Nangingiti si Adonis nang makaalis na ang kasintahan at ang pinsan sa kanyang opisina. "Alam kong marami pa kayong lihim kaya handa akong magbulag-bulagan upang malaman pa ang mga katraydurang ginagawa ninyo!" usal sabay kuyom sa kanyang kamao nang biglang tumunog ang kanyang cell phone.
Awtomatikong napalingon siya sa kinaroroonan ng kanyang cell phone at napakunot-noo nang makita ang numerong hindi naka-registered sa kanyang phone.
Ayaw sana niyang pansinin ngunit mapilit ang natawag sa kanya dahilan upang napilitan siyang sagutin.
"Thanks God you answer," bulalas ng boses ng babae.
"Yes, may I know who's calling please?" usisa sa babaeng nasa kabilang linya.
"Mr. Del Fuego, si Mrs. Bustamante 'to, I just wanna say sorry sa inasal ng anak ko kanina," bulalas ng ginang sa kabilang linya.
Una ay nabigla siya sa pagtawag ng ginang sa kanyang private number at pangalawa, naguguluhan siya kung saan nito nakuha ang kanyang numero.
"Mr. Del Fuego, are you listening to me?" untag sa kanya ng ginang na sinisiguradong nakikinig siya sa sinasabi nito.
"Y-Yes, Mrs. Bustamante, I wonder kung saan mo nakuha ang private number ko?" maang na tanong sa ginang.
"I have my resources, Mr. Del Fuego. Sorry to bother you pero gusto ko lang malaman kung ano ang opinyon mo sa anak ko?" tahasang tanong nito.
Una pa lamang ay batid na ni Adonis kung ano ang nais mangyari ng ginang kaya dinala nito ang anak.
"I'm sorry, Mrs. Bustamante but I don't mix business with pleasure," matigas na wika sa ginang.
Maganda ang anak nito pero ayaw niya naman 'yong tipong ibebenta sa kanya ang babae para lang mabayaran ang pagkakautang ng ina nito. Ten million is ten million, kaya hindi worth na ipalit niya 'yon sa isang babae lamang. 'Unless, virgin,' usal ng isipan. Kahit pa nga yata virgin, mahal na masyado ang sampung milyon bilang kabayaran ng p********e nito.
Hindi tuloy nakaimik ang ginang sa kabilang linya sa kanyang sinabi.
"Mrs. Bustamante, I am giving you a month to pay me back," aniya saka mabilis na pinatay ang tawag nito sabay block.
Ayaw na ayaw niyang may nahahalong business stuff sa kanyang private phone.
Hinilot niya nang bahagya ang kanyang sentido saka napatingin sa kawalan. Biglang sumingit sa kaniyang imahinasyon ang magandang mukha ni Camilla.
"Oh, sh*t!" bulalas niya sabay hilamos ng palad sa mukha at iniiling-iling ang ulo. Ayaw niyang isipin na masyadong nakuha ni Camilla Bustamante ang kanyang buong atensyon.
Ilang minuto rin siyang nakatulala habang pinaglalaro sa isipan ang mukha ng babae.
"Camilla Bustamante," usal niya saka iniiling-iling ulit ang ulo na pilit na winawaksi ang isipin hinggil sa babae.
Pilit na itinuon ang tingin sa ibinigay na folder ng pinsan, hindi siya eksperto sa ledger at balance sheet at kung kinakailangan niyang mag-hire ng private financial analyst ay gagawin niya malaman lamang ang kabulastugang ginagawa ng pinsan sa kompanya niya.
Ilang beses na niyang pinasadahan ang binigay nitong report, mukhang sakto at tugma naman ang lahat mula sa records na nasa kanya kaya tiniklop na niya 'yon at pinagtuunan ang ilang papeles na nasa kanyang mesa.
Katok sa kanyang pinto ang gumambala sa kanya.
"Yes?" aniya at doon ay sumilip sa private office niya ang mukha ng kanyang sekretaryo.
"Sir, Miss Franco is here," saad nito.
"I almost forgot let her in," bulalas na sagot sa kanyang sekretaryo. Muntikan niyang makalimutan na may meeting siya sa isa sa kanyang supplier.
Pagpasok ng babae ay agad na nakipagkamay si Adonis.
Maganda, sexy at seductive ang babaeng nasa harapan na ngayon ay ka-shake hand.
"Good to meet you again, Mr. Del Fuego," matamis ang ngiting wika ni Carlene Franco.
"My pleasure to see you again, Miss Franco," simpatikong saad naman ni Adonis sa babae.
Mas lumawak tuloy ang pagkakangiti nito.
"That's too formal but I guess it's business," palatak nitong kita ang pagpapakita nito ng motibo.
Napangiti naman si Adonis.
"Let's go down to business, my company is asking for a discount for the next shipment, I do hope we can have the best deal you can offer," aniya sa babae.
"Of course, Mr. Del Fuego, Mr. Takahashi is very much willing to give you 5% discount for the entire shipment," bulalas ni Miss Franco.
"That's good news, give my best regard to Mr. Takahashi and tell that we will continue to buy automotive parts as long as he will give us a better deal," masayang wika kay Miss Franco.
"I will relay to him," ngiting saad ng babae saka inilabas sa hawak nitong attache case ang ilang papeles. "Here are the list of orders that you made, and here is the contract for the next shipment that worth thirty million," anang ng babae.
