PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
My Plus Size Lover
AiTenshi
May 21, 2020
Part 4
"Kailan mo pa naramdaman iyang "special feelings" mo kay Luke? At bakit? Seryoso ka ba talaga?" tanong ni Migs habang kumakain kami.
"Anong "special feelings?" Masaya lang ako dahil naappreciate niya ako, yung talent ko at yung maliliit na bagay na ginagawa ko. Pakiramdam ko lang ay espesyal ako sa kanya. Ngayon ko lang naramdaman na mahalaga ako." ang sagot ko naman.
"Si Luke ay isang sikat na entreprenuer, model, at star maker. Gwapo siya, may titulo, may reputasyon. Maraming babae o lalaking artista ang nag papa cute sa kanya. Pwedeng huwag nalang siya? Masasaktan ka lang Hans, hindi naman sa hindi kita sinusuportahan sa trip mo, ang sa akin lang ay medyo mataas lang ito." ang sagot niya sabay tapik sa aking kamay. "Huwag mo na ngang kainin yang taba."
"Dinadama ko lang naman yung saya habang nararamdaman ko pa. May masama ba doon?"
"Wala, pero masamang umasa dahil masakit ito. May tatlong uri ng lalaki sa mundo. Una yung mga mataas, gwapo, mayaman na parang model sila yung tipo ng tao na sinasamba at niluluhuran. Ikalawa yung mga taong pang karaniwan, mga lalaking common na hindi kagwapuhan pero minamahal. At Ikatlo ay ang mga taong nirereject dahil hindi sila pumapasa sa standard ng iba. Bahala ka nang mag isip kung saan ka doon."
"Siguro doon ako sa pangalawa." ang sagot ko.
"No comment ako dyan, feeling ko belong ka sa pangatlo. Kumain ka nalang tayo ng kumain at kalimutan natin yung topic na ito. Pero kung gusto mo talagang maging masaya matuto ka nalang makontento sa estado ng feelings mo ngayon. O kaya naman humanap ka nalang ng chubs chaser sa social media, yung mga taong may fetish sa mga chubby at matataba. Siguradong maliligayahan ka sa kanila." hirit pa niya.
"Hindi ako mahilig sa social media. Wala akong hilig mag lagay ng larawan ko doon. The last time na nakipag kaibigan ako doon ay inutakan lang ako ng load at noong nakita na niya ang larawan ko ay blinock na niya ako sa account niya." sagot ko.
"Dalawang uri ng tao ang makilala mo sa social media. Isang poser at isang manloloko, pareho lang silang mananakit at mang aabuso sayo." ang sagot niya sabay order ng dalawang large sized na halo halo.
Alas 2 ng hapon noong mag drive si Migs patungo sa kabilang bayan kung saan naka detained ang aking ama. Nag dala ako ng maraming prutas at pag kain para sa kanya. Halos 8 taon na rin siyang naka kulong doon dahil sa pag bebenta at pag tutulak ng ipinag babawal na gamot. Pero hindi gumagamit ang aking ama, nais lamang niyang kumita dahil wala na ang aking ina at wala siyang katulong sa mga gastusin sa bahay. Walang mapasukang permanenteng trabaho ang aking ama kaya pati ang ilegal ay pinasok niya hanggang sa pati siya ay nadisgrasya.
"Binilhan ko rin ng bagong damit at vitamins si itay, pumapayat siya doon sa loob." ang wika ko habang lumalakad kami sa hallway.
"Alam mo pag nakaipon ka, pwede mong buksan ang case ng iyong ama at kumuha ka ng magaling na abugado para makalaya siya. Kaunting tiis pa at mag kakasama rin kayo." ang wika ni Migs
"Sana nga." ang wika ko habang nakatanaw sa rehas kung saan lumalabas ang mga presong naka kulong upang puntahan ang kanilang mga dalaw.
Hindi ako mahal ni itay, iyan ang mga bagay na tumatak sa aking isipan noon pa. Halos gabi gabi ko pa ring napapanaginipan kung paano sila nag aaway ni Inay dahil sa akin, may mga oras na kahit takpan ko ng unan ang aking tainga ay naririnig ko pa rin ang kanyang hiyaw.
FLASHBACK
"Bakla iyang anak mo! Kahihiyan iyan! Ang kakaisa isang lalaking anak natin ay nag lalaro ng manika kasama ng mga babae niyang kaklase. Pinag tatampulan ng tuwa at niloloko loko ng iba." ang sigaw ni itay sabay hampas ng sinturon sa akin.
Sinasangga ni Inay ang kanyang mga hampas. "Wala kang magagawa kung ganito ang anak mo. Hindi mo siya mababago kung bubugbugin mo siya at sasaktan. Hindi ka ba naaawa sa anak mo? Pinag tatawanan na nga ito sa paaralan dahil sa kanyang anyo hanggang dito ba naman ay sasaktan mo pa siya? Saan siya tatakbo kung bawat sulok ng mundo ay sinasaktan siya?!" sigaw ni Inay.
"Wala akong paki alam kung malumpo siya! Mag pakalalaki ka Hancel! Wala akong anak na binabae! Wala akong anak na malambot!" ang sigaw ni Itay sabay palo sa akin.
Nag sisigaw ako sa sakit. "Tama na po itay! Tama na poooo!"
"Tama na Celso! Huwag mong saktan ang anak mo! Kung ayaw mo sa kanya ay ilalayo ko nalang siya dito para hindi mo na siya makita!"
"Yan! Yan ang gawain mo Hanna! Ang kunsintihan at pag takpan ang kabaklaan ng anak mo! Hindi mo siya ilalayo dito. Gugulpihin ko iyan hanggang sa maging tunay na lalaki!" ang galit na sagot ni Itay at isang malakas na palo pa ang iginawad niya na tumama sa aking likod. "Baboy kana nga, bakla ka pa!"
"Tama na po itay! Tama na poooo!" ang sigaw ko samantalang si inay naman niyayakap ako at hinaharang ang kanyang katawan sa palo ni itay.
Mag buhat noong araw na iyon ay naging matigas na akong kumilos. Natuto na rin akong umiwas sa mga kaibigan kong babae at nag simula akong makipag barkada sa mga kaibigan kong lalaki. Kahit na paminsan minsan ay out of place ako at hindi makasabay sa kanila.
End of Flashback
"Kamusta na po kayo Itay?" tanong ko noong maupo ito sa aming harapan. Inabot ko sa kanyang prutas at mga gamit. "Para sa inyo po."
"Maayos naman, maraming activity dito kaya nalilibang ako. Anong balita sayo? May trabaho kana ba? Bakit lalo ka yatang tumataba? Baka di kana mag kasya sa kabaong niyan." ang sagot niya habang nag babalat ng prutas.
"May personalize naman na kabaong, madali lang iyon basta may pera. May trabaho na po ako at kapag nakaipon ay kukuha ako ng magaling na abugado para mabuksan ang kaso ninyo at makalabas na kayo dito."
Natawa siya. "Tama, matuto kang mag ipon at huwag kang mag bibigay kung kani kaninong lalaki."
"Itay hindi ako ganoon. Mag iipon ako para makalabas ka dito. Pangako po iyan." tugon ko.
"Ikaw naman tito, nangangayayat ka baka naman bumabatak ka pa dito sa loob." hirit ni Migs.
"Hindi uso dito iyon sa loob. Masyado lang maraming ginagawa kaya nalilipasan ako ng gutom. Ano naman ang trabaho mo Hancel?"
"Sa isang music company. Empleyado ako doon." ang sagot ko.
"Mabuti naman kung ganoon, tiyak matutuwa ang nanay mo kung sakaling buhay pa siya."
"Dadalaw ako kay inay mamaya doon sa sementeryo. May gusto ka bang ipasabi sa kanya?" tanong ko.
"Oo, sabihin mo sa nanay na madaya siya dahil nang iiwan siya sa ere. Huwag kamo siyang magagalit kung makahanap ako ng iba dito." sagot ni Itay sabay dura ng mga buto ng orange sa lamesa.
Halos hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang asar ni itay sa akin. Kung sa bagay ano pa nga ba ang bago? Tuwing dadalaw ako dito ay parati niya akong sinisinghalan at binabanatan gamit ang kanyang salita. Mga bagay na nakasanay ko na rin sa pag lipas ng panahon. At dahil dito ay batid kong hindi niya ako tanggap bilang anak at ikinahihiya niya ako sa mga tao sa aking paligid. Kahit hindi siya mag salita ay alam kong iyon ang nais niyang iparating dahil nararamdaman ko ito.
