MPSL Part 3

1601 Words
My Plus Size Lover AiTenshi May 21, 2020   Part 3 Report: Samantala mga kaibigan ngayon lang tayo naka singit sa busy schedule ng bagong pop prince ng bansa na si Amir. Fresh na fresh sa kanyang concert last night. Talagang pinag kaguluhan at tinilian ang newest pop sensation na ito. Cherry: Hi Amir, salamat sa pag papaunlak ng aming interview. Say hi to your fans watching. Amir: Hi sa inyo. Salamat rin Cherry Mae. Cherry: After ng concert mo last night, ano ang bagong aabangan namin sa iyo Amir? Amir: Mayroon akong ginagawang bagong album. At ofcourse kaliwat kanan rin yung mga engagement ko sa mga shows. Cherry: Very successful kana kasi at ang ganda ganda ng boses mo. Nga pala, alam mo ba na may nakapag sasabi sa social media na ikaw raw ay nag L-lip sync lang. At hindi ka daw talaga magaling kumanta. Amir: HINDI TOTOO IYAN! (galit na sigaw nito dahilan para magulat si Cherry Mae pero agad ring bumaba ang tensyon dahil nag bago ang tono ng pag sasalita niya) Ah e, ang ibig kong sabihin isa akong singer at boses ko ay talagang maganda at kaaya aya raw sa pandinig kaya't imposibleng nag llip sync ako. Cherry: Ayun naman pala e. At para patunayan na si Amir ay isang mahusay na singer. Sample naman dyan ng sikat mong single yung when we were young. Natawa si Amir at napalunok ito. "Medyo paos kasi ako ngayon at sabi ng manager ko na huwag akong masyadong kakanta lalo't kaliwa't kanan ang engagement ko, bawal itong icancel. Cherry: Sayang naman. Pero anyway maraming salamat sayo Amir at goodluck sa iyong singing career. Iyan po mga balitang nakalap namin sa araw na ito. Ako po si Cherry Mae Lawit ang reporteen princess ng ADS CGN! Putok here, putok there, putok everywhere! Magandang hapon. End of Report. Pinatay ni Jon ang tv. "Walang hiyang Cherry Mae iyan, muntik pang ipahiya ang alaga ko. Naku makikita niya! Napaka iresponsableng reporter! Hindi na kami mag papa interview sa isang iyan." ang galit na wika nito. "Ano naman ang alam ni Cherry Mae? Malay ba  niyang si Amir ay hindi naman talaga singer." ang wika ni Migs. "Tumigil ka nga, back up ka lang ng alaga ko." sagot ni Jon. "Huwag nga po kayo ganyan makipag usap. Alalahanin niyong ako ang bumubuhay sa career ni Amir. Kung gaganyanin mo si Migs ay mabuti pang huwag na ako tumuloy sa pag kanta." ang sagot ko. "Aba't umaattitude kana? Hoy Barney, pinapa alala ko lang sa iyo yung kontratang pinirmahan mo. May kopya kami nito at naka lagay dito na one year and 8 months kang magiging "GHOST SINGER" ni Amir. Gagawa ka ng album at mag rerecording para sa kanya. Kapag lumabag ka at umalis ay KULONG ang aabutin mo. At kapag ipinag kalat mo na IKAW ang boses sa likod ni Amir ay KULONG rin ang katapat mo. Wala kang kawala at makalipas ang isang taon at walong buwan ay mag rerenew ka ulit ng kontrata para kay Amir at habang buhay ka nang magiging ghost singer niya. Mag pasalamat ka nga dahil nagagamit mo pa iyang talent mo. Wish mo lang pandisplay ang facesung mo para maging artista ka rin!" ang pang aasar nito. "At kapag hindi ka tumigil ng panlalait kay Hans at Migs ay aalisin kitang manager ni Amir at doon ka sa basurahan pupulutin." sabad ni Luke noong pumasok sa aming silid. "Ikaw naman papa Luke hindi kana mabiro. Nakaka tuwa ko lang si Hans kasi ang cute cute niya." sagot ni Jon "Huwag ka ngang plastic, baklang twoe! Saka wag mong tawaging barney si Hans dahil hindi siya si Barney. Siya si Godzilla." ang hirit ni Diego Tawanan silang dalawa. "Isa ka pa e. Lumabas na nga kayo lahat doon. Iwan niyo kami ni Hans." utos ni Luke. "Eh bakit siya?! Di naman siya maganda! Ang laki laki pa niya!" ang reklamo ni Diego "Tungkol sa album ang pag uusapan naming dalawa. Paano makakapag isip ng maayos si Hans kung inaasar ninyo palagi? Lumabas na kayo." utos pa ni Luke kaya lumabas sila ng silid at iniwan kaming dalawa. Bago isara ang pinto ay pinigil ito ni Amir na biglang sumulpot sa opisina. "Bakit si Hans lang? Di ba dapat kasali ako? Mas importante ako dahil siya ay ghost singer ko lang?" Napakamot ng ulo si Luke. "Pumasok kana. Dami mong drama." ang wika ni Luke sabay sara ng pinto. Tumabi sa akin si Amir, naka sando lang ito, kitang kita ang maganda niyang braso. Ang dibdib na medyo putok at ang mukha niyang makinis, maliit at walang double chin. Tumingin siya sa akin at saka ngumiti pero hindi ito natural, halatang kaplastikan lang. "Muntik nang sirain ni Cherry Mae Lawit ang career ko." ang wika niya. "Kaya huwag kang nag papaunlak ng ambush interview pag wala kami. Muntik ka nang mabuking na hindi ka talaga singer." ang sagot ni Luke "Kaya nga nag decide ako na hindi na mag