Kinuha niya ang kontratang sinasabi nito at binasa 'yon bago pirmahan.
Nakita niyang bahagyang inuwang ng babae ang legs nito dahilan upang makita ang makikinis nitong hita.
Napapailing na lamang siya sa sarili. 'You don't mix business with pleasure, right?' paalala ng isip sa kanyang sinabi kanina sa ginang.
Mabilis niyang pinirmahan ang kontratang ibinigay nito.
"Thank you, Miss Fanco, have a great day," wika niya sabay abot pabalik ang kontrata para matapos na at makaalis na ito.
"Nagmamadali ka yata, Mr. Del Fuego, we have an hour—" putol na wika ng babae nang sumingit rito.
"Sorry, Miss Franco but I don't mix business with pleasure and beside I heard rumors about you and Mr. Takahashi," pambabara sa babae.
Natatawa na lamang si Adonis sa loob-loob, nagsawa na yata ito sa matanda kaya gusto naman siyang akitin nito.
Dahil sa pambabara sa babae ay nagmadali na itong umalis, marahil ay napahiya rin ito sa kanyang sinabi.
Nakailang beses niyang binasa ang kopya ng kontrata na ibinigay nito hanggang sa hindi niya namalayang tapos na pala ang office hour nila.
Nagmadali na rin siyang ayusin ang kanyang mesa lalo na nang katukin na siya ng sekretaryo upang sabihing aalis na ito.
Nagmamadali na rin si Adonis na lumabas sa kanyang opisina, deretso siya sa private elevator na tanging siya lamang ang pwedeng sumakay patungo sa parking garadge ng building nila.
Pagdating roon ay nakahelera ang sasakyan ng ilan niyang emeyado. Tinungo niya ang kanyang BMW at sumakay roon.
Wala siyang balak na lumabas kaya dederetso na siya sa kanyang condo, malapit na siya roon nang ayaw gumana ang kanyang brake. Kahit anong pihit o apak sa brake pedal ng sasakyan ay ayaw gumana.
"Sh*t!" malutong na mura ni Adonis lalo na nang makitang babangga na siya sa puwetan ng isang pampasaherong bus.
Malakas na lagabog ang narinig na tila nayuyuping yero bago siya tuluyang nawalan ng malay.
***
Naging malaking balita sa TV at radyo ang nangyari sa multi-million businessman na si Adonis Del Fuego dahilan upang makarating sa kaalaman ni Camilla at magulang nito.
"Oh my God," bulalas ng ama nang marinig 'yon sa balita.
"Mabuti naman at hindi tayo maoobliga na magbayad sa utang natin sa kanya," palatak naman ng ina.
"Carmela, ano bang sinasabi mo? Hindi ka ba natatakot sa mga sinasabi mo?" palatak namang bara ng ama sa kanyang ina. "Sana naman at hindi grabe ang tama niya," dagdag ng ama.
"Forgive me God, sana matuluyan na para wala na tayong utang," giit ng ina.
Tahimik lamang si Camilla at hindi alam kung papaano makikisali sa usapan ng ina't ama.
"Hija, wala ka bang balak na i-apply ang pinag-aralan mo?" untag ng ama kay Carmilla.
"Papa?" bulalas sa hindi napaghandaan na sinabi nito.
Never naman siyang inobliga nito na magtrabaho at naiintindihan naman niya kung bakit nito natanong ang bagay na 'yon.
"Sorry, hija pero sa kalagayan natin ngayon, kailangan namin ng mama mo ng tulong mo," sumamo ng ama sa kanya.
Napapalunok si Camilla lalo na at naalala ang pangako kay Mr. Del Fuego na babayaran ito sa katapusan ng buwan.
"I will try to pass my resumè, papa," aniya sa ama kahit sa totoo lang ay hindi alam kung papaano magsisimula. Hindi naman niya kasi inaasahan na darating siya sa puntong kailangan niyang mamasukan sa ibang kompanya, buong akala ay tuturuan siya ng ama na pamahalaan ang negosyong ipinundar nito.
"Nasabi ko na sa kumpare ko na naghahanap ka ng trabaho at sinabing pwede ka raw mag-apply sa kanila," turan ng ama.
"What, Carlos, gusto mong mamasukan ang anak mo sa kumpanya ng kumapare mo?" gilalas ng ina na tila ayaw sa ideyang magtatrabaho siya sa kaibigan nito.
"Stop it, Carmela, kasalanan mo ito," inis na sita ng ama sa ina.
"I know, kaya hayaan mong ako ang gumawa ng paraan," sagot ng ina sa ama na noon ay suko na sa pakikipag-discussion sa ina.
Hanggang sa isang balita ang narinig nila mula sa TV.
"Mainit na balita, naka-recover na si Mr. Adonis Del Fuego, ang may-ari ng multi-million automotive spare parts company sa buong Pilipinas. Sa kabila ng magandang recovery nito ay ang balitang nawala ang paningin ng business mogul dahil sa insidente. Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga ito ng pinsan at ng kasintahang si Zara Benitez, na isang bueaty queen. Ako si Zee Alves, ang inyong tagapagbalita, magandang umaga," tinig ng news anchor na nagbalita sa latest na kaganapan kay Mr. Del Fuego.
Dahil sa narinig na balita ay may isang balakin na naman ang naisip na gawin si Carmela upang masolusyunan ang pagkakautang kay Adonis.