Noong mga oras na iyon ay wala akong nagawa kundi ang tumahimik at panoorin nalang si Itay sa kanyang ginagawa. Si Migs naman ay apura ang senyas na umalis na kami dahil baka mag karoon pa ng pag tatalo sa pagitan naming dalawa. May pag kakataon kasi matalim ang salita ni itay, may pasaring kahit biro lang ito.
"Kung makakalabas iyang tatay mo, itira mo nalang siya doon sa malayo sa iyo. Tiyak na mag kaka conflict pag nag sama kayo."
"Masyado nang matagal si Itay sa kulungan gusto ko na rin siyang makalabas doon. At gagawa ako ng paraan para mangyari iyon."
"Imbyernadeth sembrano yung pudrabels mo sa iyo. Kahit na no trace kana at lalakihang lalakihan kana ay ayaw pa rin niya sa iyo. Sa susunod na bumisita ka sa kanya ay mag dala ka ng babae at sabihin mong mag aasawa kana." ang hirit ni Migs habang nag ddrive.
"Sino naman ang papatol sa akin? Diba naka categorized nga ako sa pangatlong tao na laging nirereject." ang sagot ko.
"Ano ka ba, huwag mo ngang damdamin yung sinabi ko. Ang mabuti pa kumain nalang tayo sa eat all you can doon sa bagong tayong restaurant." ang pag yaya niya.
"Hindi na tayo pwede doon dahil may tranbaho pa tayo. Tingnan mo nakaka 7 missed calls na si Diego. Tiyak na lalaitin nanaman tayo non." tugon ko.
"Wala akong paki alam sa kanya. Lalo pa natin siyang iniisin." ang natatawang wika ni Migs.
Alas 5 ng hapon noong nakarating kami sa gusali ng Mega Music. Sa pintuan palang ay nakatayo na si Diego at pumapalakpak ng mabagal. "Magaleng magaleng magaleng. Late na kayo ng 20 minutes sa recording session. Ang mabuti pa ay huwag na kayo pumasok sa loob dahil galit na galit sa boss. Kaya I suggest na mag resign na kayong dalawa." ang bungad nito.
"Oh, wag na daw tayo tumuloy sabi ni Diego. Tayo na uwi na tayo." ang wika ni Migs sabay hila sa akin pabalik sa kanyang sasakyan.
"Eeeyy, joke lang. Ito naman hindi na kayo mabiro. Masyado kayong seryoso. Ang totoo noon ay hinihintay na kayo ni Boss Luke doon sa session room. Masyado naman kayong balat sibuyas pero in real life naman ay mga balat kayo ng lechon kawali. Mga chakang to, bilisan na ang lahat. Ay! Huwag pala dahil baka yumanig kapag tumakbo si Hans magiba pa itong hallway." ang maingay na salita nito habang lumalakad kami sa loob ng gusali.
Pag bukas namin ng pinto ng session room ay bumulaga sa amin si Luke, katabi ni Amir at ang manager niyang si Jon. Nasa loob namang ng recording room si Andrew at inaayos ang areglo ng mga kantang iccover namin.
"Late kayo, hindi niyo ba alam na nasisira ng professionalism ng alaga ko sa inyo?" mataray na bungad ni Jon.
"Pasensiya na, dinalaw ko kasi si itay kaya natagalan kami." sagot ko.
"Ang sabihin mo sinasadya mong pag hintayin kami dahil alam mong kailangang kailangan namin ang boses mo." hirit ni Amir.
"Eh bakit kasi nag hintay ka? Hindi ka naman kailangan dito dahil hindi naman ikaw ang kakanta." ang sagot ni Migs.
"Oo nga Amir, pwede ka nang umuwi. Bukas ay aaralin mo ang mga kantang irerecord ni Hans at mag sisimula tayo sa pag popromote nito." ang wika ni Luke.
"O, narinig mo iyon? Di ka naman kailangan dito. Bukas ka nalang umeksena kapag nililip sync mo na yung magandang boses ni Hans." ang pang aasar ni Migs.
"Triple kill! Award! Ay pwede kana palang lumabas." ang hirit ni Diego.
Tumingin sa amin ng masama si Amir at wala itong nagawa kundi ang mag walk out sa silid kasama ng kanyang manager. Ako naman ay lumapit kay Andrew upang aralin ang mga bagong arrangement ng mga kanta. At sisimulan na rin namin ang rerecording sa bagong album ni Amir na "Songs from the Heart".
Itutuloy..