papainterview na bwiset na si Cherry Mae, lalo na yung pamilyang may Lawit na iyan!" ang galit na tugon ni Amir. "Kaya dapat ay mag ingat ka next time. Narito ang list ng mga songs sa album na gagawin natin. Tingnan niyo kung maayos at kung mayroon kayong nais isuggest." ang wika ni Luke. "Hmmm, ano to? Stand by me, You are the reason, Perfect, All I ask? Lahat cover songs? Wala ba akong original song? Paano ko maisshow case ang galing ko sa pag sayaw kung lahat ito ay ballad?" tanong ni Amir na hindi maiwasan ang pag kainis. "Ayon sa review, maganda daw ang boses mo kapag ballad ang mga songs, talagang pinapakinggan, gustong gusto ng mga tao ang ballad at slow songs. Ayos lang naman kay Hans diba?" tanong ni Luke. "Oo, ayos lang sa akin. Mas magandang lagyan ng puso ang mabagal na kanta." ang sagot ko. "Sipsip! Ang sabihin mo di mo lang kayang sabayan yung mga mabibilis na kanta kasi mataba ka at mabilis hingalin. Ang dami daming pwedeng ghost singer dito pa ako napunta kay Kingkong." "Hoy Amir, mag pasalamat ka sa boses ni Hans dahil bumebenta sa hit chart ang kanta mo. Kung gusto mong mag sayaw edi mag cover ka nalang sa youtube at iupload ito." "Ewan ko sa inyo. Ang mahirap kasi, ako ang humaharap sa mga tao kaya ako ang napapahiya kapag sumasablay yang si Hans. Mag bawas ka naman kasi ng timbang para di ka nahuhulog sa stage." ang hirit niya sabay walk out sa silid. Napabuntong hininga nalang kami ni Luke. Kinuha ko ang bote ng tubig at uminom ako.. Maya maya ay kinuha rin ni Luke ang bote kung saan ako uminom at siya naman ang uminom dito, walang kaarte arte, kahit na nalaway ko na ito o nasayaran ng aking labi. Umupo siya sa aking tabi. "Pag pasensiyahan mo na yung mga tao sa paligid mo. Alam mo sa akin ka maniwala, ikaw ang pinaka magaling na singer na nakita ko sa buong buhay ko. At gabi gabi kong pinapakinggan ang mga kanta mo, mabisa rin itong pampatulog." ang wika niya habang naka ngiti. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Salamat. Hindi naman ako nasasaktan, sanay na akong kinukutya at pinag tatawanan ng lahat batay sa aking pisikal na anyo. Salamat rin at naappreciate mo ako." "Oo naman, ang mga katulad mo ay dapat inaappreciate dahil ikaw ay one of a kind. Very rare ang type. Siguro ay proud na proud sa iyo ang magulang mo dahil sa husay mo." "Wala na akong ina. Namatay siya noong bata ako. At ang aking ama ay naka kulong dahil sa pag kakasalang hindi naman niya ginawa. Wala rin akong kapatid kaya mag isa lang akong namumuhay sa isang paupahang apartment sa kabilang bayan." ang sagot ko. Natahimik siya at napatingin sa akin. "Sorry, hindi ko alam na ganyan ka tragic ang buhay mo." "Okay lang. Walang perpekto sa mundo. Kung parati tayong masaya ay hindi na lilikha ang Panginoon ng kinabukasan." ang naka ngiti kong tugon. Ngumiti siya. "Tama ka doon." ang wika niya at muling binuksan ang listahan. "Siguro maganda ring mag cover tayo ng mga classic songs, mga kantang napag lumaan na ng panahon pero tinatangkilik pa rin ng mga tao, katulad ng right here waiting, now and forever, beauty and madness. Ano sa tingin mo Hans?" tanong niya, ako naman ay pinag mamasdan lang siya habang nag sasalita. Tila ba nabato balani ako sa kanyang mga titig at tingin sa akin kaya panandalian ako na stun. Ibang klase ang kagwapuhan ni Luke.. "Hans, okay ka lang ba? May dumi ba ang mukha ko?" tanong niya sa akin. Bumalik ako sa aking katinuan. "Ah e, Oo, okay lang ako. Maganda nga yung mga classic songs na naisip mo. Lagyan natin ng ibang atake. Bukas ay pupunta ako kay Andrew para mag pagawa ng ibang areglo." "Yeah, thats it. Basta kapag nagawa mo ay ako ang unang makikinig." sagot niya. "Oo naman, gagawin ko ang best ko para maibigay yung puso ko sa kanta." "Iba ang musikang galing sa puso. Iyan ang trademark ng isang mahusay na singer." naka ngiting wika ni Luke sabay gusot sa aking buhok. Nag ngitian kaming dalawa at dito ay pinag patuloy kami ang pag hahanap ng magagandang kanta para sa album ni Amir. Hindi ko namamalayan na halos kalahating araw na kaming naka kulong ni Luke sa kanyang opisina. Tila ba nalibang ako ng husto sa kanyang matatamis na ngiti. Gusto gusto ko ang pakiramdam na ito, masaya, magaan na para bang gusto kong lumundag o sumigaw. Si Luke, ang tanging tao na nakaka appreciate sa akin kaya gustong gusto ko siya. Siya lang ang nag paramdam na importante ako, may pag papahalaga siya na hindi ko nakikita sa ibang tao. At habang nakatitig ako sa kanyang maamong mukha ay palalim rin ng palalim ang aking pag nanais na makikilala siya at mapalapit sa kanya ng husto. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD