ang pinsan ko!" madiing wika sabay harap kay Zara. Kinubkob nito ang magandang mukha ni Zara. "Sorry kung napagalitan kita, nainis lang talaga ako sa nadatnan ko sa opisina niya at lalo na nang hindi mo man lang ako hinabol upang magpaliwanag," patuloy ni Brent. Hinaplos ni Zara ang mukha nito at nilambing si Brent. "I'm sorry din, hon, it was my fault, dapat ay sa ibang paraan na lamang ako umakto ng hindi nagpapagamit sa pinsan mo," turan ni Zara na puno ng paglalambing. "It's okay, ang importante sa ngayon ay mawawala na sa landas natin si Adonis," palatak ni Brent. Napangisi na rin si Zara. "Ibig bang sabihin niyan, hon, ako na ang magiging reyna sa lahat ng Del Fuego Spare Parts Company?" palatak nito na nagniningning ang mga mata. "Yes, honey dahil ako lang naman ang nag-iisang kamag-anak ni Adonis at isa rin akong Del Fuego kaya ikaw na ang magiging reyna," bulalas na sagot ni Brent. Mas lalong nagbunyi ang dalawa, nagsalubong ang kanilang mga labi. Maalab ang mga halik na kanilang pinagsasaluhan hanggang sa napuno ng pananabik ang bawat haos at halik. "Ako naman ang magpapakasasa sa 'yo," nalilib*gang anas ni Brent. "Sa 'yo lang ako, Brent, angkinin mo ako," nahihibang na anas ni Zara nang tuluyang sapuhin ng lalaki ang kanyang s*so. Nang maramdaman nito ang nakakakiliting sensasyon ay halos mapaliyad siya sa sarap ng pakiramdam. "Brent, ohhh, nakakabaliw ka," nanginginig na dagdag pa ni Zara. Napatigil ang lalaki sabay tingin ng babaeng kaulayaw, kitang nalilib*gan na ito sa kanyang ginagawa. Kaya mas lalo pa niya itong binaliw nang hipuin ang kaniyang p*ke. "Ohhh!" mahabang ungol na kumawala sa lalamunan nito. "Sabihin mong mas nababaliw ka kapag ako ang kaniig mo?" bulalas ni Brent. "O-Oo, Brent, mas nababaliw at nalili*gan ako kapag ikaw ang ka-s*x ko," nahihibang na tugon ni Zara na mas lalong nagpabaliw sa lalaki. Mabilis na binuhat ni Brent si Zara upang ilagay sa lamesa. Itinaas ang suot nitong dress at agad na tinanggal ang panty ni Zara. Nasasabik si Zara sa ginagawa ng lalaki kaya nang mabilis siya nitong angkinin ay napakapit na lamang siya mesa na kinahihigaan. "Akin ka lang Zara at walang maaaring mang-akin sa 'yo kundi ako lang!" gigil na wika ni Brent habang binabayo ang babaeng hibang na hibang sa kanyang pagkant*t. "Oo, hon, ikaw lang ang nagmamay-ari ng lahat sa 'kin. Oh, ang sarap mong kumant*t," natirik ang mga matang wika. Mas lalong nilakasan ni Brent ang pagbayo kay Zara na halos gumalaw ang mesa sa lakas. *** Alumpihit na bumaba si Carmela sa kanyang sasakyan, nasa ospital kasi siya kung saan naroroon si Adonis Del Fuego, isa na lang kasi ang nakikita niyang paraan upang mawala ang utang rito ay ang tuluyan itong patayin. Dala sa bag ang herengilya na may lamang lason. Tantiya ang bawat galaw, nagtanong siya sa information kung saan ang silid nito. May pagdududa ang tingin ng babae sa kanya pero ng sinabing tiyahin siya nito ay ibinigay rin naman ang silid nito. Nagmadali siyang tinungo ang silid ngunit naulinigan niyang may tao sa loob kaya nagmatyag nauna siya sa labas. Dali-dali siyang umayos para hindi siya mahalata ng kung sinumang nasa loob nang maramdaman ang paglapit ng yabag sa may pintuan. Bahagya siyang nakahinga ng makitang nurse ang lumabas. "Hi, nurse, kumusta ang pamangkin ko," tanong niya rito. Nagulat ang nurse sa kanyang tanong. "Si Mr. Del Fuego po ba?" untag ng nurse. "Oh yes, sorry, hanggang ngayon kasi ay gulat pa rin ako sa nangyari sa kanya," mabilis na kaila sa nurse. "Ayos naman po siya, ma'am, nandiyan po si Attorney Mendez," turan ng nurse. Napangiti si Carmela sa sinabi ng nurse. "Thank you, Miss Nurse," anito at hinintay na tuluyang makalayo ang nurse bago muling nagmatyag sa loob ng silid ni Mr. Del Fuego. Hindi naman nagtagal ay lumabas ang Attorney Mendez na tinutukoy ng nurse. "Mayroon na kaya siyang malay?" natanong sa sarili kung bakit naroroon ang attorney nito. Mas lalong naging malikot ang isip ng ginang. "Ibinilin kaya nito ang utang ko? Pero sabi sa balita ay wala pa siyang malay?" anang pa ni Carmela sa sarili habang nakatingin sa attorney na papalayo sa kinaroroonan niya. Nang tuluyang makaalis ito ay nagmamadali siyang pumasok at nakita ang lalaking puno ng benta ang buong mukha at maging ang katawan. May tubo sa bibig at may nakasabit ng dalawang dextrose. "Mr. Del Fuego," tawag niya rito upang masigurado na wala pang malay ang lalaki. Hindi kumilos o kumibo ang lalaki. "Mr. Del Fuego," tawag ulit ngunit mukhang wala pa itong malay kaya nagmadali na siyang lapitan ito at hinawakan ang maliit na tubo ng dextrose nito. 'Pasensiyahan na tayo, Mr. Del Fuego, wala akong maipambayad sa 'yo kaya kinakailangan mo nang mamatay,' usal niya sa isipan habang unti-unting hinuhugot mula sa kanyang handbag ang syringe na may lason. Tinanggal na niya ang takip nito nang bigla na lamang bumukas ang pinto at naulinigan ang boses ng babae at lalaki. "Excuse me," tinig ng babae. 'Buwisit!' ngitngit ni Carmela sa pagkakapurnada ng kanyang plano. Wala siyang nagawa kundi ang bitiwan ang syringe upang malaglag sa kanyang bag at hindi mahalata ng mga bagong dating ang kanyang pakay. "Yes?" aniya paharap sa mga ito. "Sino ka?" gagad ng lalaki. "Well, isa ako sa malaking kliyente ni Mr. Del Fuego, kasama ko sa Attorney Mendez kanina," gagad sa mga bagong dating. Nakita niyang nagtinginan ang babae at lalaking dumating. "Ako si Brent Del Fuego," pakilala ng lalaki. Napaigkas ng kilay si Carmela. "Kapatid ka niya?" maang na turan. "Pinsan," anito ag nang balingan ang babae ay lumapit naman ito. "I'm his girlfriend," mataray namang wika nito. "Ganoon ba, okay, kayo na ang bahala sa kanya, susundan ko lang si Attorney Mendez," nagmamadaling paalam ni Carmela bago pa siya mabisto kung ano talaga ang pakay niya. Nang makalabas si Carmela ay nagsenyasan sina Brent at Zara. Sinigurado ni Zara na nakaalis na ang ginang kaya sumilip siya sa labas ay nang makitang malayo na ito ay nakangiti siya. "Wala na siya," imporma niya kay Brent na noon ay lumapit sa kinahihigaan ni Adonis. "Tignan mo nga naman, kahit ang dali mong pera ay hindi ka pa rin magawang iligtas ng pera mo. Nandiyan ka at mukhang sira na ang mukhanh ipinagmamalaki mo. Wala kang lakas at kapangyarihan," uyam ni Brent sa pinsan na nakaratay sa hospital bed at walang kamalay-malay. Inilabas ni Zara ang bote ng lason na kinuha sa pinsang nurse at syringe. Nilagyan na niya ng lason ang herenggilya at ibinigay kay Brent. Napangisi naman ang lalaki. "Ano, pinsan, sino sa atin ang talunan? Nasa akin na ang kasintahan mo, maging ang kayamanan at negosyo mo ay mapapasa 'kin na rin," bulong ni Brent sa nakahigang si Adonis. "Ano, hon, tuluyan na natin," tanong pa ni Brent kay Zara na noon ay tudo ang ngiti habang tumatango-tango. Akmang ituturok na ni Brent ang syringe nang biglang may pumasok sa loob ng silid. Nagulat ang babaeng bagong dating, ganoon din sina Brent at Zara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD